My Facebook Boyfriend...For Real?! (The Return of the 'short' Comeback - 2)

27.1K 247 62
                                    



My Facebook Boyfriend...For Real?!

(The Return of the 'short' Comeback)

0.2

NADS

"Hindi ko ma-gets kung bakit maga-apply pa siya ng cooking lessons eh ako naman ang nagluluto sa bahay. Tapos...lahat sila? Tsk! Parang may something, eh," sabi ko habang hinihiwa ko into small pieces itong cake na binake ni Sandy.

We're here sa bahay nila. Hinihintay lang namin si Liz na dumating from her business.

Yup! Isa ng business woman na si Elizabeth Allen C. Villafuerte.

Nakakatawa kasi sa tuwing bubuuin namin ang pangalan niya with the surname of her loving husband right after nilang mag-away, eh...nagbi-beast mode siya.

"NAKO! 'Wag na 'wag n'yong pinapaalala na nagpakasal ako sa damuhong 'yan!"

Sanay na kami, actually.

Meron na siyang sariling clothing line na may iba't-ibang shop sa mga malls. Actually, 'yan ang business ng Mom niya mula pa noon nung mga college pa kami. May nauna na silang branch sa Europe na tinuloy lang dito.

Kaya...imbes na cooking ang maging linya niya, siya na lang ang nag-take over sa business nila since wala ng ibang magmamana nu'n kundi siya.

"My friend... My friend... You're still the same kahit may kambal ka na." It's Sandy. Nagpe-prepare siya ng kakainin namin mamayang lunch. Isa 'yan sa mga natutunan namin sa cooking class namin. "You still didn't know how men work..."

"Ano? 'Di ko gets."

Tumingin siya sa 'kin. "Don't worry, dear, sanay na 'ko."

"Wow, ah. Thank you."

Kainis kasi.Hindi makakarating si Chris.Wala tuloy akong kakampi kapag dumating pa si Liz. Ang totoo, nasa doctor nila siya with Basty.

Nag-ta-try kasi sila ulit magka-baby kaso until now...wala pa rin.Sana wala namang negative news.Nahirapan din kasing magka-baby sila noon. Buti na lang na-blessed pa sila ng mabait at gwapong anak, si Andrew.

"Maria Nadine... Nagiging ganyan lang naman ang mga husbands kapag...nabulabog ang kanilang male ego at may kumatok sa kanilang inner caveman soul."

"Ego? Caveman? Eh,, teka. Sino namang nambulabog at kumatok?"

Nag-umpisa na siyang magbukas ng stove para magluto. Tumalikod siya sa 'kin pero sandaling tumingin sa 'kin.

"Chef Solis..."

"Ahh—Wait. Chef Solis?!"Tumawa ako. "Impossible. May anak na nga 'yun."

"Don't forget na he's a widow."

"Oh? Eh, ano naman?"

"Tsk, tsk, tsk. That is all what it takes for our men to go crazy. Men are simple like that, Nadine. They want to protect theirs."

"Gaah~ Nagluluto lang tayo. Ano na namang nasa utak nila—."

"Ang sarap igapos talaga ni Pong!"

Sabay kaming napatingin ni Sandy sa kapapasok pa lang na si Liz.

"Ano na namang bago sa inyo?" tanong ko.

Umupo si Liz sa tabi ko saka nakisubo sa cake na kinakain ko. Pagkalunook niya at pagkainum ng tubig, saka siya sumagot.

"Si Pong! Itutuloy pa rin 'yung pag-attend sa cooking class natin!"

"Well, well, well. You're not alone, my friend," sagot naman ni Sandy.

My facebook boyfriend...for real? (PUBLISHED BOOK by PSICOM Inc.)Where stories live. Discover now