Second Shot: He's A Fanboy

511 28 7
                                    

(Slowly editing)

Xeelo's POV

"Aba pare! Si Xeelo, nakikinig ng KPOP! Wahahaha! Pakyu ka tol! Nababading ka na!" kantyaw sakin ni James, ang pinsan ng George KO. Kung hindi niya lang to pinsan, matagal ko ng napadala to kay Satanas. Kabwisit, kaya inirapan ko nalang siya. Mas gwapo siguro siyang tignan sa loob ng kabaong.

"Aba'y umiirap din! Bading ka na talaga tol!" Susugurin ko na sana siya para batukan ng dumating si George mylabs kaya napakalma ako, hehe, nakangiti kasi sakin eh. Alam mo na, siya lang ang kayang gumawa nito sakin.

"Oh eto, kain ka muna." kinuha ko yung pagkaing binigay niya ng walang ekspresyon sa mukha, ayokong ipakita sa kanya na nababading ako pag andyan siya, masyado akong gwapo alam mo yun.

"Hoy James! Sabihin mo nga sakin, anong nakakabading sa pakikinig ng KPOP?" Tanong niya habang nanlilisik ang mata sa pinsan niya. Bakla ba kung sasabihin kong kinikilig ako dahil pinagtatanggol niya ko? Tae.

"Eh hindi naman pinsan. Eh kasi nakakapanibago lang. Di ba ayaw na ayaw niya ng KPOP dati?" Napatingin naman sakin si George kaya napayuko ako. Letse, ayan na naman yang mga matang yan. Papatayin kita James, makikita mo.

"Ows? Di mo alam? HAHAHAHA--a-ack! Haru, ano ba?!" Tinignan ko siya habang hila hila ni Haru ang tenga niya. Nakuu~ kung alam ko lang, nababading din ang lalaking yan kay Haru. Nakita ko siyang nakikinig ng Mr. Mr. ng SNSD dahil laging pinapakinggan yun ni Haru eh. Gwapo ako kaya di ko siya inaasar, tss.

"Oy, sabi mo sakin dati mahilig ka jan. Pero ano yung sabi ni James?" Nabalik ako sa wisyo ng magsalita si George. Pakker, ang gwapo ko para maspeechless marinig lang ang boses niya.

"S-sorry. Gusto ko lang namang magustuhan ang mga mahal mong gawin kaya nagsinungaling ako sayo na gusto ko ang KPOP, pero maniwala ka, hindi pa man ako ganung kaadik tulad mo, natutunan ko naring intindihin ang gusto mo." paliwanag ko habang nakayuko. Oo, ang gwapo ko pero feeling ko ako na ang pinakagwapo kapag napapangiti ko si George, at yun yung mga sandaling KPOP ang pinag-uusapan namin kahit medyo nakakaselos na mahal na mahal niya ang EXO.

"Sino nga ulit bias mo sa SNSD?" Napaangat ang tingin ko sa kanya na mukhang nagtataray parin, pero bakit siya parin ang pinakamagandang babae para sakin? Syet, ang bading.

"Lahat sila maganda pero si Yoona at Yuri yung pinakagusto ko." Inirapan naman niya ako. Ano na namang nagawa ko hah?

"YoonYul shipper ka ganun? At saka wag mo ngang sabihin gusto mo sila." Sabi niya ng di nakatingin sakin.

"Bakit, dahil ba si Yuri yung pinakamaitim sa kanila? Dahil ba may pagkabaliw si Yoona?" tanong ko sa kanya. Eh gusto ko naman talaga sila, mas mahal ko nga lang ng mga 100 times si George. Corny ako, paki niyo ba? Ah basta! GWAPO AKO!

"Aba't kinilala mo talaga sila," lumingon naman siya sakin habang magkasalubong ang kilay, shet, ang ganda parin. "Wag mong sabihing gusto mo sila kasi . . . kasi. ." Amputs, pasusupense na naman siya. Tititigan ko nalang to, makuha ka sa tingin George.

"KASI NAGSESELOS AKO! Letse, pwedi mo namang sabihing IDOL mo sina Yuri at Yoona, kahit pa isali mo lahat ng members! Lakompakealam! Basta, dapat ako lang ang gusto mo! Mahal ko ang YoonYul pero gusto ko . . . akin ka lang!" Nag-iwas siya ng tingin matapos niyang maglitanya. Oo na, namumula ako. Peste, mas lalo akong gugwapo nito eh. Kaya ayun, niyakap ko siya.

"Kaya ko lang naman sila naging IDOLO dahil mahal mo sila, dahil sayo George. Ikaw lang ang gusto ko. Ikaw lang ang mahal ko." namumula kong sabi. Shet, kinikilig ako. Pag di ako nakapagpigil, pakakasalan ko ang babaeng to kahit pa lumipad kami agad sa South Korea.

"Natatakot ako na baka pag nakapunta ka ng SoKor at nakita sila, bigla mo kong makalimutan." naramdaman kong humigpit ang yakap niya sakin kaya mas lalo akong namula. Peste, siguradong aasarin na naman ako ni James. Nababading na talaga siguro ako.

". . . kaya para di ka na maagaw ng iba, sinasagot na kita." Nanlaki naman agad ang mata ko. Oh shet! This is Heaven! WAHAHAHAHA! Bading na kung Bading pero ang saya saya ko! AKIN NA SI GEORGE SA WAKAS! Who you ka sakin James!

"Oh pre, wag tumili. Ang corny niyo, daming alam." Singit ni James na may kasamang batok mula kay Haru.

"Wag ka ngang ngumiti jan." Napatingin ako kay George nang nakangiti parin. Bakit ba? Eh ang ganda niya eh, ang ganda ng GIRLFRIEND KO. Letse, ang sarap isipin.

"Oy basta, kahit pa si Yoona o Yuri ang umagaw sayo, akin ka lang, arasso?" Sabi niya ng nakangiti kaya tumango nalang ako. Nakakaspeechless ang ganda niya eh.

"Saranghae~" Sabi ko sa kanya saka siya niyakap. Letse, napapa-Korean din tuloy ako. Pero ssshhh lang ah? Saranghae lang yung alam ko. xD

--END--

Oo, alam ko, ang CORNY. Shet, ayoko na talaga HAHAHA. Last na to. xD

Dedicated sa kanya kasi siya yung nagrequest. (Oy, may YoonYul jan ah, konti nga lang. xD Pasensya na, mas lalong naging corny. Piniga ko lang yung utak ko eh. xD)

Anyways, please read Dunaalshabiil_45's story if yoou have time: Elementary Crush. :"> Kindly click the external link. :)

xoxo Saranghae~ ♥

Chegaste ao fim dos capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Feb 06, 2015 ⏰

Adiciona esta história à tua Biblioteca para receberes notificações de novos capítulos!

Kill, Crush, Marry (Two Shots)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora