TPG IX

44.7K 1.2K 111
                                    


Ilang beses kong tinignan ang relo but tatay Boy is still not here. Kanina pa sya dapat dito dahil pina-check nya lang naman ang sasakyan or if it will take more time he should go back and use our other cars.

I'm not mad at him for being late, I'm not mad at him at all. Ewan ko ba kung bakit ang bilis kong mainis ngayon.

After Chris and I talked, hindi na nagpakita si Sean. I received a text from him saying he's doing something very important and I understand. He's a bussiness man and he has a lot of works to do.

Ang hindi ko maintindihan ay kung ano ang ikinaiinis ko! I'm not this. Pakiramdam ko ang clingy ko. Don't get me wrong, hindi ko sya mahal or something kaya mas lalo akong naiinis kung bakit ako nagkakaganito!

"Finally!"

"Pasensya na hija ha" pumasok na agad ako sa kotse. I was almost late ng makarating ako sa school. I have a lot of works to do and classes to catch.

"Couuuuz! Mall tayo?"

"Not now Liza. Naghahabol ako" nalalapit na ang pagpunta ko sa mga lola ko kaya kailangan ko ng tapusin ang mga extra works na hiningi ko.

Nakita ko kung paano dilaan ni Einstein si Liza pero hindi ko nalang pinansin. I don't have time for their childish acts

"But couz-"

"Liza hindi mo ba nakikita na busy si George?" Isang irap lang ang sinagot ni Liza kay Cedric.

Kaya ko naman na pagbigyan si Liza pero wala talaga ako sa mood. Ayoko naman na sungitan sya ng sungitan.

"By the way, where's Joseph? Diba madalas kayong magkasama bakit lately hindi na?" Ewan ko din. After kong sabihin lahat kay Joseph tungkol sa amin ni Sean, biglang syang nagbago.

Natapos ang araw na 'yun na parang normal lang kahit ang init na talaga ng ulo ko. Pinipilit ko nalang ang sarili ko na pakalmahin

Sa mga sumunod na araw, kahit anino ni Sean ay hindi ko nakita. Is he giving up on me? Dapat hindi nya ko sinanay na lagi syang nandyan para sakin!

Yes, I pushed him away but he made me feel that he will always be there.

"George!" Huminto ako para hintayin si Cedric na pilit na tumatakbong panlalake. I can't understand this guy-I mean gay. There are times na nahihirapan na sya pero hindi pa rin sya umaamin

"Hmm?"

"Yung sinabi ko sayo?" Naglaglagan ang mga gamit ko kaya kinuha ko agad. Uminit nanaman ang ulo ko. Tss.

"Huh? Ano yun?"

"You'll be my date, right? Mamaya? Pinadala na ni mommy ang gown mo kanina sa bahay nyo"

"Wait, what? Gown? Date? Mamaya? What are you talking about?"

"Hello? Kinausap na kita last week pa diba? Na anniversary ng kompanya mamaya and you'll be my date" hinilot ko ang sentido ko. Bakit ba ko nagkakaganito?

"Pwede bang iba nalang?" Hindi talaga ako nasa mood. Baka gumawa lang ako ng katangahan mamaya sa party.

"But my parents are expecting you. You're not expecting me to bring other girls, right? That's suicidal" I rolled my eyes. Ano bang dapat kong gawin.

"Okay, okay" nasabi ko nalang at tumakbo na ulit sa susunod kong klase.

This is weird, really really weird. Paano ko nakalimutan yun? Hindi ako makakalimuting tao especially when it comes to important people in my life.

Ilang buntong hininga ang ginawa ko. I really love arts at ngayon lang ata ako nawalan ng gana na gumawa ng activities.

Dati, pumapasok ako dahil gusto ko pero ngayong araw or should I say lately, parang dahil kailangan nalang. Is this because of the opportunity I lost? Yeah George, keep on denying it.

The Possessive GangsterWhere stories live. Discover now