Chapter 12

8.9K 291 10
                                    

CHAPTER 12

HALOS mabasag ang mga ngipin ni Matthew sa paggigitgitan habang pumaparada sa parking lot ng SVMC. Doon niya nakitang dinala ni Linster si Rysia matapos niyang makita na karga ng kapatid ang dalaga. Walang malay. Hindi na niya inabutan ang mga ito dahil hindi agad siya nakababa ng second floor. Talagang nagimbal siya sa narinig mula kay Rysia.

At mas lalong tumitindi ang hinala niya ngayon. Nagsinungaling si Rysia sa kanya kaninang tanungin niya kung nasaan ito kahapon.

Dahil kitang-kita niya na sabay na lumabas ng cafe sina Rysia at Linster. Nagtatawanan pa at mukhang enjoy na enjoy sa date ng mga ito. Pansin din niya na palaging idine-defend ni Rysia si Linster kapag nag-o-open siya rito. Pakiramdam niya tuloy, mas kinakampihan at mas gusto nito ang half-brother niya.
At ngayon, magkasama na naman ang mga ito. Kahit nagagalit siyang makita ang dalawa na magkasama, nanguna pa din ang pag-aalala niya para kay Rysia nang makitang walang malay ang dalaga nang ipasok ni Linster sa kotse nito.

Pero ngayong pumapasok na ang mga ito sa ospital ay nakakalakad na ng maayos si Rysia. Kaya lang ay maingat na nakaalalay pa din si Linster.

Hindi na siya nakapagpigil. Mabilis na tinakbo niya ang mga ito at hinaltak sa balikat ang kapatid.

“So? What is the meaning of all of this?”

Nagulat na bumaling si Linster sa kanya pero sandali lang at nakabawi din ito.
“Oh, hey. Nandito ka pala.” parang walang anuman na sabi nito at binalingan si Rysia.

Hindi niya maintindihan pero parang sobrang putla at nanlalambot si Rysia sa mga sandaling iyon. Pero nangibabaw ang galit niya nang makita kung gaano kahigpit ang kapit nito sa braso ni Linster.

“It's better that you were here--”

Hindi nito naituloy ang sasabihin at inundayan na niya ng suntok si Linster. Napatili si Rysia na kasabay ni Linster na nahulog sa pavement sa harap ng ospital.
“Ano bang problema mo, ha, Matthew?” Yamot na sita sa kanya ni Rysia maski namumutla pa din ang hitsura.

At nasaktan siya dahil obviously, nasa side na naman ito ni Linster. Kitang-kita niya iyon sa paraan ng masamang tingin ni Rysia sa kanya. Hindi niya gusto ang tingin na iyon. Kahit kailan ay hindi siya binigyan ng dalaga ng ganoong uri ng tingin. Na para bang sinasabi ng mga mata nito na ang sama-sama niya.

“Hah! Ako pa! Ako pa ang tinatanong mo?” galit ding singhal niya kay Rysia.
“At sino bang nanununtok na lang basta? Akala ko ba sinabi ko sa 'yo na ayaw muna kitang makita? Bakit nandito ka?” sita na naman sa kanya ni Rysia. Bumaling ito kay Linster.

“Dumudugo ang bibig mo,” sabi nitong may halong pag-aalala at hindi malaman kung hahawakan si Linster o hindi.
At gusto na namang umusok ng bumbunan ni Matthew sa nakikita. Sa kanya lang ganoon si Rysia. Pero bakit ngayon, ibang-iba na. Inaangilan na siya nito, na hindi nito usual na ginagawa. Kung sitahin siya nito, para bang siya ang pinakamasamang tao sa buong mundo.

“I'm fine. Ikaw? Hindi ka ba nasaktan?” sagot naman ni Linster na tinulungang tumayo si Rysia.

Hindi niya kinaya ang palitan ng masusuyong salita ng mga ito, binirahan niya ng layas ang dalawa. He knew Rysia was such a sweet woman. Pero hindi niya inaasahan na pati kay Linster, ang taong alam nito na kinaiinisan niya sa buong mundo.

“Hindi mo ba siya kakausapin?”

“Hayaan mo siya. Ayoko siyang makita.”

Naririnig pa din niya sina Linster at Rysia at hindi niya mapaniwalaang naririnig niya ang masasakit na salita na iyon ni Rysia. Never that he thought she would feelsill, towards him. Samantalang apat na taon itong parating aali-aligid sa kanya.
So, it was clear.

Malinaw na sa kanya ngayon. Malinaw na malinaw na sa kanya kung bakit nakikipaghiwalay na si Rysia sa kanya. Nakahanap ito ng mas magaling kaysa sa kanya. Linster is better than him, he knew that. Pero hindi niya inaasahang ang tagpo na ito ang sasampal sa kanya para tuluyang tanggapin ang katotohanan na 'yon.

Paulit-ulit niyang kinumbinsi ang sarili na mali ang iniisip niya nang makita ang mga ito na magkasama sa cafe. Pero niloloko niya lang pala ang sarili.

Ang dami na niyang plano para sa kanilang dalawa. Hindi lang niya inilalatag rito kanina kasi sobrang badtrip siya sa mga hinalang pumapasok sa utak niya. Tinanong niya din ang guard sa building nina Rysia kahapong sundan niya ang dalawa, kung madalas bang magkasama ang dalawa at kinumpirma iyon no'n. Ilang beses daw inihatid ni Linster si Rysia. Paano pa siyang hindi mag-iisip ng masama?
Hindi siya namalik-mata lang kahapon. At lalong hindi ngayong araw na ito. Ngayong mga oras na ito.

At mukhang lahat ng plano na iyon para sa future nila ay maitatapon na niya.

Pinagsusuntok ni Matthew ang flower box na nadaanan. Hindi niya matanggap! Hindi niya matanggap na lolokohin siya ni Rysia. Na ganoon siya nito kadaling maipagpapalit.
Kunsabagay, nakita nga niyang may hinahabol itong lalaki para bigyan ng chocolate pastries noong Valentine's. Hindi nga ba at kapag wala siya sa paligid, tumitingin din pala ito sa iba? Wala itong ipinagkaiba sa kanyang ama.

And of all people, why it was Linster? Because Linster was way better than him? Kinain na naman siya ng insecurities. Puwedeng ganoon. Lagi naman. Magmula nang pumasok sa buhay niya ang Linster na 'yon, unti-unti nitong kinukuha ang lahat ng mayroon siya.

Pati si Rysia. Pati ang babaeng mahal niya.
No wonder. Laging nagmamadali si Linster noon kapag katapos ng review. Hirap din siyang kontakin si Rysia at ang palaging dahilan ay nakatulog ito o may ginagawa.

Iyon ba ang mga araw na pasikretong nagkikita ang dalawa? Iyon ba ang mga araw na sinusulot na ni Linter si Rysia sa kanya?

“That son of a bitch!” galit na singhal niya at muli na namang pinagsusuntok ang concrete flower box.

Nang magsawa, dumeretso si Matthew sa kanyang kotse at pinagsusuntok naman ang manibela hanggang mapagod. Napasubsob na lang siya doon at humagulhol.

“Bakit ganyan ka, Rysia? Paano mo nagawa sa akin 'to? Bakit mo nagawa sa akin 'to?”

Tuloy sa paghagulhol si Matthew. Sobrang sakit. Matatanggap niya na inagaw ni Linster ang pagmamahal ng Lolo at ama niya sa kanya, pero si Rysia, hindi niya matanggap.

Naging considerate lang ba si Rysia at hinintay na makapag-exam siya bago nakipaghiwalay sa kanya? Ganoon ba? Iyon ba ang dahilan kaya hindi nito sinabi kaagad?

Parang dinudukot ang puso ni Matthew sa loob ng kanyang dibdib. Para siyang sinasakal at ayaw  na lang huminga. Para saan pa ang pagsisikap niya kung wala na din naman siyang pag-aalayan ng lahat ng iyon?

Para saan pa ang lahat ng iyon? Para sa kanyang pagkalaki-laking ego?
Ito na ba?

Ito na ba ang karma niya sa lahat ng ginawa niyang pakikipaglaro sa mga babaeng dumaan sa kanyang buhay? Bakit sobrang sakit naman? Bakit parang buhay niya sa hinaharap ang sinisingil ng karma? Bakit sobra naman? Sobrang-sobra naman.

Because Rysia is worth of his future life. Ano pa ang magiging motivation niya ngayon?

San Victorio Doctors 1: Almost (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon