II

1.2K 68 8
                                    

-II-

Tahimik lang si Dad habang ipinagda-drive ako papuntang school. Ako, tahimik lang rin. Wala rin naman kaming pag-uusapan kasi ang awkward.

Paghinto ng pick-up truck sa harap ng school, hindi man lang makatingin sa'kin si Dad. Sabi lang niya, "Nandito 'ko ng alas-kwatro."

Tumango lang ako at nagmamadaling lumabas ng sasakyan. Pinaharurot agad ni Dad ang sasakyan na para bang may dala akong bombang malapit nang sumabog.

Isinukbit ko ang bag ko sa balikat, huminga ng malalim at saka humakbang papuntang main entrance ng North Schuylkill Senior High School.

Aakalain mo siguro sanay na'kong maging transfer student. Pero iniisip ko pa lang, parang bumabaligtad na ang sikmura ko.

Pumasok ako at nagpalakad-lakad sa hallway, hinahanap ang CR. Luckily, naka-on ang ilaw sa loob. Puro vandalism ang mga dingding. Meron pang Duct Tape High Rulz! sa pinto ng cubicle. Obviously, hindi Best in Spelling ang nagsulat no'n.

'Yung mga salamin sa harap ng mga lababo, malabo na kaya halos hindi ko na maaninag 'yung reflection ko.

Sobrang putla ng mukha ko, sobrang nipis ng labi ko. Sana hindi ganito kahapis ang mukha ko. Wish ko lang, hindi parang medusa 'yung buhok ko. Sabi nila, malaki raw ang noo ko. Actually, wala yata akong gusto sa itsura ko. Pwera na lang 'yung mga mata ko-bluish gray, hugis almond tulad ng kay Mom.

Sa halip na lumakas ang loob ko, lalo lang akong na-down.

First period ko ang Spanish.

'Yung teacher na si Miss Rosario Cruz, siguro nasa late twenties. Actually pwede siyang model kasi tan-skinned at balingkinitan ang katawan niya. Pero sa higpit ng ponytail niya at sa talim ng tingin niya, hindi na mahirap hulaan kung ano'ng next na mangyayari. Maganda siya, parang 'yung mga lumang tao sa 60's movies.

"Papasok ka ba o hindi?" tanong niya, halatang inis.

Mukhang siya na nga ang bago kong favorite teacher.

"Sorry po," sagot ko, nagdarasal na sana hindi gano'n kapula ang mukha ko habang isinasara ko ang pinto.

May isang bakanteng upuan sa likuran, sa may tabi ng bintana. Yumuko ako at iniwasan ang mga matang nakapako sa'kin habang papunta sa upuan.

'Yung girl na blond sa may third row may sinasabi sa'kin pero masyadong mahina ang boses niya para marinig ko. Sumesenyas-senyas pa siya. Kulang na lang manliit ako sa upuan ko kasi, nakatingin silang lahat sa'kin.

"Ikaw," tawag ni Miss Cruz. "Oo, ikaw nga."

Ang weird. Nakangiti na siya ngayon. May sinasabi rin siya sa'kin--yata?--pero in Spanish kaya wala akong naintindihan. French kasi ang kinuha kong foreign language sa dating kong school.

Umiling ako. "Ano po?"

Umikot ang mga mata ni Miss Cruz. "Ano na nga ba 'yung sinabi mong pangalan mo? Dito ka na umupo sa tabi ni Carter."

Tinuro niya 'yong bakanteng upuan sa harap.

"Uh... hindi ko po sinabi." Sabay upo.

"Kung gano'n, introduce yourself. Saka dito ka na umupo sa harap, since your new and all."

"I'm Aramis Rayne. Uhm... okay na po ako dito."

Mukhang lalong na-imbyerna si Miss Cruz. Parang takot nga eh. Habang nagtuturo, patingin-tingin siya sa'kin. Kala ba niya may weapon of mass destruction sa bag ko?

Nakahinga lang ako nang maluwag no'ng matapos ang Spanish class. Pag-alis ng teacher, chismisan na agad ang mga classmates ko.

"Hindi ka dapat umupo d'yan," sabi no'ng blond girl na sumesenyas sa'kin kanina. Kakaiba 'yung tingin niya.

Reapers Trilogy (Tagalized)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz