Chapter 1: Graduation Day

662 10 6
                                    

“And last but not the least, to my fellow graduates. Thank you for all those wonderful moments that we had the whole academic year in this school. Guys, this is not the end, but this is just the beginning of another stage in our life. May you pursue your dreams and goodluck to your career. Once again, congratulations to all of us my fellow graduates. God bless and Good Evening.”

Lahat ng tao sa covered court na iyon ay nagsitayo at nagbigay pugay ng matapos sa kanyang speech ang Class Valedictorian Batch 2013 na si Bianca Martinez.

Naiiyak ang dalaga habang pababa ng entablado suot ang mahigit sa sampung medalya na kanyang nakuha dahil sa pagsisikap na makapagtapos ng high school.

Pagkatapos ng graduation ceremony ay masaya siyang sinalubong ng kanyang mga katapid at ang lolang tanging karamay na lang niya sa buhay.

Si Bianca ay labing-pitong gulang na at kung titignan sa mga mata ng mga mapanghusgang tao, siya ay hindi masyadong kagandahan. Medyo kulot ang buhok, makapal ang mga kilay, at hindi katangusan ang ilong. Pero ang dalagang ito ay masunurin, laging may mabuting intensyon sa kapwa, masipag mag aral dahil siya lang ang nakatuntong sa high school sa kanilang anim na magkakapatid. Namatay ang kanyang ina noong iniluluwal ang kanyang bunsong kapatid at ang kanyang tatay naman ay isang sabongero at kung minsan ay hindi na umuuwi ng bahay dahil laging pinangsusugal ang pera. Buti na lang at may lola pa siya na tumutulong sa kanilang magkakapatid. Pinagsasabay ni Bianca ang pag-aaral at ang pagtulong sa kanyang lola sa mga gawaing bahay. Laking pasasalamat ni Bianca dahil hindi na nila kailangang umupa ng apartment para sa kanilang magkakapatid dahil mismong ang lola nito ang nagpatuloy sa kanila sa bahay nito

Kinaumagahan matapos ang kanyang graduation day ay maagang gumising si Bianca upang magluto ng kanilang almusal. Bago siya lumabas ng kuwarto ay nagmuni-muni siya.

“Alas otso na pala. Good Morning, Bianca Escoto na pinakamaganda sa buong universe, charot! Hay, namimiss ko na yung mga cute guys sa campus.” pabulong na sabi ng dalaga sa hangin.

Infairness dito kay Bianca, and dami niyang naging crush nung high school pa siya at puro mga campus heaththrob!

“Hay, ang bilis ng panahon at college na niyan ako. Yay! Madami na namang cute guys nyan sa campus! Kailangan ko ng mag-ahit ng kilay para naman kahit papaano gumanda ako.”natatawang  sabi ng dalaga.

Nang di umano’y sinampal niya ang kanyang sarili ng may bigla siyang maalala.

“Whaaaaa! Ano ba yan! Nakalimutan kong ipitin yung ilong ko kagabi sa ipit na pang sampayan! Paano niyan tatangos yung ilong ko kung lagi kong nakakalimutang gawin yun. Emeged! Kainis naman! Di bale na nga.” padabog na sabi ng dalaga.

Pagkatapos magmuni muni ni Bianca ay lumabas na siya ng kwarto. Agad natapos magluto ang dalaga dahil pritong itlog at sinangag lang naman ang kanyang inihain.

“Oo nga pala, graduation naman ni Magz mamayang alas singko ng hapon so kailangan kong pumunta. Kailangan andun ako kung hindi magagalit si bespren sa akin.hihihi.” sabi ng dalaga.

Pagkatapos magluto ay nagtungo muli sa kwarto ang dalaga at kinuha ang kanyang laptop. Laking pasasalamat ni Bianca sa kanyang Aunt Mylene na nasa Canada na siyang nagpadala ng laptop para may gamitin ang dalaga sa kanyang pag-aaral at hindi na kailangan pang pumunta sa mga internet shop sa labas ng kanilang kanto.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 14, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ceaseless ExpectationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon