Prologue

12 2 0
                                    

"Ms. Adams. I warn you. Huwag na huwag kang dadating sa simbahan at umattend sa kasal nyo or else gustomong sirain kita." sabi ng lolo ni Zach

I knew it. From the very start ayaw na saakin ng matandang to. Sadyang pinag lalaban lang namin ni Zach ang pag mamahalan namin. Pwes di ako papayag. Lalabanan ko to.

"Pero lolo. Mahal ko ang apo nyo. At mahal nya ako. Hindi ko sya pwedeng iwan nalang ng basta basta" hindi ako papayag na pag hiwalayin mo kami. Pupunta ako sa kasal ko sa ayaw at sa gusto mo.

"HINDI KITA APO! Kaya wag na wag mo akong tatawaging lolo. At kahit kailan hinding hindi kita magiging apo!" ani ng matada

"Hindi din naman po ako makakapayag na pag hiwalayin nyo kami." my gosh di ko na kinakaya tong matandang to a.

"Bueno, kung ayaw mong pumayag, ok lang. Sisirain ko nalang ang buhay mo. Hanggat na bubuhay ako, gagawin kong miserable ang buhay mo. At kapag itinuloy mo ang kasal, hindi lang ikaw ang mag hihirap pati ang asawa mo, pamilya mo, mga kaibigan nyo, at lalo na ang magiging anak nyo!" natahimik ako. Seryoso sya? Idadamay nya pati ang apo nya? Seryoso ba tong matandang to?

"Po? Pati apo nyo idadamay nyo? Lolo naman. Alam mong pangarap ng apo nyo ang mamahala ng kumpanya. Hindi nyo naman po pwedeng sirain ng ganun ganun nalang ang pangarap nya." shet di ko na to kinakaya. Hindi pwedeng masira lahat ng pinaghirapan namin ni Zach.

Buong buhay namin, nag aral kami ng mabuti para makatapos with flying colors. Nag tapos sya ng business management at magna cum laude pa sya. At nag tapos ako ng Pharmacy at magna cum laude din. Hindi pwedeng mauwi sa wala ang pinag hirapan namin. Lalo na sya. Hindi pwede to. Kailangan may gawin ako.

"SINO KA PARA TURUAN AKO!? Alam kong ang nakabubuti para sa apo ko. At hindi ka makakabuti sakanya. Alam kong pangarap nya to. At alam mong pangarap nya to. Hindi naman ako ang sisira sa pangarap nya. Kundi ikaw! Si Zach ang nag iisang tagapag mana ng Cullen's Industry. At hindi ako makapapayag na di hamak na tulad mo lang ang magiging asawa ng apo ko. At alam mo kung gaano ka gusto ni Zach ang pamahalaan ang companya. He would be devastated pag malaman nyang hindi ko na ipapamana sakanya ang companya, sa halip sa pinsan nyang ayaw na ayaw nya, ang gagawin kong tagapamahala ng companya ng dahil sayo. Alam mong ayaw ko sa pinsan nya bilang taga pag mana at alam mong ayaw nya din na sa pinsan nya mapunta ang companya. You leave me no choice sweetie." ani ni lolo

" You wouldn't do that" di ko na kinakaya. Nasaakin ang huling desisyon. Hindi ko kayang iwan si Zach. Mahal na mahal ko sya. Pero mas hindi ko kakayanin kung ng dahil saakin masira ang pangarap nya. Kailangan ko mag isip. Kailangan kong magisip ng mabuti para sa ikabubuti ng lahat.

"Yes I can sweetie. You leave me no choice. Thats why Im leaving you no choice too. Think harder sweetie. Gagawin ko kung ano man ang sinabi ko. You know me. Pag sinabi ko. Sinabi ko. And there is nothing you can do to change that." ani ni lolo

"Pero kasal na kami sa huwes" this is too much. Di ko na mapigilan umiyak.

"I know. But I can invalidate that. I have all the money in the world to do that." napaka sakim ng matandang to. "so sweetie. Remember this ok, pag ikaw tumapak sa simbahan mamaya. Theres no backing out. Meaning, makita ko lang kahit anino mo sa simbahan mamaya, asahan mo ng wala na kayong mauuwian ni Zach. And I mean it." last words ni lolo bago sya umalis ng kwarto.

What should I do?

Cold Hearted ICE QUEENWhere stories live. Discover now