Si Pagong at si Matsing ( Revised of 2012)

1.3K 1 0
                                    

Si Pagong at Si Matsing (Isang Pabubbles)

The Revival story of 2012, FULL of LESSONS

Trip ng walang Magawa na si Taw-Ang

Sina Pagong at Matsing ay matalik na magkaibigan. Mabait at matulungin si Pagong, subalit si Matsing ay tuso at palabiro. Isang araw sila ay binigyan ni Aling Muning ng isang supot ng pansit.

“ Pagong may pansit dyan sa lamesa kainin niyo na lang!” wika ni Aling Muning.

“Halika Matsing, kainin natin ang pansit” nag-aayang sabi ni Pagong

“Naku baka panis na yan”sabi ni Matsing

“Ang nabuti pa, hayaan mo muna akong kumain n’yan para masiguro natin na walang lason ang pagkain” dagdag pa nito.

“Hindi naman amoy panis Matsing at saka hindi naman magbibigay ng panis na pagkain si Aling Muning” sabi ni Pagong

“Kahit na, ako muna ang kakain” pagmamatigas ni Matsing

Walang nagawa ang kawawang Pagong kundi pagbigyan ang makulit na kaibigan. Naubos ni Matsing ang pansit at walang natira para kay Pagong.

“Pasensya ka na kaibigan, napasarap ang kain ko ng pansit kaya wala ng natira. Sa susunod ka na lang kumain” paliwanag ng tusong matsing.

Dahil sa likas na mabait at pasensyoso si Pagong, hindi na siya nakipagtalo sa kaibigan.

Muling nagbalik si Aling Muning.

“ Pagong bakit hindi niyo pa kinakain yung pansit? At asan nga yung pagkain ng baboy dito sa mesa? Tanong ni Aling Muning.

Huh? Ano po yun? Ibig sabihin pag kain ng baboy yung kinain ni Matsing?” sagot ni Pagong.

“ Ano? Kinain mo Matsing yung yung pagkaing para sa baboy, yuck nakakdiri halo halong tira tira yun at madumi pa naman yun. Bakit mo kinain?” muling tanong ni Aling Muning.

Halos masuka si MAtsing dahil maling pag-kain ang nakain niya at lihim na tumawa si Pagong sa nangyari sa kaibiga.

Sa kanilang paglilibot sa kagubatan, nakakita si Pagong ng isang puno ng saging.

“Matsing! Matsing! tignan mo ang puno ng saging na ito. Maganda ang pagkakatubo. Gusto ko itong itanim sa aking bakuran para pag nagkabunga ay makakain natin ito” masayang sabi ni Pagong

“Gusto ko rin ng saging na ‘yan Pagong, ibigay mo na lang sa akin”sabi ni Matsing

“Pasensya ka na, gusto ko rin kasi nito.Kung gusto mo hatiin na lang natin.”

“Hahatiin? O sige pero sa akin ang itaas na bahagi. Ung parte na may mga dahon ha?” nakangising sabi ni Matsing

“Ha? sa akin ang ibabang bahagi?tanong ni Pagong

“Oo, wala akong panahon para magpatubo pa ng dahon ng saging kaya sa akin na lang ang itaas na parte”sabi ni Matsing

Umuwing malungkot si Pagong dala ang kalahating bahagi ng saging na may ugat. Samantalang si Matsing ay masayang umuwi dala ang madahon na bahagi ng puno.

Inalagaan ni Pagong ang kanyang halaman. Araw-araw dinidiligan niya ito at nilalagyan ng pataba ang lupa. Ganoon din ang ginawa ni Matsing. Subalit makalipas ang isang linggo, nalanta ang tanim na saging ni Matsing.

Si Pagong naman ay natuwa nang makita ang umuusbong na dahon sa puno ng saging. Lalo nitong inalaagaan ang tanim hanggang sa mamunga ito nang hitik na hitik.

Si Pagong at si Matsing ( Revised of 2012)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon