Chapter 15

29 0 0
                                    

"He is my ex-boyfriend." Ito ang unang mga salita na lumabas sa bibig ko. Patuloy lang na nakikinig si Ma'am Joy sa akin.

"Wala akong balak na lumabag sa policy natin sa katunayan pilit akong umiwas sa kanya. Jappy can attest to that. Ginawa ko ang lahat ng paraan na alam ko para umiwas sa kanya." Sumisikip ang dibdib ko habang sinasabi ito sa kanya.

"Sa kung ano man ang nakita niyo nung pumasok kayo, maniwala po kayo hindi po kami nagyayakapan na parang naglalandian. Ang totoo po niyan kasi may phobia po ako sa dilim. Alam niya po 'yun, siguro nag-aalala siya sa akin kaya niyakap po niya ako." Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Nasasaktan pa rin ako sa tuwing maaalala ang nakaraan namin.

"Maniwala po sana kayo sa akin. Tatanggapin ko po ang kahit anong sanction na meron po kayo para sa akin." pagpapatuloy ko.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin 'to nung una pa lang?" ang tanong niya sa akin.

"Akala ko po kasi kaya ko siyang harapin at magpanggap na ok ako...pero nagkamali po ako. Pinilit kong maging civil sa kanya. Ni halos hindi nga po ako nakikipag-usap sa kanya.  Katunyan kanina po ang pinaka-unang pagkakataon na ako ang nag-assist sa kanya." patuloy pa rin na pumapatak ang KSP kong mga luha.

"Gustohin ko man na palitan ka as their trainer but it's too late. I hope you understand it. Alam ko na mahirap itong pinagdadaanan mo pero wala akong magagawa kung hindi hayaan ka sa kung ano man ang magiging desisyon mo. Kaya mo pa ba?" hindi ko inasahan na ganito ang sasabihin niya sa akin. Ibig sabihin ba nito ay pinapaniwalan niya ako?

"Does it mean that you believe me?" mukha lang akong tanga sa pagtatanong nito sa kanya pero gusto ko makasigurado.

She smiled at me na para bang naaawa sa akin.

"Of course I believe you." Sandaling tumahimik ang paligid.

"So? Kaya mo pa bang taposin ang last week mo sa team mo o dapat ko na bang i-merge ang team mo sa team ni Flinn?" pag-aalala nito.

Kaya ko pa nga bang harapin siya matapos ang mga pangyayaring iyon? Hindi naman sa masokista ako o ano pero as much as possible gusto ko talaga na taposin ang klase ko dahil trabaho ko ito. Ayaw ko rin naman na pahirapan si Flinn dahil lang sa hindi ko kayang maging professional at higit sa lahat dahil hindi ko kayang harapin ang problema ko.

"Ilang days na lang din naman makakaya ko na rin naman siguro ito." ang sabi ko sa kanya. Mukhang ayaw maniwala ni Ma'am Joy sa sinabi ko kasi ako mismo ay hindi rin kombinsido sa naging pahayag ko.

Tumango ito na parang pilit na iniintindi ang sinabi ko.

"I trust you on this one, Paw." at ito ang naging huli niyang sinabi sa akin. Lumabas ako ng office ni Ma'am Joy na medyo namamaga ang mata.

Bago ako bumalik ng training room ko ay pumunta muna ako sa CR para mag-ayos. Nakatingin ako sa mukha ko. I look like a mess.

Trapped (completed)Where stories live. Discover now