Crazy Little Thing Called Love.

20 0 0
                                    

Crazy Little Thing Called Love. 

Pinalabas 'yun  sa ABS-CBN nung isang araw. Ewan ko ba, ilang beses ko na

ba napapanood yun? Hmm... mga apat ata? Di ko na matandaan. Pero isa

lang ang alam ko, hindi ako nagsasawa. 


Bakit nga ba? Kinikilig pa rin ako tuwing pinapanood ko 'yun.

Naiiyak pa rin ako tuwing dumarating sa scene na umamin na si Nam.

Pero anong nangyari? May girlfriend na si P'shone. Right love at the wrong time.

Ilang babae na ba ang ginaw ang lahat mapansin lang sila ng gusto nila?

Ilang tips at pakulo na ba ang nagawa nila?

Sa mundo ngayon, babae na ang nanliigaw. Sila na ang gumagawa ng first move. (Sila lang ha! hindi ako lol asa ka tol) Mostly ng mga babae, hindi na conservative. Minsan nga sila pa nananching eh! Jusko yung abs kasi! XD Pero yung sa movie, hindi naman siya gumawa ng first move. Nagpapansin lang. Para lang malaman ng lalaki na nageexist siya. 




Iisa lang naman hiling ni Nam. "Sana, mapansin mo ako."

ginawa niya lahat grabe! Kung saan saan siya sumali mapansin lang siya ni P'Shone, (Mario Maurer btw ♥) 

kahit na dumating sa punto na ang bestfriend na ni P'Shone ang nagkagusto sa kanya, 

Syempre, you'll grab the chance para maging close ka sa crush mo. Sino ba naman ang hindi gugustuhin yun? Diba? Diba?

Syempre, bestfriend ng crush mo 'yun. Sasama ka talaga. Makakahebor ka na rin no! (ya, hebor means parang sulyap sulyap ng palihim ganun! :))

Dumating sa point na halos mabaliw na si Nam makagawa lang ng paraan para mapansin siya. 

Pero, bestfriend ang nakapansin sa kanya. Akala lang niya. 

Dumating rin sa point na umamin na siya. Yes, lakas ng loob natin gurl ah! Sa kamalas malasang ginawa ng universe, may girlfriend na yung lalaki. San ka pa? Sakit lang nun! Kung kelan ka naglakas loob na umamin, naunahan ka na pala.

Ang bagal mo kasi. Ang sakit tuloy. para kang nag-aabang ng tren sa hi-way. Para kang naghihintay na magsnow sa Pilipinas. Para kang naghintay ng submarine sa minahan.

Umasa ka sa wala.

Huhubels. 

Ang mas masakit pa roon, eh, may gusto rin pala yung lalaki sa kanya. 

Naalala mo pa ba yung scrapbook? Shet, nakakakilig kaya yun! Yung effort jusko naguumapaw! Pero sa sitwasyon na taken na pala yung lalaki, manlulumo ka na lang. Iisipin mo, sayang pala. 

Hep Hep hep! Hindi naman nasayang yung effort mong magpapansin, napansin ka naman niya eh. Nagustuhan ka pa nga! Tinorpe lang ang panget (oops gwapo yun fre). :< 

Yung akala mong unrequited love, mutual pala? Pero di niyo lang alam 'yun. Hihihi ang tadhana nga naman lols! 

KASI NAMAN EH. SARAP IHAMBALOS YUNG SCRAPBOOK KAY P'SHONE! TORPE TORPE! ANAK NG!

Buti nga sila pa nagkatuluyan sa dulo eh! Buti nga ganun na lang nangyari. Right time na kasiiii, pano na lang kung hindi nagkatuluyan? Sa reality, mas malaki ang probability na hindi magkatuluyan ang dalawang tao. Hayyyyy. 

Bakit ba kasi may mga torpe pang ipinanganak sa mundo? 

Bakit ba kasi sila napipipi pagdating sa gusto nila?

Bakit ba sila ganun?

Hmm. Di ko rin alam eh.  Natatakot siguro sila. Natatakot mareject dahil masasaktan ego nila? or natatakot na masaktan? 

Pero, isa lang tandaan nyo..


either way, 

Love conquers all, especially fears.

Kaya yung mga takot magtake ng risk, tandaan niyo, love is just like a lottery game. 




To win, you have to take the risk.


--Ako nga eh, lagi natatalo sa palarong pang-universe ng pag-ibig, go lang ng go! 

Baka kasi pag tinigil ko ang pagsusugal, mawala pa sa akin yung hinahanap ko.

Pero di pa kasi dumadating. 

hmph, ang bagal kasi. HAHAHA JK lang =))

Random.Onde as histórias ganham vida. Descobre agora