2

85.1K 1.4K 35
                                    

2

 

 

 

-Sofia’s POV-

F…

AN F..??

                 Sunod sunod na napalunok ako. Halos malukos na sa mga kamay ko ang test papers na nasa kamay ko.

                Hindi ko magawang kumurap habang nakatingin sa resulta ng exam.

 I Failed…

Bumagsak ako!. Oh God!. Hindi ito pwedeng mangyari. Halos mangatog na ang mga tuhod ko sa sobrang kabang nadadarama. This cant be happening!. Hindi ako pwedeng bumagsak.

I’m a Law student sa isang sikat na unibersidad sa bansa. Actually second year na ko ngayon. At hindi naman sa pagmamayabang never pa kong nakakuha ng ‘F’  sa kahit anong subject. I mean dito lang naman kasi ako magaling eh.

Lahat ng oras at panahon ko sa pag aaral ko ginugugol. Hindi ako nakikipag date, naglalakwatsa or wasting my time sa mga bagay na wala namang kabuluhan.

So bakit nagkaganito?. Anong nangyari?. Sa pagkakatingin ko ngayon sa mga test papers na hawak ko ngayon pakiramdam ko parang gumuho ang mundo ko. Nag aral akong mabuti!

Infatuation & ReflectionHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin