Chapter 19. [Strike]

289K 5.7K 1.4K
                                    

Sorry for not updating! :( :))  Nawala storyline ko eh pero nakuha ko na kaya may update. Enjoy!

At anong team niyo na? Team HanDy, MacNah or NathNah? =))))))

AY DEDICATED PALA TO SA MAGANDANG SISTARET KO NA SI JANEHALE NA NAGPALIT NG UN. LABYU TEH! <3

--------------------------

HANNAH'S POV

CAFETERIA

Nasa cafeteria ako ngayon. Kasama si Nathan. He's smiling and I don't know why!

"Huy Nathan, anong nakain mo at kanina ka pa nakangiti dyan?" tanong ko.

Ngumiti lang siya sakin showing his dimples. "Kasi mukhang mag-eenjoy ako sa university na 'to eh."

"Talaga? That's good news!" napangiti na rin ako. "Ang bilis mo naman mag-adjust dito!"

"Hahaha. Oo nga eh. Dahil sayo yun."

"Sakin?"

"Oo. Friends na tayo diba Hannah?" sabay subo niya ng kinakain niyang sandwich.

"Oo naman." nagthumbs-up ako. "Musta naman classmates mo sa class mo?"

"May mga kumakausap sakin. Kaso naweweirduhan ako sa kanila."

"Bakit?"

"Kasi ang lakas daw ng loob kong makipag-usap sayo. Ang tapang-tapang ko daw. Madaming nag-goodluck sakin." sabay iling niya.

Madaming... nag-goodluck?!

"Ano bang meron sayo Hannah?" kunot-noo niyang tanong. "May-ari ka ba ng school na 'to kaya hindi ka pwedeng lapitan?"

"Ha? Hindi!" napakagat-labi ako. "Ah kasi, ano eh."

"Ano Hannah?"

My Gangster HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon