[ONE-SHOT] The Letter.

15.1K 363 42
                                    

"Ano? Wala kang gagawin? Putang*na naman Nadine! Harapan ka nang niloloko wala ka paring gagawin? Aba, kelan ka pa naging martir?" bulyaw ni Helen sakin.

Mas lalo kong hinigpitan ang hawak sa braso niya.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, hahawakan ba siya o tatakbo sa malayo. Natatakot ako sa pwedeng gawin ng best friend ko, Iba kasi yan pag magalit ...o magpapakalayu-layo kung saan hindi ko makikita si Jake na lantarang nakikipaglandian sa ibang babae. He's my boyfriend.

Gusto kong tumawa.. Boyfriend? Hindi na nga yata ee.

Wala kaming formal break-up.

Hindi ko alam ang estado ng relationship namin.

Akala ko, umiiwas lang siya dahil pinapalamig niya nito ang ulo ko. Na katulad lang ng dating away namin na magkakasundo uli kami, magbabati.. babalik sa dati.

But this was different.

Ayun nga, nakikipaglandian siya sa iba!

Nakakatwang walang luhang tumutulo mula sa mga mata ko pero deep inside, i'm crying.. Pinipigil ko lang ang sarili ko. Ayaw ko ng gulo. At ayaw kong ipakita kay Jake that he won the game at nakikita niya akong umiiyak.

Buwisit ka! gusto kong isigaw pero nanginginig ako at baka anytime sumabog ako at di ko kayanin..

"Halika na Helen, let's-let's just get---get out of here" nanginginig na sabi ko.

Nakita kong parang nagprotesta siya pero she had no choice. Alam kong alam niyang malapit na akong bumigay....

Nasa canteen kami ng school at nakaupo sa isa sa mga tables at nasa likod lang namin ang table nila Jake. Nakatalikod ako sa kanila. Worst kung nakaharap pa ako, baka mahimatay na ako.

Sabay na kaming tumayo ni Helen para akmang aalis but i can't help but to get a glimpse of Jake. Sa gulat ko, he was looking at me too. Pero dagli rin iyong nawala at ibinaling ang atensiyon kay Monica, ang malanding babae na matagal ng may gusto sa kanya.

A Collection of ONE SHOT STORIES.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon