Chapter 1:My first year life

1.7K 20 9
                                    

...

1st year life..

Hindi pa ko ready maging high school! Sa pagkakaalam ko kasi mahirap na mga subjects ihh.. Hay.. Tsaka naiinis ako kasi yung iba kahit kaka1st year lang, may mga bf/gf na.. Hay..-.- tsaka new set of classmates nanaman, may mga dapat pakisamahan kahit mahirap.. may mga bagong kaibigan na makikilala..

1st year ako nung makilala ko si Geoffrey..

Sabi nila gwapo daw, but for me, malakas lang appeal nya at hindi common ang muka niya.. Kaklase ko nga rin pala sya nun.. At una kong naging kaibigan sina Lineth, Yana, Chelsie, Shella, May at Lily.. Unang nagkagusto si Lineth at Yana kay Geoff, sumunod naman si Chelsie.. Hindi ko naging kaclose si Geoff dahil hindi nagtagal ay nagkagusto na rin ako kay Geoff, hindi naman sila nagalit kasi ang dami talagang nagkakagusto kay Geoff.. Naiinis nga ako dun sa ibang nagkakagusto kay Geoff eh.. Kasi naman biruin nyo yung iba eh nakapila pa sa labas ng klasrum namin para lang makita at makausap sya.. Anu tingin nila sa klasrum namin? Audition Center?! Wow ah.. Ni minsan naman hindi ako naging ganun sa crush ko-.- mga adik!-.- Tsk! Feeling ko nga yung iba e pinagseselos lang yung mga bf nila.. Hay-.- may ganun kaya..

Dahil nga sa kaklase ko sya, Hindi naiwasang kumalat na may paghanga ako kay Geoff.. De hindi natapos ang pang-aasar nila saken.. Nakakailang yun syempre.. At Dahil sa alam ni Geoff na maraming nagkakagusto sa kanya, hindi nya naiwasang yumabang at lumaki ang ulo.. Kaya kumonti ang kaibigan nya.. Hay nako.. -.- after a week nabalitaan ko na may nagugustuhan na pala sya.. At yun si Jenny, isa sa mga pinakamaganda at pinakamatalinong babae sa batch namin.. Hay-.- wala na kong laban.. Kasi naman ang layo ng pagkakamuka naming dalawa.. Hay.. She's like a rainbow and I'm just a cloud.. De syempre nasaktan ako kasi ang laki ng pagkakaiba namin.. Pero alam nyo, hindi sya pinapansin ni Jenny.. Tinanong ko sa iba kung bakit, sabi nila according to Jenny, muka daw hindi naman nagseseryoso si Geoff tsaka bawal pa si Jenny magkaroon ng bf.. De syempre nasasaktan noon si Geoff at ako, Hindi ko naiwasang maging malungkot for him..

...Days had passed...

Nang mabalitaan kong may bago nang gusto si Geoff..

At yun ang kaibigan kong si Yana.. Bakit sya pa? Bakit kaibigan ko pa? Hay.. Naging MU sila.. Pero feeling ko parang naging 'rebound' lang si Yana dahil nga hindi napapansin ni Jenny si Geoff.. At paulit-ulit Lang syang binubusted ni Jenny... Kung gusto talaga ni Geoff si Yana, ang bilis naman nya makamove-on.. Hay.. E eto naman kasing si Yana medyo may pagkamaarte din.. Hindi lang according saken pero according din sa iba.. Ang sakit kapag nakikita ko silang sweet.. Syempre kaibigan ko si Yana at may gusto naman ako kay Geoff.. Pero tiis tiis na lang.. Wala naman kasi akong magagawa diba..

...

After a few weeks..

Bigla namang kumalat na MU daw kami ni Geoff, Sabi lang saken ng mga kaibigan ko.. Pero nung mga time na yun, nagustuhan ko si Kel.. Isa sa mga kaklase ko.. Cguro kaya ko sya nagustuhan e dahil makulit sya at dati nga e MU si Geoff at Yana.. Ang reaksyon ko lang nung nalaman ko yung balita e, "WEH?" kasi papano naman niya ko magugustuhan diba? Ang baba kasi ng tingin ko sa sarili ko lagi eh.. Tingin ko nga naging 'rebound' lang din ako ni Geoff.. Playboy din kasi sya.. Pero nung time na yun, may kilig parin kasi kahit papano gusto mo yung tao. Pero may isa pang sinabi yung mga kaibigan ko saken.. May gusto rin daw si Kel saken.. Totoo ba yun? Parang hindi naman.. Sabi pa nila pano daw kung manligaw pareho, sino daw mas pipiliin ko? Hm.. Sa tingin ko si Kel.. Nung mga time na yun kasi, bumaba tingin ko kay Geoff dahil feeling ko din, Hindi sya nagseseryoso.. Nung tinanong nga sya ng mga kaibigan ko Kung may gusto daw ba talaga sya saken, ang sabi lang nya e, "ahh!!" ... "Ano ba to?! Lokohan?" Ang nasa isip ko.. Nakakainis kasi eh.. Pero di nagtagal, umamin ang mga kaibigan ko.. Pinagtripan lang pala nila ko kay Kel.. Wala talagang gusto saken si Kel at sinabi pa daw ni Shella na isa sa mga kaibigan ko na babayaran daw nya si Kel pag nagpanggap syang may gusto saken.. Sh*t! Yun ba ang KAIBIGAN?! Wow ah! De noon nagmuka na kong tanga dahil napahiya na ko sa kanila pati na rin kay Kel.. Mas pinili ko na nga nun si Kel kesa kay Geoff e.. Pero nung tinanong ko yung about kay Geoff, sabi nila yun daw ang hindi nila alam kasi daw sabi lang ni Geoff sa kanila na Ako yung gusto nya.. Bahala na nga sila! Hindi ko na sila Kaibigan! Wala na Trust ko sa inyo!

...

Nung Recollection naman namin..

May activity dun na bibigyan nyo ng letter ang isang tao.. Nagulat ako nung ako yung isa sa mga binigyan ni Geoff.. Limited lang kasi yung papel na pwedeng sulatan.. Syempre binasa ko agad.. "Katie, thank you sa lahat lahat".. "for what?" ang nasa isip ko.. Pero syempre may kilig. Haha.. After nun, may isa pang activity.. Yun ay pasa-pasahan ng kandila.. Kandila kasi nga recollection, it symbolizes God daw.. Ibibigay mo yun sa taong gusto mong sabihan ng "thank you" and "sorry".. Nagulat nanaman ako nung binigyan nya ko ng kandila.. E de syempre yung mga kaklase ko nag'yiee'han.. Usong-uso yun anu-.- Yung 'yiiee' haha xD

...

Nung nagkaroon naman ng event sa school namin..

Nandun lang ako sa booth ng section namin.. Kasi naman nakakainis yung iba-.- Kapag natatatakan ka, magbabayad ka ng 20 pesos, minsan nga umaabot pa sa kulungan e, magbabayad ka ng 60 pesos..-.- corruption!xD joke. Kasama kasi talaga yun.. E de ayun nananahimik ako sa isang tabi...

....Nang dumating si Lineth. 'Uy pahandcuff ko kayo ni Geoff!' e nung time na yun nagpapahinga si Geoff kasi andami nang nag pahandcuff sa kanya.. Sabi ko 'Ayoko nga!-.-' Sabi ni Lineth 'Dali na! Minsan lang to! Ako naman magbabayad' Sabi ko 'Ayoko nga e. makulit?' nanahimik sya ng sandali kasi may kausap din sya nung time na yun.. 'Buti naman' ang nasa isip ko.. Nang biglang..'Sir! Papahandcuff ko po si Kelly at Geoff.' sabay bayad.. Sabi ko'Ayoko nga ehhh' sabi nung sir namin 'Dali na. Ang daming bakante na handcuffs oh' sabay tali ng kamay ko at kamay ni Geoff.. Pumayag naman kasi si Geoff.. Hay.. E de aun nagcmula na.. 1st stop, sa katabi naming booth na scramble.. Bumili si Geoff, halata namang gutom n sya.. Kasama namin ni Geoff nun si Lineth at yung isa ko pang kaibigan na si Celina.. E de ayun na nga.. Ang tahimik ko nun, hindi ako nagsasalita.. Nung bumili na si Geoff, biglang sabi ni Celina 'Uy bili mo naman si Katie!" 0.o ang reaksyon ko.. Sabi ko 'ha?' Biglang humarap saken si Geoff.. 'Gusto mo ba?' sabi niya.. Sabi ko 'ayoko-.-' sabi naman ni Celina 'Dali na gusto yan ni Katie, nahihiya lang'.. Sabi ko 'Hindi ah. Kumain na ko Nyan eh' hanggang sa binili Ako ni Geoff ng scramble-.-... Pinaabot pa ni Celina yung scramble saken.. Nung inabot saken ni Geoff yun, sabi ni Celina 'Yieee parang nagdadate lang' -.-wow.. After nung scramble may binili pa sya.. At pagkatapos niya kumain.. Sabi ni Geoff 'Tara punta tayo dun sa gitna' sabi ko 'Ayoko natatakot ako dun sa mga nantatatak' Kuripot ako eh xD kasi naman Sayang yung pera dba? XD sabi niya 'Dali na, cge Ako magbabayad' natahimik ako noon.. 'cge. Bahala ka' ang sagot ko.. Palakad pa lang kami nang cnabi kong 'Wag na kasii..' nakokonsensya naman kasi ako kung sya lang ang magbabayad kung sakaling matatakan kami pareho.. At ayun, kasabay nun, natapos yung time namin sa handcuff..

....

..Nung nagkaroon naman kami ng faith sharing sa Christian Living...

May activity dun na makikipagshakehands ka sa taong gusto mong sabihan ng 'Thank You' 'Sorry' at 'I Admire You'.. Unang lumapit saken ang mga friends ko.. Lahat sila nagsorry saken.. Ang sabi ko na lang sa kanila,"Ok lang yun".. Dahil gusto ko na ring magkaayos-ayos kami.. At nung si Geoff na, una syang pumunta kay Yana.. Then I didn't expect na pupunta rin pala sya saken.. Nung nasa harap ko sya, hindi ko sya pinapansin.. Samantalang yung teacher at mga kaklase ko e nakatingin lang samen ni Geoff.. Eto namang si Geoff, yung kamay nya e ready na makipagshakehands.. Ewan ko kung bakit ayaw niya pa umalis, Hindi ko na nga sya pinapansin.. Then after a few minutes, dun ko na lang naisipan na makipagshakehands sa kanya..

....After a few days, naisipan kong magmove-on kasi sa tingin ko it will not work naman.. Feeling ko kasi paasa lang sya kasi ni hindi niya pa nga tinitigilan si Jenny..

....

....wala na akong lovelife..

*Hindi pa po ito tapos dahil may makikilala pa si Katie... so wait for the next chapter:)

Who's that Stranger?(COMPLETE:D)Where stories live. Discover now