Chapter Thirty One: Unsure Of Himself

46.6K 1.1K 39
                                    

It's been a long time, nakakamiss din palang magsulat ng author's note XD Anyway, I will start to write using Third Person POV. Ang totoo mas sanay talaga akong magsulat using this method. Asahan ninyo na ito na rin ang gagamitin ko sa mga future story na isusulat ko. At sana suportahan nyo pa rin ako sa kabila ng mga pagbabago na pinili ko. I also want to take this opportunity to thank all the people who grabbed a copy of my book, Invisible Girl. From the bottom of my heart, thank you so much! Hanggang sa uulitin XD


Chapter Thirty One: Unsure


Vince's POV

"Are you alright?" May pag-aalalang tanong ni Mark sa patuloy kong pananahimik. Magmula nang umalis kami sa bahay ng mga Calderon ay hindi na niya ako muling nakausap. Nanatili akong walang tahimik at walang kibo habang nakatingin sa labas ng bintana.

Kahit nang makatanggap ako ng tawag mula kay Cyrhel tungkol sa kinaroroonan ni Valjean ay hindi ako nag-react. Bagay na ikinagulat ko kahit sa aking sa sarili.

"Bakit magpupunta si Valjean sa condo unit mo? May naiisip ka bang dahilan?" Muling tanong ni Mark para makuha ang atensyon ko at hindi naman siya nabigo.

"Wala," matipid at mahina kong tugon. Hindi ko pa rin inaalis ang tingin sa labas.

"Hindi ka ba nag-aalala para kay Valjean."

"Of course, nag-aalala ako."

"Kung nag-aalala ka bakit parang wala kang pakialam sa nangyayari?" Naroon ang iritasyon sa tinig ni Mark.

"Anong gusto mong gawin ko? Mag-panic?" Doon ako lumingon sa kanya. "Ikaw na mismo ang nagsabi sa akin kanina na kumalma lang ako."

"Hindi iyon ang punto ko. Vince, you're not in yourself!"

"What are you expecting from me pagkatapos ng mga nalaman ko? Do you think madali para sa akin na tanggapin ang mga alaalang bumalik sa isipan ko?"

"You're memory came back?" Gulat na tanong ni Mark. "Kailan pa?"

Hindi ako kumibo at binaling muli ang atensyon sa labas ng bintana.

"Vince-"

"I don't want to talk about it... Not now!" Subalit hindi marunong makinig ang kaibigan.

"At kailan mo gustong pag-usapan? Bukas? Sa makalawa? O baka naman wala ka talagang balak sabihin sa amin ang totoo!"

"Shut up, Mark! You're talking too much. Ang sakit na sa tenga ng boses, alam mo ba iyon?"

Finally, he stopped. Masusuntok ko na talaga siya kung hindi siya titigil sa pangungulit. Lalo lamang niyang pinagugulo ang isip ko sa kanyang kaingayan.

"Ano ang plano mo kay Valjean?"

Pinukol ko ng matalim na tingin si Mark. Akala ko pa naman ay titigilan na niya ako pero hanggang akala lang pala ako.

Sabay na lumipad ang mga mata namin sa dashboard nang tumunog ang kanyang cellphone. Tila may sumuntok sa dibdib ko nang mabasa sa screen ang pangalan ni Tyron. Bagaman in-expect ko na anumang oras ay tatawag siya ay hindi ko maipaliwanag ang kaba na naramdaman ko ng mga oras na iyon. Gusto ko na sanang damputin ang phone ni Mark at sagutin iyon pero naunahan na ako ng kaibigan.

Gamit ang kanyang bluetooth earphone ay kinausap niya si Tyron sa kabilang linya.

"What?" Bulaslas ni Mark na nagpaangat ng puwet ko mula sa aking kinauupuan. Tila mayroon siyang narinig na hindi magandang balita subalit ayaw niya lang ipahalata sa akin.

Big Boys Don't Cry (published under PHR)Where stories live. Discover now