Chapter 13 - Heat is On

16K 318 41
                                    

SarDee

-------- 2 YEARS AGO ---------

Mabigat sa kalooban ni Dee-Lan na pagkasyahin ang sariling panoorin na lamang sa malayo si Sarah. Sarah is doing well in the contest. Nagiging paborito rin siya ng mga producers kaya mas maraming nagka-interes na maging sponsor niya.

"Sarah," lumapit ang isa sa katiwala ng executive producer ng show, "may imbitasyon ka mula kay GM."

"H-huh?" wala sa sariling tanong ni Sarah pero hindi nakaligtas sa pandinig ni Dee-Lan ang pinag-usapan nila.

"Gusto kang makilala ni GM," galak na saad ng sekretarya, "isa siya sa mga major sponsors ng contest na 'to. He is inviting you for a dinner tonight."

"S-sige," sagot ni Sarah.

"Okay, iko-confirm ko sa kanya ang date niyo," masayang saad ng sekretarya, "magpakabait ka sa kanya and make sure to make him happy. Mapagbigay si GM. Ang swerte mo dahil ikaw ang napili niyang makasama ngayong gabi."

Hindi na nakasagot si Sarah dahil agad na umalis ang sekretarya. Kinakabahan siya sa imbitasyon ng GM pero ito lamang ang natatanging paraan upang masiguro niyang mananatili siya sa timpalak na ito.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" mariing bulong ni Dee-Lan sa kanya na ngayon ay sumabay na sa kanyang paglakad.

"Diskarte ko 'to, Dee-Lan," matabang niyang sagot.

"Alam mong higit pa sa pakikipag-date ang nais makuha sa'yo ng matandang 'yun," giit ni Dee-Lan.

"Stop acting like a jealous boyfriend, Dee-Lan," huminto sa paglakad si Sarah saka hinarap si Dee-Lan, "let me remind you na hanggang flirtationship lang narating ang ugnayan natin, at kaya nga flirtationship ang tawag doon ay dahil we just flirt with each other. No string attached and we simply fill-in each other's gap."

"Malinaw sa akin na ang dahilan kung bakit flirtationship lang ang meron sa atin ay dahil hindi pa natin pwedeng aminin sa lahat na nagmamahalan tayo," saad ni Dee-Lan, "at kung kailangan kong magresign para ipaalam sa lahat na nobya kita at hindi ka na nila basta-bastang ipapa-date sa kung sinu-sino lang, gagawin ko."

"Don't you dare do that!" gitil na saad ni Sarah, "sisirain mo ang imahe ko."

"Sarah, mahal kita. Alam kong hindi ko dapathinayaan ang sariling mahulog sa'yo pero aaminin kong gusto na kita bago pa man natin simulant ang kasunduan natin. Kaya kong magsakripisyo para sa'yo. I can lose this job for you," pagsusumamo ni Dee-Lan.

"Alam mong espesyal ka para sa akin, Dee-Lan, pero hindi ko pwedeng talikuran ang pangarap ko. Kung mahal mo talaga ako, susuportahan mo ako ngayon," saad ni Sarah, "hayaan mo akong dumiskarte upang maipanalo ko ang contest na ito."

"Hindi mo kailangang makipag-date kay GM para masigurong mananalo ka," saad ni Dee-Lan, "susuportahan kita sa mga balak mo, huwag ka lang pumayag na sumama sa kanya mamaya."

"I am sorry," mahinang saad ni Sarah, "umu-o na ako. Kung hindi mo nagustohan ang paraan ko, you are free to go. Pero gagawin ko ang lahat makamtan ko lang ang tagumpay dito. Winning this contest is all that matters to me."

Hindi na nakasagot si Dee-Lan dahil nalilito na rin siya. Mahal niya si Sarah at gusto niyang suportahan ang dalaga sa pangarap nito, pero batid niyang nagiging hadlang na siya sa pangarap ng dalaga. Siguro tama lang na lumayo muna siya. Siguro dapat na rin niyang pagkatiwalaan ang mga balak ng dalaga. Sana nga lang, pagdumating na ang panahon na Malaya na niyang mahalin ang dalaga ay mamahalin din siya nito.

FlirtationshipWhere stories live. Discover now