BEKI 3

83 4 0
                                    

THE BEKI BRIDE

Copyright©June2014~SiomaiGirlstories

 

 

Chapter 3

*Xyruz De Vera's POV

 "Tss. Wrong timing naman 'tong ulan na ito oh! Hayy!" inis na sabi ni Direk habang pabalik-balik na naglalakad sa harapan namin. Nakakahilo siyang tingnan. (~__~)

 Nakaupo kasi kami ngayon ni Aleta sa sofa sa loob ng lobby ng isang villa na malapit sa shooting place namin kanina. Dito kami tumakbo para sumilong. Sobrang lakas kasi ng buhos ng ulan kaya inis na inis talaga si Direk. Kasalanan ko bang mabuti ang kalangitan sa'kin? BWAHAHA.

 "Mr. Xyruz, Ms. Aleta, heto po," sabi ni Mica ng abutan nya kami ng mainit na cappuccino.

 "Oy Xyruz, baka akala mo ligtas ka na ha! Ba't kaya biglang umulan?" biglang sabi ni Direk pagtigil nya sa tapat ko.

 "Oh bakit Direk? Wala naman akong kasalanan kung umulan. Talagang ayaw lang ng kalangitan sa eksenang yun. Hehehe. Ahh! Ang init pala nito." Para akong timang na natatawa sa itsura ni Direk e. Ako ba naman ang sisihin sa pag-ulan. May ginawa ba ako? Wala naman diba?

 "Di bale, may ibang araw pa naman. Dino, alamin mo kung next week ay gaganda na ang panahon ha, kelangan na nating matapos ang project na ito." utos ni Direk kay Dino, isa sa kanyang mga staff.

 Ibig sabihin lang nun may wedding scene parin talaga sa movie na ito? Pwede bang mag-skip na lang at ending na kagad? Hayy di pa din talaga ako ligtas.

---

"Anlakas ng ulan noh?" sabi ni Aleta nang lapitan nya ako dito sa may veranda. "Sorry huh."

Nakakagulat naman ata sya ngayon. Hindi sya hyper at aba nagsorry sya? Para san naman kaya?

"At ang lamig din! Brr!" Nagulat na lang ako ng bigla kong naramdaman ang katawan nya. Niyakap nya lang naman ako mula sa likod. "Ang init mo naman baby! Sarap ng feeling! Hihi."

"Oyy, anu ba! Mahalay ka talaga, grabe ka talagang babae ka," sabi ko ng tanggalin ko pagkakayakap nya. Kakadiri talaga sya.

 "Oh, bakit? Malamig kaya! Diba ganun daw yun pag nilalamig ang tao kelangan ng body heat. Hihi." Lalapit na naman sya kaya umurong ako.

 "Kilabutan ka nga Aleta, pamaya may makakita sa atin!" inis na sabi ko. Kakakilabot tong kahalayan niya. Susme!

 "Kaw ha, gusto mo pa ng private ah. Hahaha."

THE BEKI BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon