Chapter 13A: Over Again

135 42 10
                                    

CHAPTER 13

Rella's POV

"Stay there!" -Rince

-____- Para akong tuta. Kanina pa ko sinasabihan ng 'stay' neto. >__<

"Stay-stay! Hindi nga sabi ako tuta e! ~____~" inis kong sabi. Buryong buryo na ko dito kay Rince e. Kanina pa.

"Well, what would you like me to say?!" inis din nyang sabi.

"Wag mo kong Englishin! Impakto ka talagaaaa!! Bat ba tayo andito? Bahay nyo ba to?"

Ginala ko yung paningin ko. Grabeeee. Ganda naman ng pamamamahay na ito. *0*

Yayamanin talagaaaaa!! *0*

"No. Just stay there, ok?" sabi nya tsaka nagsimulang umakyat sa hagdan papuntang second floor.

Naiwan na naman ako. Ang hilig mang iwan netong si Rince. -____- Ni hindi man lang nagsasabi kung san pupunta. Ano kayang gagawin ko dito sa sala na to?! Umupo ako dun sa isa sa mga sofa. -_____- Nakakatamad dito. Tumingin ako sa kisame.

T.T Walang butikiiiiii?!?!? Wala akong mabibilang na butiki. Nakakalungkot. Nakakabagot. Ba yaaaaan! TT.TT

Iginala ko na lang yung mata ko sa paligid. Kesa naman sa buong oras lang akong mabagot dito igagala ko na lang ang paningin ko at bubusugin ang paningin ko sa paghanga sa lugar na to.

Tumayo ako at inusisa ko yung buong lugar. Napabaling ang tingin ko sa coffee table nila. May mga albums sa ilalim. Kinuha ko yung pinakamakapal na album at umupo ulit sa sofa.

Hahahaha!! Ang cute nung dalawang bata sa photos. Isang babae. Isang lalaki. Hahaha! Nakakaaliw tingnan.

Patuloy lang ako sa pagbuklat nung album.

Andaming pictures! Di naman sila fond sa picture taking, ano po? Hahaha!!

Grabeeeeh!!! Mga magagandang nilalang ni Lord tong mga to. Yung dalawang bata kanina medyo malaki na. Siguro 8 years old ganun. Parang magka-edad nga sila e. Tiningnan kong mabuti yung batang lalaki. 

Parang kamuka ni Rince. Well, bukod sa mataba ang muka ng batang to at ang ganda ng bungi nyang ngipin ha? HAHAH! XD

"Hey!" sabi ng isang pamilyar na tinig saka hablot nung album sa kamay ko. Napatingala ako sa kanya.

"Tsk tsk tsk. Ambastos mo, Rince! Tinitingnan ko yan e!" sabi ko tsaka tumayo at pumameywang.

"E bat ka ba?! Hindi naman sayo to e. :P"

One Story To Tell (Hiatus)Where stories live. Discover now