Chapter 10

62.4K 1K 73
                                    





"Si Lance Yushiki po?" I asked the HR when we entered this hospital.

"Room 203, VIP room." Sabi ng babae na pinagtanungan ko. Nang sabihin niya sa akin yun ay sumakay na kami ng elevator. Excited na kong makita si Lance. Mabuti nalang at saturday ngayon at walang pasok.

"I need to go to the bathroom. You go ahead." Anya ni James nang makalabas kami sa elevator. Biglang naihi James? If I know kinabahan ka lang. Ang utos ko kasi kay James ay ang mag-sorry siya kapag napunta na kami doon.

"Sige." Sagot ko rito. Inabot niya sakin ang dala naming prutas na basket. At nauna na ako sa may room 203.

Kumatok muna ako bago makapasok ng magulat si Lance sa pagdating ko. Naglalaptop siya ngayon at nang makita niya ako ay sinarado niya ito.

"Hey."

"Hello." Nakangiti kong sabi.

"What brings you here?" Nagtatakang tanong nito sa akin.

"Bawal na ba bumisita? Oh eto, prutas. " at abot ko ng basket na hawak-hawak ko. Nagsenyales ito ilagay ko ito sa may lamesa sa gilid niya.

"Kamusta ka naman, Lance?" Tanong ko sa kanya ng makaupo ako sa gilid ng higaan niya.

"Okay lang naman, bored lang dito." Saad nito at umupo ng maayos napansin kong ang legs niya ay may semento mukhang nabalian siya ng legs.

"Pasenya na talaga sa ginawa ni James ah." Malungkot kong sabi. Nakakainis! Kawawa naman itong si Lance.

"Haha it's okay. Tell him that he is so gay when it comes to punchin---" hindi na natapos ni Lance ang kanyang sasabihin ng makapasok si James. Napatigil kaming dalawa at tinignan lang namin si James na umupo sa may couch.

"What is he doing here?" Tanong ni Lance na may pagtataka.

"Sinama ko siya para magsorry sa ginawa niya sayo." Bulong ko rito.

"Shaya, hindi naman siya ang may dahilan neto eh." Nagtaka naman ako sa sinabi niya at nagsimula na itong magkwento.

Napagalaman kong nalaglag ito sa punong mangga ng may humabol sa kanyang aso. Umakyat daw siya tapos nung malaglag siya sakto ang kanyang kanang paa ang lumusot sa may creek. Mabuti na nga lang daw at dumating ang amo ng aso kundi asong ulol na daw siya ngayon. Natawa pa nga ako sa kwento niya eh. Si James naman hindi nakikipagusap kay Lance at naglalaro lang ng pubg sa iphone niya.

"Paano na yung pagaaral mo?" Pagiiba ko ng usapan.

"I have to stay for atleast 1 month." Cool nitong sabi.

"Ganon ba..." malungkot kong sabi.

"Hindi ka ba masaya at ikaw na ang magiging valedictorian? 2 months nalang at graduate na tayo." Natatawang sabi nito sa akin. Totoo na magiging valedictorian ako dahil sa hindi siya makakapasok at mamimissed niya ang mga quizzes.

"Ang unfair naman kasi ata nun."

"Ayos lang yun. Para din naman sa scholarship yun eh. And hey no hard feelings." Nakangiti niyang sabi. Ang bait talaga ni Lance kahit kelan.

"Hayaan mo bibisitahin kita palagi at bibigyan kita ng notes para sa finals." Imbis na matuwa ako parang nalungkot ako dahil sa wala na akong kakompetensya sa may school. Nang matapos kami magkwentuhan ni Lance, napagdesisyunan na naming umuwi ni James.

Nalulungkot talaga ako.






***

"Aalis tayo bukas." Anya ni James sa akin. Bukas? Pero birthday ko napala bukas.

"Saan tayo pupunta?" Ang bilis naman lumipas ng oras at mage-eighteen na ako.

"Magdidinner tayo." Maikling sagot nito habang naglalaro sa apple computer niya.

"Saan naman?"Tanong ko ulit. Na-curious kasi ako kung saan atsaka para mapaghandaan ko kung anong susuotin ko.

"Ah.. basta! Umalis ka na nga." Naasar na sabi nito. Nabubusy kasi ito sa nilalaro niya actually buong linggo itong busy si James at hindi na ako ginigulo sa kwarto ko kaya naman nagtataka na ako sa mga kinikilos nito. "Labas na." Asar na sabi nito.

"Oo na eto na nga lalabas na." Pilosopo kong sabi sa kanya at tuluyan na nga akong umalis. Nang makalabas ako ng kwarto nakita ko si Tita Delia na kakalabas palang at may dala siyang pink na box.

"Magandang gabi po." Pagbati ko sa kanya at naglakad na.

"Shaya, halika." Tawag nito sa akin kaya naman lumapit ako sa kanya. Nagulat ako ng iabot niya sa akin ang box na hawak nito sa akin. "Happy Birthday." Nakangiti nitong sabi sa akin.

"Hala, nagabala pa po kayo." Nahihiya kong sabi.

"Aw, it's okay. You can open it." Naeexcite na sabi nito sa akin. Binuksan ko ito sa harapan niya at namangha ako sa nakita ko. Its a pink fitted dress. Ang ganda niya talaga. Minsan lang ako makatanggap ng ganitong regalo. Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang presyo nito.₽12,499.9 lang naman ito.

"Hala tita hindi ko po ito matatanggap. Ang mahal po." Napasarado ako ng box ng makita ko ang price nito. Sobrang mahal.

"Magtatampo ako shaya kapag hindi mo ito tinanggap." Natatawang sabi nito sa akin. Kaya naman tinanggap ko ito.

"Salamat po."

"No problem, I bought it a while ago and I remember that it's my daughter-in-law's birthday." Nakangiti nitong sabi sa akin. Parang gumaan ang loob ko ng sabihin niyang daughter-in-law niya saakin. Napakaswerte ko talaga sa kanila. "Ah sige na, matulog ka na Shaya." Umalis na ako habang tulala sa regalo na binigay sa akin ni Tita. Ano bang nagawa ko at napakaswerte ko sa buhay na ito?

****

"Hinihintay ka na ni Sir James sa labas." Tawag sa akin ni Ate Linda.

"Ayos lang po ba ang suot ko?" Tanong ko sa kanya. Suot ko ngayon ang pink fitted dress na regalo sa akin ni Tita Delia.

"Ang ganda mo, Shaya." Nakangiti na sabi nito sa akin.

"Hala, salamat po Ate linda." Nagayos ako ng konti at nagmamadaling sinuot ang black stilleto na binili ni James saakin nung Christmas. Ngayon ko lang ito nasuot.

Nagmamadali akong pumunta sa labas nang makita ko si James na naghihintay sa may gate nila.  Bumungad sa akin ang napakagwapong James habang nakashades ito.

"Why it takes you so long..." hindi niya natapos ang kanyang sasabihin ng makita niya ako.

"Pasensya na. Ayos lang ba ang suot ko?" Tanong ko rito. Ngayon lang kasi ako nakapagdesisyon ng susuotin ko dahil si James palagi ang naghahanda ng susuotin ko.

"It's too fitted. And why is it so short?" Medyo asar na sabi nito. Na-curious naman ako sa sinabi niya kaya tinignan ko ang suot ko. Totoong fitted at nakikita ang hubog ng katawan ko pero sobrang class nito tignan atsaka isa pa regalo ni Tita Delia to sa akin.

"Magpalit pa ba ako?" Tanong ko nito habang nakasimangot. Gusto ko lang namang gumanda sa paningin niya.

"No. You're gorgeous." Sabi nito at pumasok bigla sa may kotse niya. Gorgeous? Edi nagandahan nga siya. Napangiti ako sa kanyang sinabi at pumasok na rin sa may kotse niya.

SHAYA: My Possessive Boyfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now