Chapter 32

201K 6.7K 2.7K
                                    

Shoutout kay queendaldalita :D Ang ganda ng story nyang 'It started with a Quiz' :D Labyu bes <3

Warning: Malulungkot kayo at magagalit sa akin. Promise, sobrang lungkot ko noong tinatype ko 'to. Nahirapan talaga ako. Maniwala kayo saken. *punas tissue*

-Onneechan

____________________________________________________________________________

CHAPTER 32

=x=x=x LOUISSE x=x=x=

"Hindi kita iiwan..."

Nginitian ko siya.

"Mahal na mahal kita Louisse."

Yayakapin ko na sana siya pero bakit naging pula ang paligid.

"Alexander? Nasaan ka?"

Nagising ako bigla.

Napatingin ako sa orasan. 12:00 am.

Napahawak ako sa right chest ko. Bakit ba kanina pa ako kinakabahan? Bakit ba hindi mapakali yung puso ko?

Wala sanang mangyaring masama.

Napatayo ako dahil sa malakas na katok sa pinto ko.

"LOUISSE!" sigaw ni Julia sa labas.

"OH? BAKIT--" napatigil ako. Teka, bakit parang naiyak si Julia?

"LOUISSE!" katok niya ulit. Binuksan ko agad ang pinto at nakita siyang humahagulgol. Bumukas ang mga pinto ng kwarto nina Ian at Maxwell at mukha pa silang badtrip dahil nagising sila. Nakaboxers nga lang sila at magugulo pa ang mga buhok.

"Anong nangyari?" inaantok na tanong ni Maxwell.

"S-si... Alexander.." umiiyak na sabi ni Julia. "K-Kailangan.. na natin siyang.. puntahan.."

"Kumalma ka nga Julia." sabi naman ni Ian. "Ano ba 'yang sinasabi mo? Nasaan ba si Alexander?"

Nanginginig na nilabas ni Julia ang phone nya. Patuloy parin siya sa pag-iyak.

"S-Sinend s-saken.." pinakita niya sa amin ang picture na sinend sa kanya. Bumilis bigla ang puso ko. Napahawak nanaman ako sa right chest ko.

"Teka.. si Alexander ba yan? Anong ginagawa niya sa school?" tanong ni Ian.

"At bakit siya pinapunta doon ni--" pinutol ni Julia ang sinasabi ko.

"KAILANGAN NA NATING PUNTAHAN SI ALEXANDER!" sigaw ni Julia. Pumasok na kami sa mga kwarto namin at nagpalit ng mabilis.

Kaya ba kanina pa ako kinakabahan at di mapakali? Nanginginig na rin ako.

Please. Wala sanang mangyaring masama.

=x=x=x ALEXANDER x=x=x=

"Ikaw ang nagpapunta sa akin dito?!"

"Matagal ko nang sinabi sayo na layuan mo na siya," sabi niya. Lasing ba 'to?

"Nababaliw ka na ba Jason?" naiinis kong tanong.

"Inagaw mo saken si Julia," naglakad siya papalapit saken. Nakita kong may hawak siyang kulay itim.

Sht. Baril.

"Ano bang nakita niya sayo?" Galit niyang tanong. Kitang-kita sa mga mata niya ang galit.

Bawat hakbang niya ay napapaatras ako. Badtrip. Bakit ko ba naisipan na pumunta dito? Akala ko makikita ko na si Rhianne.

"Huminahon ka nga Jason. Hindi ko inaagaw si Julia sayo. May girlfriend ako." inis kong sabi.

Bigla niyang pinukpok ang ulo niya at umiyak. Bumubulong siya at parang kausap niya ang sarili niya. Nababaliw na ba 'to?

"Jason.. ano bang nangyayari sayo?" tanong ko.

Tinutok niya bigla ang baril niya saken, "Sinungaling."

=x=x=x LOUISSE x=x=x=

[paki-play po ang kanta sa multimedia, mahalaga po yung kanta. Wag mag-alala, meron na talaga akong nalagay na kanta XD]

"Ian.. bilisan mo magmaneho," sabi ko.

"Malapit na tayo," sabi ni Maxwell. Pinarada na agad namin ang kotse sa tapat ng school. Bumaba kaagad kami at tumakbo.

Bawat hakbang ko... kung ano ano naiisip ko.

Naalala ko bigla yung sinabi sa akin ni Alexander kanina.

"Wag mo akong iiwan ha?"

"Oo, hinding hindi kita iiwan."

Hindi niya ako iiwan. Pangako niya 'yon.

"JASON!" sigaw ni Julia. Lumingon sa amin si Jason.

Nagkatinginan kami ni Alexander. Tumulo bigla ang mga luha ko. Ligtas siya. Salamat at ligtas siya.

"Jason..." naiiyak na sabi ni Julia. "Itigil mo na 'to please."

Tumakbo ako papunta kay Alexander. Patuloy sa pagtulo ang mga luha ko. Buti nalang at ligtas siya.

Niyakap ako nang mahigpit ni Alexander, "Hindi ka na dapat sumama. Baka mapahamak ka pa."

"Baliw ka ba? Sobrang natakot ako kasi akala ko mawawala ka--"

"JASON WAG!"

Tila nagslow motion ang paligid. May narinig akong putok ng baril.

"Alexander? Anong nangyari?" tanong ko. Mahigpit pa rin ang yakap niya sa akin. Bakit tinalikod nya ako bigla?

May narinig nanaman akong putok ng baril. Ano bang nangyayari?

"JASON!" umiiyak na sabi ni Julia. "JASON BAKIT MO GINAWA 'YON!"

Unti-unting lumuluwag ang yakap sa akin ni Alexander. Tumingala ako at tumingin sa mukha ni Alexander.

"Alexander? B-Bakit ka naiyak? A-Anong nangyari?" nanginginig kong tanong.

Ngumiti siya sa akin habang may tumutulong luha sa mga mata niya.

"L-Ligtas..ka..."

Napatingin ako sa kamay ko. M-May... dugo... Niyakap ako ulit ni Alexander. Tulo nang tulo ang mga luha ko.

"Hindi kita iiwan," bulong niya habang hinahaplos ang buhok ko... tuluyan na siyang bumagsak.

"A-Alexander..." sabi ko habang pilit siyang binubuhat. "U-uy.. n-nababaliw ka na ba.. gumising ka diyan..."

"L-Louisse..." rinig kong sabi ni Julia habang naiyak. "Louisse.. Sorry..."

"Alexander... gumising ka nga diyan. Hindi nako natutuwa," hinawakan ko ang kamay niya.

May humawak sa balikat ko, "Louisse...."

"Maxwell.. bakit ka naiyak? Gisingin mo nga 'tong si Alexander. Naiinis nako." patuloy sa pagtulo ang mga luha ko.

"Alexander... nakakainis ka naman eh. Gumising ka! Wag mo akong iwan!"

_____________________________________________________________________________

Nahirapan talaga ako itype 'to. Di ako marunong magpaiyak eh :(

P.S. Malapit na mag-October 18! See you sa iMall Canlubang, Laguna! :D

-Onneechan

Special Section 2 (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon