Wattpad Original
This is the last free part

Chapter 04: Promises (part 2)

33.3K 1.5K 291
                                    

***

Maga ang mata at namumula ang ilong ko sa huling klase namin. Muntik na 'kong mag-skip ng major namin kung hindi lang ako lalong pag-uusapan ng mga kaklase ko. Kahit si Prof. Sison na bihirang nagtatanong, dalawang ulit akong tinanong kung may problema ako.

Ang problema ko lang naman, umasa ako. Pero ano bang ini-expect ko talaga kay Jepoy? Gusto niya lang pagaanin ang loob ko kaya niya sinabi 'yung mga sinabi niya sa kotse. He did offer to listen when I want to vent, but I that doesn't mean I should take the offer. Si Iya ang kaibigan ko, hindi siya. Bakit ko siya naisip pagsumbungan? Hindi niya 'ko responsibilidad. Busy siya sa iba. Lagi siyang may Denise.

At bakit 'yung babaeng 'yun na naman ang sumagot ng cellphone niya? Pinatawad niya agad? Lunes pa lang. Iilang araw pa lang mula nang lokohin siya, pinalampas niya na? Gano'n niya ba kamahal 'yun? It's sht.

And I'm sht, too. I feel sorry for myself when I'm looking for someone to depend on like this. Okay naman akong mag-isa... 'wag lang dumating 'yung mga ganitong araw na naghahanap ako ng sisiksikan. Kahit na maliit na space lang sa isipan ng kahit na sino. 'Yung pwedeng mag-alala sa'kin. 'Yung mag-iisip na baka hindi talaga ako okay. 'Yung pwede kong iyakan.

I want to vent to Iya and Mi... but they were too overwhelmed by the things they do. I know because they tell me. Dadagdag pa ba 'ko ro'n? I don't want to be a burden.

Kaya bakit kailangan pang dumating 'yung mga araw na ganito? Bakit hindi ko kayang maging malakas lang sa sarili ko?

Bakit si Denise ang sumagot ng telepono? I hate hearing her voice.

Pagkatapos ng klase kay Prof. Sison, nagmamadali akong lumabas ng lecture room pero humarang si Sherwin.

"Hey, Diane." Nakangisi siya nang akbayan ako.

Muntik kong yakapin ang shoulder bag ko sa pagtayo ng balahibo ko.

"What?"

"Why are you crying? Jorem's no good?" tanong niya.

Binilisan ko ang hakbang ko pero nakakasabay siya. Nakasunod sa amin 'yung mga barkada niya.

"Uuwi ka na? Sama ka sa'min," sabi niya. "May lakad kami nina Benj."

God. I'm so tired of this. Hindi ba pwedeng sa ibang araw na lang 'yung ibang bullsht?

"Let go," sabi ko habang pababa na kami sa hagdan.

"Come on. Sama ka sa'min. Kahit sandali lang."

Bumigat ang kamay ni Sherwin sa pagkakaakbay sa'kin. Tumabi na rin sa kabilang tagiliran ko si Jigs. Halos maipit ako sa gitna nila.

Gusto ko nang tumakbo. 'Yung mga kaklase namin, naririnig kong nagbubulungan sa likod. Kung kakaladkarin ako nina Sherwin para sumama sa kanila ng barkada niya, sigurado akong walang tutulong sa'kin kahit na sumigaw ako.

"Let go," nanghihinang sabi ko. Wala na 'kong lakas na natitira pa para sa araw na 'to. Kaunti na lang, maiiyak na naman ako. At ayokong umiyak sa harap nilang lahat.

Hindi ako pinansin ni Sherwin. Nag-usap-usap silang magbabarkada kung saang karaoke bar pupunta at kung anong alak ang iinumin.

Nag-aabang ako ng tiyempo para makatakbo nang may tumawag sa pangalan ko. Tumingala kaming lahat sa third floor kung saan kami galing. Nakadungaw sa'min si Prof. Sison.

"Miss De Vera, I need to talk to you," malumanay na sabi nito, nakatingin sa amin.

Mabilis akong kumawala sa akbay ni Sherwin at tumakbo paakyat. Nagbago ang bulungan nila kahit na ako pa rin ang topic. Parang madadamay sa reputasyon ko si Prof.

icon lock

Show your support for Eloisa Madrigal, and continue reading this story

by Eloisa Madrigal
@TheCatWhoDoesntMeow
Lulubog, lilitaw--ganyan ang feelings ni Diane Christine para kay Jes...
Unlock a new story part or the entire story. Either way, your Coins help writers earn money for the stories you love.

This story has 28 remaining parts

See how Coins support your favorite writers like @TheCatWhoDoesntMeow.
Secretly (Candy Stories #2) (Published by Anvil Bliss)Where stories live. Discover now