Wattpad Original
There are 5 more free parts

Chapter 4

10.6K 448 97
                                    

Chapter 4

"Anong sinabi mo? Tama ba ang pagkakarinig ko?" ulit ko habang nakahiga si Sophia.

"Matutulog muna ako. Ang aga-aga kong nagbiyahe papunta rito," sabi niya at tinalukuran ako.

"Mag-usap nga tayo," sabi ko sa kanya at bigla siyang bumangon at pinamaywangan ako.

"Mag-uusap? Ngayon kakausapin mo ako? Pagkatapos mo akong deadmahin nang napakaraming beses kakausapin mo ako?" sabi niya habang nakataas ang kilay sa akin.

"P're, may kasama si Pareng Esso sa loob," narinig kong sabi ni Pipo sa labas.

"Shh," sabi ko at tinakpan ang bibig ni Sophia.

"Sino kaya? No'ng umalis tayo, tulog pa 'yon, eh. Ang tindi talaga, eh, mabilis si erap." Boses iyon ni Jacob.

Inalis naman ni Sophia ang pagkakatakip ng kamay ko sa bibig niya at bahagya akong itinulak. Noon ko lamang napansin na sobrang lapit namin sa isa't isa.

Nang makalayo siya ay inirapan niya ako at naupo siya sa kama.

"Ano bang pag-uusapan natin?" tanong ni Sophia sa mahinahon at mababang tinig.

Huminga ako nang malalim. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ang pag-uusapan namin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

"Anong ginagawa mo rito? Iyong totoo, bakit pumunta ka rito?" tanong ko dahil hindi ako naniniwala sa sinasabi niya. Ako naman ang naupo sa kama at tumingala sa kanya.

"Ayoko nang ulitin. Kung anong sinabi ko kanina ay iyon na 'yon," sabi niya at humalukipkip. Kita ko ang pamumula ng mukha niya maski pa ba umiwas siya ng tingin sa akin.

"So after all these years, you're still a virgin. Na kahit nasa ibang bansa ka at sa isang liberal na lugar ay inalagaan mo ang sarili mo at handa kang ibigay iyon sa akin," deretsong sabi ko at hindi ko naiwasan ang mapangiti. Pakiramdam ko ay proud na proud ako.

"Ayoko na nga, eh. Laspag ka na, kung kani-kanino mo na ipinasok 'yang ano mo," sabi ni Sophia at inirapan ako. Muntik na akong mapahalakhak sa sinasabi niya.

"Ano? Anong ipinasok ko?" nakakalokong tanong ko sa kanya.

"Eww! Ewan ko sa 'yo! Manyakis ka!"

"Alin nga? Anong ipinasok ko?" I teased.

"Bastos!" sabi niya at tinawanan ko lang siyang muli.

"Nagbago na talaga ang isip mo?" hamon ko sa kanya.

"Ayoko nga. Nagbago na talaga ang isip ko," sabi niya at dumistansya sa akin. Tiningnan ko siya at sumagi sa isip ko na parang hindi ko rin naman kayang gawin kay Sophia ang ginagawa ko sa iba.

Hindi sa ayaw ko.

Huminga ako nang malalim at saka ako tumayo.

"Hintayin lang natin silna Julian na umalis at saka kita ihahatid sa terminal. Umuwi ka na," sabi ko at lumapit ako ulit sa may pintuan.

"Okay," sagot niya at inilabas ang cellphone niya.

Habang ako ay nagkasya lamang sa palihim na pagsulyap sa kanya.

***

Nakatulog si Sophia sa kama at hindi ko alam kung nakakailang buntonghininga na ako.

Marahan kong binuksan yung pintuan nang wala na akong naririnig na ingay sa labas. Wala nang tao, baka umalis na naman sila Julian.

"Oy." Muntik na akong mapalundag nang marinig ko si Chino. Nasa may harap ng banyo.

"Nandito ka pala? Akala ko lumabas kayo," sabi ko.

Black WaterWhere stories live. Discover now