Wattpad Original
There are 2 more free parts

Chapter 6

181K 6.4K 1.3K
                                    

DIPEN PSYCHE WAS DEAD. And it's going to be forever.


Bumangon ako mula sa aking pagkakaupo. Isinandal ko siya at pinagmasadan ang mukha. Napatitig ako sa kanyang mga labi. 


Bumaling ako sa kawalan at tumayo pagkuwan. Tumungo ako sa fridge upang kumuha ng tubig. Nagulat ako nang buksan ko ang refrigerator. Nasaan ang mga stocks ko? Kabibili ko lang kanina, ah.


Kinusot ko pa ang aking mga mata dahil baka namamalikmata lang ako. Pero hindi ako nagkakamali. Naglahong parang bula ang mga pinamili kong meat and veggies na ipapaluto ko sana sa cook kong pumupunta sa condo ko thrice a week. And even my chocolates and milk were gone.


Hinagilap ko agad ang aking cellphone at nang makita ko ito ay tinawagan ko si Zantha. Pero hindi niya ako sinagot. Mukhang pinakialaman na naman niya ang stocks ko. Siguro ay dahilan niya lang na nawawala ang stocks ko to save herself. Alam ko naman na siya ang kumukuha.


Sexy lang si Zantha at mukhang santa, pero P.G. siya!


I went to my phone again and tried to call my mom. Hindi rin siya sumasagot. Ang alam ko busy ngayon si mommy sa outreach programs niya. Mula nang magdalaga ako at umalis sa poder nila ni dad ay naging busy na si mommy sa pagkakawang-gawa, while si Dad naman ay busy sa negosyo. Hindi naman ako makapagreklamo dahil ako naman talaga ang ayaw tumulong.


Again, Dipen was the only one I had.


Oh, Dipsy...


Malungkot na nahiga ako sa kanyang tabi.


"My life is so dull." Wala sa sarili na kinausap ko siya. For the first time in my life, nag-open up ako sa isang tao. Tutal patay naman na siya at hindi niya maiintindihan ang mga sinasabi ko. "I feel like I am always alone. Sabagay, hindi naman kasi ako friendly. I admit that I am also a weirdo."


Tumingala ako sa kanya.


"And your older brother, Leon... He's the first guy that I liked. Sa tingin ko nga mahal ko siya. Siya lang kasi iyong thrill sa buhay ko. Taong bato ang kuya mo kaya naman nakaka-challenge siyang i-pursue. I'm really pathetic, aren't I?" 


Mapait akong napangiti habang nakamasid sa payapang mukha niya. 


"Kaya hindi rin siguro ako magustuhan ng kuya mo dahil nga sa pathetic ako. I am a bum. I did not even finish my studies and I was also busted in business. All I know is to spend my parents' money." Bahagyang pumiyok ang boses ko. "I have no direction... and I am not proud of it. But I just don't know what to do with my life."


Sa unang pagkakataon ng aking buhay ay in-acknowledge ko na malakas at matapang lang naman ako sa panlabas, but the truth was, I was really a weak person.


Namalayan ko na lang na nakayakap na ako kay Dipen. Hanggang sa makatulog na ako na nakadikit sa kanyang katawan.


...


"ARE YOU SURE ABOUT THIS?" tanong sa akin ni Zantha matapos naming ayusin si Dipen sa pagkakaupo sa backseat ng aking sasakyan.

SavagedWhere stories live. Discover now