Unpredictable

100 7 1
                                    

AN://

Dedicated sa kanya kasi mahal niya si Benben XD Ang bait niya kasi ehh ...

Ellaaaa !! Bumangon ka na !! " sigaw ni mama habang niyuyugyog ang katawan ko . Kinuha ko yung unan malapit sa akin at tinakpan ang tenga ko . Ang aga pa ata eh .

Inaantok pa ako Mama , " sabi ko . Mas nilakasan niya pa ang pagyugyog sa akin .

Anuu ka bang bataa kaa !! Papasok ka pa , " sigaw ni Mama .

Ella ! Bumangon ka na ! " sigaw naman ni papa .

Opo , " mahina kong sabi at dahan dahang bumangon . Huminto si mama sa pagyugyog sa akin at tinignan ako ng masama .

Bilisan mo ang kilos ! " sigaw niya . Ano ba to si mama sigaw ng sigaw ke aga aga . Umalis na sila sa kwarto ko . Kasi bakit ang aga ng pasok sa nilipatan ko !

* ligo ~ toothbrush ~ bihis ~ ayos ng buhok *

Pagkatapos ko mag ayos bumaba na ako at dumirecho sa kusina .

Ella , ito na ang baon mo , " sabi ni mama sabay abot sa akin ng baunan ko at pera . Kinuha ko iyo at nilagay sa bag ko . Psshh ! Masyado namang maiksi itong palda ko .

Susubo na sana ako ng hotdog ng pigilan ako ni mama .

Aba't kakain ka pa ! Lumayas ka na at baka malate ka pa , " sigaw niya .

Sa daan ka na kumain , " sabi naman ni papa sabay abot ng sandwich . Yung tataa ?! Kainis naman eh !

Lumabas na ako ng bahay at naglakad na papuntang school habang nakain .

Nakakainis ! Bakit kasi kailangan ko pang maglakad papasok . Bakit kasi walang bus dito sa nilipatan namin !

Kawawa naman yung sandwich , "

Tumingin ako sa likod ko at nakita yung lalaking nagsalita . Yung uniform niya kakulay ng uniform ko . Schoolmate ko siguro . Tskk Pakialam niya ba ?!

Inisnab ko siya at nagpatuloy sa paglalakad . Nakakita na rin ako ng ilang estudyante na kaparehas ng uniform namin .

Ilang minuto lang naaninag ko na sa wakas yung gate ng school .

Okay Ella , tandaan mo ang rules na ginawa mo tuwing lilipat kayo .

Dont talk

No Friends

Stay Invisible

Bago pa man ako makapasok ng gate ay may biglang humatak sa damit ko . Pagharap ko isang teacher lang pala .

Ella Banania , kanina pa kita iniintay . Sumama ka sa akin , " sabi niya tapos naglakad na . Sinundan ko lang siya . Nakarating kami sa isang classroom . Siya siguro yung magiging homeroom teacher ko .

Pumasok kaming dalawa sa loob ng classroom . Huminto yung mga estudyante na nagkakagulo kanina bago kami pumasok .

Ang gugulo niyo talaga ! " sigaw nung teacher . Naupo lahat ng mga estudyante .

Siya ang bago niyong kaklase . Siya si Ella Banania . Maging mabait kayo sa kanya , " sigaw nito . Nakatingin silang lahat sa akin na parang may hinihintay .

Unpredictable [Kris One Shot]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant