1

50 0 1
                                    

CNINCO MARIO SERIES
BOOK 1
Earl: Roadtrip To Forever

Chapter 1

           

Earl Mario de Jesus' POV

"Am I not enough? Panget ba ako? Kapalit-palit ba ako?" tanong ni Liza habang naghihinagpis at naluluha siya sa galit na niloko siya ni Enrique sa eksenang 'to. Partida, may laway laway pa siya ng konti sa bunganga ah?

"No!" diin na tugon ni Enrique habang kakompronta niya si Liza. Ramdam ang kanyang pagsisisi na niloko niya ito dahil mukhang mahal na mahal niya pa rin.

"Then why?!" patanong ni Liza sa tugon ni Enrique na may halong paghihinagpis na naghahanap ng sagot kung bakit siya niloko.

Tianggala! Napapaiyak ako sa scene na 'to sa trailer ng My Ex and Whys nila Enrique Gil at Liza Soberano. Parang feeling ko, ako si Liza kapag naalala ko yung mga nambasted sa akin. Partida, may gana pang magtanong si Liza kung pangit at kapalit-palit ba siya! Ako nga, tanong ko pa sa sarili ko ngayon kung kasagot-sagot ba ako? Kaseryo-seryoso ba ako? O pangfling lang ba talaga ako? Minsan nga, naiisip ko kung magpaka-fuccboi na lang ako, tutal wala namang magseseryoso sa akin at baka sakaling mas masisiyahan pa ako na katawan lang ang ginamit sa akin at hindi yung puso ko. At least kapag iniwan ka, may kapalit na sarap naman. Joke! Reserve na 'to para sa the one ko.

On the other hand, Hay.. What the doodle duck is happening to me?! Ano ba ang nakain ni Styx para sumama sa roadtrip adventure ko? Okay na sana eh, kaso hindi talaga ako tatantanan ng hayop na ex-bestfriend kong 'yon! Partida, sinabi pa niya kay Mommy about sa plano kong road trip mag-isa tapos sinermunan pa ako ah? Sabi pa niya, huwag na huwag daw akong aalis mag-isa pag hindi siya kasama? Ang lakas maka-jowa amputa! Well, kababata ko lang naman siya na hindi tumupad sa usapan plus binuko pa niya ako sa crush ko nung elementary pa kami; simula nung nangyari iyon, hindi ko na siya pinansin dahil pinagkatiwalaan ko siya pero sinira niya lang nang ganun-ganun lang.

Pagkatapos kong manood sa laptop, tumungo na ako sa kama at kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at chinat ko muna ang Cinco Mario sa Telegram groupchat namin para maibalita ko sa kanila ang gagawin ko para mahanap ko si "the one".

Me: Guys! Magro-roadtrip pala ako bukas. Baka sakaling makita ko na ang the one ko sa mga magiging stopover ko.

Jade: That's nice to hear! Saan mo naman plano?

Francis: Oo nga Earl! Saan mo naman plano?

James: Yun oh! Baka mamaya, f*ck buddy naman ang hahanapin mo diyan ah.

Luigi: Talagang road trip ang plano ah? Baka mamaya, sex trip ang mahanap mo diyan.

Me: @Jade- From Tagaytay to Baguio siguro.
@Francis,James and Luigi- Pakyu! Virgin pa ako at I'm not into sex hahaha.

Jade: Nasabi ko rin yan nung virgin pa ako eh. Try mo kaya para malasap mo ang biyahe papuntang langit.

Nang sabihin ni Jade iyon, nagsend ako ng Pakyu sticker as my response. Natatawa talaga ako sa mga new found tropa ko na nakilala ko lang sa may Cinco Bar and Bistro kamakailan lang.

Jade: Joke lang naman. Si James na lang kaya ang i-suck mo para madevirginized ka na.

James: Gago ka Jade! I-bottom kaya kita diyan?

Me: Mga kalibugan niyo! Pero mukhang hindi ata magiging maganda ang kalalabasan eh..

Jade, Francis, James and Luigi: WHYYYYY?

Me: Eh t*ngina naman kasi! Kasama yung kababata kong nakakabadtrip.

James: Ano bang meron sa kababatang mong 'yon?

Earl: Road Trip To ForeverWhere stories live. Discover now