Ceaseless Expectation

1.9K 11 7
                                    

Prologue:

Minsan sa buhay, di natin alam na yung taong magmamahal pala sa atin ng tunay eh nandiyan lang sa paligid at di pinapansin. Mas pinipili natin yung taong talagang napupusuan natin dahil sa pisikal na kaanyuan dahil mas dun tayo naaakit. Natanong mo na ba sa sarili mo kung yung mga taong gusto mo eh napupusuan ka rin dahil sa iyong pisikal na kaanyuan? Papaano kung ito yung magigigng dahilan nila upang layuan ka dahil hindi ka qualified at hindi mo na-meet yung requirements ng perfect girl na hinahanap nila? Magdadalawang isip ka pa ba na tigilan na sila o ipagpapatuloy mo pa rin ang pagpapantasya sa kanila? Sabi nga nila, TRUE LOVE WAITS. Paano kung yung taong matagal mo ng kasama ay ang taong nais ka palang makasama habang buhay? Yung taong laging andyan para damayan ka lagi , yung nagpapangiti sayo kapag wala ka sa mood, yung nagtetext sayo kapag wala kang katext, at yung taong laging handang maging sandalan mo sa oras ng iyong matinding kalungkutan.

Kaso,..............................BESTFRIEND lang pala ang turing mo sa kanya.

Ceaseless ExpectationWhere stories live. Discover now