Chapter 1

112 0 0
                                    

12:00 PM

"Bella!! sandali lang, hintayin mo naman kame" rinig ko pang sigaw nila Pamela at Andrea

hindi ko na sila pinansin kasi baka wala na akong maabutan dun sa canteen.

pagkadating ko naman sa canteen, medyo nagtago muna ako kasi pawis na pawis na ako. ayoko naman na makita nila akong haggard. baka maturn off si crush. hihi

Oo, tumakbo ako simula dun sa building namin papunta dito sa canteen. which is sa building nila Drake, my love.

simula dito sa pwesto ko, kitang kita ko sya na tumatawa habang kausap yung kaibigan nya pati yung isang nerdy, pati yung kaibigan din nilang babaeng maikli ang buhok. tssk. Nvm na nga basta si Drake, My love ang gwapo gwapo nya talaga.

"Hoy babaita! sabi ko sayo hintayin mo kame e." biglang sulpot ni Pamela na hingal na hingal, kasunod naman nya si Andrea.

"Ehh Keshee nemen eh! baka di ko na maabutan si Drake." pabebe ko pang sabi sa kanya

"Jusko anong sinasabi mo? eh pareho lang naman ang Lunch break ng Seniors sa Juniors." singit naman ni Andrea habang nag hahabol ng hininga.

"Ehh Miss ko na kasi sya e. di na ako makapag hintay. hihi" kinikilig ko pang sabi

"Ikaw talaga! tara na nga" yaya nila sakin sa loob ng canteen.

"Teka muna, wait! maayos na ba ako? pretty na ba? baka naman mamaya haggard na haggard pa pala ako tapos makikita ako ni Drake."

"Hindi na ayos na yan. pak na pak parin yung beauty mo kahit haggardo ka" sabi naman ni andrea at kinindatan pa ako, baliw lang

"edi tara na." sabi ko ng biglang hinigit ni Pamela yung kamay ko.

"Bakit?" naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Pag Planuhan muna natin yung pagpasok mo dyan sa canteen. syempre kailan mong makuha yung atensyon ni Drake duh" maarteng sabi ni pamela.

"So, anong gagawin natin?" sabi ko nalang.

"Kailan pagpasok mo dyan sa entrance ng canteen medyo fierce ka ha? tutal model ka naman. kayang kaya mo yan. diba?"

"Oo naman. para mapansin ako ni Drake, Mylove hihi" excited na sabi ko sa kanya.

"So Bale, kapag nag Go signal kami Ni Pamela, tsaka ka pumasok. kasi kami magpu-push nyang dalawang mabigat na pintuan."

"Okey, Okey, dalian nyo na! excited ko ng makita yung love ko!" medyo naiirita kong sabi sa kanila. dami kasi nilang chechebureche.

"Okey readyy na you ah!

1
.
.
.
.
.
.
.
2
.
.
.
.
.
.
.
3
.
.
.
.
.
.
.
.
Go!!"  kasabay naman nun ang pagbukas nila ng pintuan at nag cause ito ng ingay kaya lahat ng atensyon nasa akin.

naglakad naman ako hanggang sa cashier, pero yung lakad ko medyo awkward kasi nag catwalk pa ako tas medyo naka bukas yung blouse ko pero di naman kita yung dapat makita. di ako ganun noh! at tsaka nag smile naman ako sa mga bumabati sakin.

"woah, si Senior Bella!!"

"Ang hot talaga nya."

"Hi Senior Bella!"

"samin ka nalang sumabay kumain senior Bella!"

nginitian ko nalang sila, pero habang malapit na ako sa pwesto nila drake, binagalan ko maglakad. tinignan ko naman sya. nakasmile sya yung killer smile nya and guess what? hindi sya sakin nakatingin. kundi doon sa mga kaibigan nya.

enebe!! notice me drake, mylove!

medyo nalungkot naman ako nun pero di ko nalang pinahalata, at nagsmile parin sa mga bumabati sakin. medyo sikat kasi ako sa school namin, dito sa Harvard University. lagi nalang ako nafe-feature bilang Face of the year. ewan ko ba sa mga kaekekan ng school na to lol, kaya kilala ako ng Juniors to Seniors dito. yun lang share ko lang hihi.

"Hi po, 4 nga pong chocolate cake, 4 Chuckie and 3  carbonara po" nakangiti ko namang sabi ng makarating ako ng cashier.

"Yun lang po ba miss?"

"Opo"

nag mabigay naman lahat ng order ko, pumunta na ako kung saan pumwesto sila pamela at andrea.

"Oh? baket parang malungkot ka ata?" sabi ni pamela

nagfake smile nalang ako "Ha? hindi ah! gutom lang talaga ako. hehe tara let's eat na!"

"Eh bakit may sobrang chuckie at carbonara?" takang tanong naman ni Andrea.

"Gutom kasi talaga ako ih!" sabi ko nalang. totoo naman kasi tsaka its my fav kaya!

Habang kumakain kami, di ko maiwasan na mapatingin kay Drake. ang gwapo gwapo nya talaga kahit saan tignan. kaya wag na kayong magtaka kung bat nagustohan ko yan. mabait, matalino, gentleman,gwapo. na fe-feature din sya sa face of the year.

"Tara na! balik na tayo sa classroom. baka malate pa tayo sa next class natin e."

"Huh? sure kaba dyan? himala gusto mo ng umalis agad? yung totoo, may problema kaba talaga?"

"Wala talaga, promise. masaya na akong nakita ko sya kahit di naman masyadong matagal ngayon. makikita ko parin naman sya mamaya ih"

"Okey, if you say so then lets go"

naglakad na kami palabas ng canteen pero may naririnig parin akong tumatawag sakin.

"Luh, aalis na si Senior Bella? ang bilis naman"

"Aalis kana agad Senior Bella? sige  sanay naman na akong mag isa"

"Drama mo boi! haha wala ka namang pag asa dyan kay senior Bella e"

"Kaya nga umaasa nalang ako e. pagbigyan mo nalang ako bro"

Binilisan ko na ang paglalakad, ang cocorny kasi ng mga pinagsasasabi nila e. at tsaka aaminin ko, nagseselos ako dun kay Kristen. super close nila ni Drake, my loves huhu i wish i was her.

pagkapasok namin sa room, sakto naman na pagpasok ng teacher namin sa Physics. sakto lang pala na napa aga kami ng alis ng canteen e.

habang nagtuturo si Miss hindi ko maiwasan na wag makinig. paano ba naman kasi kitang kita ko si Drake dun sa Kabilang building. hindi naka laylay yung kurtina kaya kitang kita ko sya.

Hinding hindi ako magsisisi na minahal ko ng palihim ang isang tulad mo, Drake Henderson.

------------------------------------------------------------------

-Bæ






I Love You, My Little BoyWhere stories live. Discover now