Yung Baliw kong Katabi (One Shot)

69 2 0
                                    

Yung Baliw Kong Katabi

May kwento po ako.

Medyo maiksi lang..

Pero, malaman naman ata.

Tiningnan ko siya.

Tawa siya ng tawa. Halos maluha na siya sa tawa niya. Pinaghahahampas niya yung upuan at lahat ng tao ay nakatingin sakanya. Yung tingin nilang halatang nakatingin talaga.

Napasulyap siya sakin sabay punas ng mga luha sa mata niya. Napatingin ako sa ibang direksyon. Napayuko siya at natulog.

Sira ata to.

Kanina lang tawang tawa siya.

Ngayon naman tulog na.

Baliw na ata to.

Halos bingihin kami ng tunog ng school bell. Ibig sabihin lang nun ay uwian na. Kinuha ko naman kaagad ang bag ko saka umalis nang maraming nakaharang na babae sa harap ko.

"Renz, date me!"

"Renzy~ dinner tayo with friends?"

"Renz! Overnight tayo sa condo."

So, araw araw, ganto yung set up. Pagkauwian, ang daming babaeng susugod sa room namin. Mga babaeng hindi ko naman kilala. At yung pinagkakaguluhan nila?

Yung baliw kong katabi lang naman. Yung tawa ng tawa. Kapag tumawa naman nawawala ang mata. Malas ko nga't nakatabi ko siya. Pero...

Gwapo naman siya eh.

Baliw lang.

"Ah maybe no." nakangiti niyang sagot. Oh teka? Ba't parang ayaw niyang sumama sa mga babae eh dati-rati naman ay game na game siya.

Isinik-sik ko ang sarili sa kanila para makalabas ako ng bigla may kamay na humawak sa balikat ko.

"Ah ikaw..."

Si Renz! Inalis ko ang pagkakahawak niya sa balikat ko saka kumaripas ng takbo. Ayaw ko siyang kausapin. Kasi baliw siya. Sa hindi ko malamang rason, naiyak ako. Pumapatak ang luha ko na animo'y parang tubig sa waterfalls.

Napasandal ako sa pader saka pinunasan ang luha ko.

Si Renz...

Minahal ko siya.. ng sobra sobra..

At hanggang ngayon, masakit parin ang lahat kapag nakikita ko siya.

Bata pa lamang ako nun ng una ko siyang makilala. Iisa lang kami ng lugar na pinaglakhan pero parang ang layo-layo niya sakin. Bata pa ako nun at wala akong kaibigan sa lugar namin. Ang hilig ko lang kasing gawin ay kumain ng lolipop. Nasa swing ako nun. Kumakain. Sira-sira na nga mga ipin ko nun pero kain padin ako ng kain. Nang may tatlong batang babae ang lumapit samin. Pinaikutan nila ako saka nagsimula na silang manglait sakin..

Bakla ang tatay

Tomboy ang nanay ha ha ha

Tukso nila sakin yan. Paulit-ulit. Totoo naman kasi. Tomboy ang nanay ko at bakla ang tatay ko. Kaya walang nakikipagkaibigan sakin dahil dun. Ng may dumating na isang batang lalaki.

"Tigilan niyo siya! Magagalit si Papa Jesus kapag ginawa niyo pa yan!"

At nagsitakbuhan ang mga batang nanunukso sakin. Nginitian lang niya ako saka umalis. Sinundan ko naman siya. At dun ko nakilala ang isang Renz Manalo.

Nasubay-bayan ko ang paglaki niya. Parati ko siyang sinusundan kahit san siya magpunta. Sa maliit na bagay na yun ay sobrang natutuwa na ako. November 29 ang birthday niya. At magkasabay pa kami.

Nagkataon ring..

November 29 ngayon kaya mas maraming babae ang naghahabol sakanila habang ako dito nasa sulok.

Dati ko siyang pinadalhan ng liham sa locker niya. Nilagyan ko iyon ng pangalan ko pati section para makita naman niya ako. Nung mga panahon na iyon ay handa na ako.

Gusto ko nang makilala niya ako.

Hapon na yun. Naghintay ako sa room. Walang Renz na dumating instead yung tatlong magagandang babae na umaapi-api sakin dati.

"So nagpadala ka pa pala ng letter ha?" sabi ni Liesl

"Ha? anong letter?"

"Ito oh! Ang cheap pa yellow paper." sabi ni Natalie

"H..ha? Pe.."

"CHEAP!" sigaw ni Thea sabay punit sa papel na hawak niya.

"Renz said wag ka na daw EVER magbibigay ng letter EVER. Kasi you freak him out. Okay?" sabi ni Liesl sabay pat ng ulo ko saka umalis na sila.

Wala akong pakialam sa sinabi nila pero nasaktan ako sa sinabi ni Renz.

Kaya naman ngayon ay sobra sobra ang sakit na nadarama ko. Pero maliban sa pag-iyak ay wala na akog magagawa.

"Andito ka lang pala."

Napatingin ako sa kung saan. Laking gulat ko ng may isang Renz na hingal na hingal na kumausap sakin. Di kaya.-

"Hinanap kita! Gusto lang naman kitang kausap-"

"Renz! Sorry at binigyan kita ng letter. Sorry kung sinusundan kita dati. Sorry Renz. Sorry Renz kung masyado kang na freaked out sa mga ginagawa ko. G-gusto kasi kita. Pero.. pero.. Hindi ko na uulitin Renz. Pangako yun. Hindi-"

Natigilan ako sa pagsasalita ng bigla nalang niya akong niyakap.

"Ang sarap pakinggan ng pangalan ko kapag sinabi mo yun. Alam mo ba kung gano katagal ko nang gustong marinig yun sayo?" ramdam kong nakangiti siya. Lumakas naman ang kabog ng dibdib ko.

"Ito na ang pinakamagandang birthday gift." sabi niya sabay pakawala sa pagkakayakap niya sakin at tumingin siya sa mga mata ko...

"Wag mong itigil...-"

"-gusto rin kasi kita."

 E N D

Loli :)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 21, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Yung Baliw kong Katabi (One Shot)Where stories live. Discover now