Seducing Mr. Perfect: Prologue

33.6K 590 8
                                    

Prologue

"ARGHH!!!"

Napahawak ng sintido si Thea. Kung pwedi nga lang na i-untog niya ang ulo sa pader na nakadikit sa kama niya ay ginawa na niya.

Minulat niya ang kanyang mga mata. Nagulat pa siya nang mapagtantong nasa sariling silid siya.

"A beba teka. Pano ako napunta rito?" naguguluhang tanong niya sa sarili.

Ang pagkakatanda niya kasi ay nasa isang bar sila kagabi dahil brokenhearted ang best friend niyang si Era. Kaya pa'nong nangyari na bigla na lang siyang napunta sa sarili niyang kwarto?

Sino ang naghatid sa kanya?

"Baka si Era," mahinang usal niya.

Hindi naman kasi siya sanay uminom. Kung tutuusin ay 'yon dn ang unang beses siyang tumikim ng alak. Hindi niya lang talaga ma-hindi-an ang kanyang best friend at kahit paano ay nag-alala siya na baka kung ano pa ang maisipang gawin nito.

Kung bakit kasi pagkatapos tumungga ng isang kopita ng margarita ay bigla na lang siyang nahilo at ayun--- wala na siyang matandaan sa mga nangyari.

"Arggghh!" muling usal niya ng kumirot uli ang ulo. Para siyang tinutusok ng mga karayom.

"Talaga naman kasi si Era, eh! Ang kulit sabi ko ng hindi talaga ako umiinom. Makakatikim siya sakin 'pag nagkita kami"

Tumayo siya sa kamang hinihigaan niya at sapo ang ulo na tinumbok ang palabas ng kanyang kwarto.

"Nakung bata! Halika na dito at mananghalian ka na!" bungad ng kanyang ina.

Mananghalian? Teka anong oras na ba?

Sinipat niya ang maliit na orasan na nakalagay sa tabi ng maliit nilang T.V.

At halos mapalundag siya nang makitang pasado alas-dose nang tanghali. Iyon ang unang beses siyang gumising na ganun kadis-oras.

"Pasensya 'nay. Hindi pa po yata kayo nakapagtinda sa palengke ng dahil sakin."

"Ano ba kasing iniisip mo at bakit naglasing ka ng ganun?" may galit na himig ng kanyang ina.

"Si Era po kasi niyaya niya ako sa isang disco bar. Hindi ko naman pweding iwanan mag-isa ang loka-loka baka anong maisipang gawin. Broken-hearted kasi nalamang may iba ang jowa niya. Ayun! Alak ang drama niya," sagot niya. Hinila niya ang isang upuan at tinignan ang pagkaing nakahanda.

Napa-taas ang isang kilay niya. Tinolang manok ang ulam nila. Di yata't medyo umaasenso na sila pati noong isang araw ay adobong baboy ang nakahain. Madalang lang silang ganun ang ulam dahil kalimitan ay kapos sila.

Siya si Tifanny Hershey E. Alcantara, o mas kilalang Thea. Nag-aaral sa isang kilalang unibersidad dito sa Maynila. Tubong Tarlac sila. Napilitan silang umalis doon dahil na rin sa mapang-matang kamag-anak nila. Kaya't dito na sila nakipagsapalaran.

Sa taglay niyang talino ay nakakuha siya ng full scholarship. Buti na lang at hindi siya ni-require maging student assistant. Pero paminsan-minsan ay tumutulong siya sa mga school activities ng kanilang Unibersidad.

Nagsikap siya para kahit paano naman ay maiahon niya ang ina sa kahirapan. Isang semester na lang ay magtatapos na siya sa kursong BS Accountancy. Hindi naman kasi lingid sa kanyang kaalaman na mas madaling makakuha ng trabaho once na isa kang Certified Public Accountant. Yun nga lang kailangan mo talagang magsunog ng kilay dahil hindi basta-basta ang kursong kinuha niya.

"Kayo talagang mga bata kayo! Naku Thea, wag kang masyadong magasta. Graduating ka na. Alam mo naman 'pag malapit na ang graduation ang daming dapat bayaran." Paalala ng kanyang ina.

Seducing Mr. Perfect: William James Villamonte COMPLETEDWhere stories live. Discover now