Chapter 4

132K 3.4K 278
                                    

Several years ago

"Why is she even close with Klaus and the Crivellis ba? She's just a daughter lang naman ng katulong." Narinig kong bulong ng mga babae sa paligid.

Gusto kong sabihin sa kanila na secretary ang mama ko at hindi katulong, pero para saan pa? Para sa kanilang mayayaman isa lang ang ibig sabihin non. Ramdam ko rin ang masasamang tingin nila pero sa isang taon ko dito sa University of Saint Bertille, nasanay nalang ako sa kanila.

"Hey." Nakangiting bati sa akin ni Klaus nang makita akong pumasok sa cafeteria ng school. Nasa isang sulok sila ng canteen. Palagi kasi kaming sabay kumain ng lunch simula pa nung unang araw namin dito. Second year tranferee na ako dahil advance akong nagsimula na mag aral, habang graduating naman sila ng highschool.

I sat beside Klaus, doon kasi talaga ang pwesto ko habang sa harap ko naman si Mira na katabi si Demitri.

Inaamin ko naman na hindi talaga ako bagay kasama sila. Para akong mortal na napasama sa mga gods and goddess. Lalo na kapag katabi ko si Klaus na palaging mabango at sobrang gwapo.

Marami kasing babae ang nagkakagusto sa kanila kaya hindi talaga maiwasan na may mainis sa akin dahil palagi ko silang kasama. Dati may humingi ng tulong sa akin upang mapalapit sa dalawa, sinubukan ko naman pero wala talagang pakealam itong mga to. Akala naman nung babae siniraan ko sila kaya ayun, nagalit sila sakin.

"I bought you a lunch." Sabi ni Klaus habang itinutulak papunta sa harap ko ang isang tray. Kare-kare, rice, may isang saging at buko salar. Alam niya talaga ang mga paborito ko. Ngumiti ako sa kanya.

"Salamat." Sa loob ng isang taon naming magkakasama, hindi ko talaga mapigilan ang magka crush kay Klaus. Bukod kasi sa gwapo siya, masiyado pa siyang maalalahanin at mabait sa akin. Kahit sino naman yatang babae ang nasa kalagayan ko ay mahuhulog din ang loob sa kanya.

Pero alam ko naman ang paglalagyan ko. Hindi naman ako umaasa na magkakagusto din siya sa akin. Tinanggap ko ng bukal sa loob ang pagkakaroon ko ng one-sided love sa kanya.

"Have you decided about what course you're going to take?" Tanong ni Demitri kay Klaus. Tumango naman ang isa.

"Business ad." Kumakain lang ako habang nakikinig sa kanilang dalawa na nag uusap tungkol sa kurso na kukunin nila. Parehas pala sila ng kurso na kukunin.

"You're going to study abroad right?" Tumingin ako kay Demitri nang tumango siya. Oo nga pala nakapasa siya sa isang university sa America. Tuwang-tuwa Sir Levin nang malaman iyon habang napaiyak naman si maam Vicky dahil malalayo sa kanya ang anak pagka-graduate ng highschool.

"How about you Klaus? Where do you plan to study college?" Sumulyap sa akin si Klaus at ngumiti. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko kaya naman mas binilisan pa ang pag kain.

"Dito lang sa USB, para mabantayan ko si Kayla." Natatawang sabi niya kaya bigla akong nabulunan ng kinakain kong saging. Agad niya akong inabutan ng tubig. "Dahan-dahan sa pagkain ng saging Kayla. Maliit pa nga lang yan nabubulunan ka na agad."

Nanlaki ang mata ko kay Klaus na dahilan ng pagtawa niya. Bigla akong namula, minsan talaga hindi ko masakyan ang mga biro niya. Nakita ko nalang na may humagis na balat ng saging sa mukha ni Klaus.

"Hey!" Sita niya kay Demitri na umirap lang at ibinato naman ni Klaus pabalik.

"Ass." Rinig kong sabi ni Demitri. Klaus just raised him a middle finger. Napailing nalang ako. Ganyan talaga sila mag asaran, nasanay nalang ako.

"How about you Kaylareen? Anong plano mo kapag nag college ka?" Pagbalik ng attention sa akin ni Klaus.

"Uhm, HRM ang plano ko. Gusto kong mag manage ng malaking hotel." Klaus scratched his chin at tumango.

"Alright, I'll make sure to put up a hotel for you to manage in the future." Ngumiti siya ng malapad at halos mawalan ako ng hininga sa klase ng ngiti na ibinibigay niya sa akin.

Jusko po, yung puso ko. Gusto kong humawak sa dibdib ko dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko kaso baka masiyado nang obvious na affected ako sa kanya. Alam ko naman na nagbibiro lang siya.

"Ako, I don't want to take courses. I just want to travel the world." Sabay-sabay kaming napatingin kay Mira na kanina pa nagpipipindot sa cellphone niya.

"You're still young Mira, magbabago pa yan." Sinamaan naman niya ng tingin si Klaus na pinagtawanan lang ang ten years old na si Mira.

"No! I want to travel around the world and meet different people." Napailing nalang ako. Simula kasi nang nakapanood kami ng pelikula tungkol sa babae na naglibot sa mundo ay nahanap ang true love, wala na siyang ibang bukambibig kundi ang maglibot ng mundo.

• • •

"But you like Kayla." Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ang pangalan ko. Pero di ko talaga sigurado kung ako ba talaga ang tinutukoy ng babae dahil marami namang Kayla sa mundo.

I heard a pfft sound. Hindi naman siguro ako ang tinutukoy dahil siguradong wala namang magkakagusto sa akin.

"No, I don't." Nakakaisang hakbang palang ako ng marinig na sumagot ang kausap ng babae. Kilalang kilala ko kung kanino ang boses na iyon.

"Yes, you do Klaus." Kinumpirma lang ng babae ang hinala ko pero sigurado ako na si Klaus iyon kahit hindi niya banggitin ang pangalan.

"No. I don't. She's just someone I know. I don't like her. I won't like her."

Sinabi ko ba na tanggap ko na hindi sa akin magkakagusto si Klaus? Oo, tanggap ko. Pero masakit parin pala na marinig iyon mismo sa bibig niya.


"Please, Calla. " Ahh, si Calla. Oo nga pala. Siya yung transferee na palagi niyang kinukwento kay Demitri na gustong ipakasal sa kanya ng mama niya.

Sinilip ko silang dalawa at nakita ko na hawak ngayon ni Klaus ang kamay ni Calla. Si Calla Mourein Vogel ay isang half German kagaya ni Klaus. Magkasosyo ang magulang nila kaya siguro sila pinaglalapit ng mga magulang nila. Maganda si Calla, kutis porselana at nakadagdag din sa ganda niya ang tuwid niyong ash brown na buhok.

Ako? Lahat ng kabaligtaran niya, hindi kagandahan, hindi kaputian, hindi mayaman at higit sa lahat itong buhok ko na hanggang ngayon undecided parin kung tutuwid ba o kulot.

Ano nga naman ang laban ko sa isang maganda na mayaman pa, kung anak lang ako ng katulong sa paningin ng iba?

Running Away from the Billionaire (LOB series #4)Where stories live. Discover now