Kaligayahan o Katangahan?

1.3K 9 7
                                    

KALIGAYAHAN O KATANGAHAN?
SPOKEN WORDS BY: JAYE KNIGHT

Paano nga ba maging masaya... ulit?
Paano ko nga ba ibabalik ulit ang kaligayahan, kung noong umalis ka ito'y iyong binitbit palayo?

Napaka layo. Kasing layo ng pag-asang babalik ka pa, at mamahalin mo pa ako.
Sa matagal na panahon ako'y kamuntik nang mamatay dahil sa maling akala.
Na baka, sa hinaharap ay mapa-ibig kita.

Na baka, dumating ang araw na maramdaman mo at masabi mo sa sarili mong, "siya na pala".
Na baka dumating ang panahong hindi ko na kailangang sabihin sa Diyos na, "Lord siya nalang kasi."

Na baka magkatotoo ang aking pangarap na sa pagtanda ko tuwing gigising ako sa umaga, ikaw ang una kong makikita.
Ikaw ang unang babati sa akin ng "magandang umaga, mahal ko."

Pero hindi eh, lahat nang iyon ay mananatiling baka nalang. Baka, hindi ito hayop, at hindi rin ito isang nilagang putahe. Kundi isang bagay na pangarap mong makamit, pero hindi ka sigurado kung kaya mo ba itong masungkit.

Walang kasiguraduhan. Simula palang, wala naman talagang sigurado.
Syempre, tanga ka, aasa ka. Aasa kang darating ang oras na baka mahulog rin siya sayo kahit na alam mong sa huli masakit at malabo.

Malinaw na malabo.
Malinaw niyang pinapakita sayo na masaya siyang kasama ka niya.
Malinaw niyang pinaparamdam sayong mahalaga ka para sa kanya.
Malinaw niyang pinaparamdam na nagpapasalamat siya dahil ikaw ay nakilala.

At malinaw niyang pinapaintindi sayo kung gaano kalabong maging kayo, dahil sa paulit-ulit niyang kwento... tungkol sa kanyang minamahal.

"Ang galing niya."
"Ang gwapo niya."
"Nilapitan nya ako. Nakaka kilig!"

Oh pag-ibig! Bakit ako pa?
Syempre nagkukwento sya, kaya kahit masakit na... no choice ka kundi ang mapa "Ha! Ha! Ha!" Sa love story nila.

"Atleast masaya sya."
Paulit-ulit kong sambit sa sarili para kahit papaano ay magkaroon ako ng rason upang magparaya.

Pero ang totoo? Nakakadurog.
Nakaka pagod pero dahil tanga ka, mas pipiliin mong maging masaya sya, kahit hindi sya nakalilim sa mga bisig mo.

Kahit hindi niya hawak ang mga kamay mo.
Kahit hindi ang labi mo ang nakadampi sa mga labi niya.
Kahit na sobrang sakit na, nakakabaliw na!

Mahal mo parin siya.
At handa kang masaktan. Handa kang pakinggan ang mga nakamamatay na kwento niya.
Basta lang masabi nya sayong...
"Ano nalang ang gagawin ko kung wala ka?"

Kahit manlang sa ganoong paraan, maramdaman mong importante ka sa kanya.
Importante ang presensya mo.
Dahil ikaw ang "human diary" nya.

Importante ka dahil, "best friends" kayo.

Truth hurts, ika nga. Pero ganoon talaga.
Sa buong pagkakataon... importante ka dahil kaibigan ka.

Uulitin ko ang tanong...
Paano nga ba maging masaya... ulit?
O naging masaya ka nga ba talaga?

PETALS & PAGES: A Spoken Word Poetry CollectionWhere stories live. Discover now