Chapter 1

2.9K 46 0
                                    

Amanda’s POV

                Nakakainis naman tong si Dianne. Siya nagsabi na agahan daw namin para konti lang tao sa coffee shop, siya naman tong matagal. Usapan namin six pm, lapas ala syete na lang wala pa siya. Nakakadagdag lang rin sa inis ko tong lalaki sa table na kalinya ko. Kanina pa tingin ng tingin. Gwapo sana at mukha ring matalino pero kung makatitig, wagas. Kinikilabutan na ako.

                Biglang nagring ang phone ko sa tabi ng kape ko. Muntik tuloy mabuhusan ng kape. “Hello, ba’t ang tagal mo? Diba usapan natin six? Nasan ka na?” inis kong tanong.

                “Kalma lang te. Nasa taxi na ako. Nakaidlip lang ako sandal kanina at di ako ginising nina Mommy,” sabi niya. Alam kong nagpipigil lang siya ng tawa sa inis ko.

                “Sige, sige. Sabihan mo yang driver na pakibilisan,” sabi ko. Binaba niya rin agad ang tawag at bumalik na ako sa pagbabasa ko. Ba’t kasi tatlo exam ko bukas? May major pang kasama. Di ko na alam alin uunahin ko. Mas madali pa ang major ko kesa minor.

                Di nagtagal nakita ko ring bumaba sa taxi ang bruha. Nasa may gilid lang kasi ako ng coffee shop ang glass ang walls nila kaya agad ko siyang nakita. Kinawayan niya ako at kumaway rin ako sa kanya. Biglang napakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.

                Pumasok siya pagkatapos ibigay ng driver ang sukli niya. Agad siyang sumalampak ng upo sa upuan kaharap ko. Inilabas niya ang kanyang dalawang libro na dala at ipinatong sa lamesa. Tumayo rin siya agad at nag order. Nang makabalik na siya ay bigla niya akong tinitigan at tumingin sandali sa lalaki na kanina pa nakaw ng nakaw ng tingin sa akin. “Hoy te. Kilala mo ba yang lalaking yan?” tanong niya.

                Tiningnan ko sandal ang lalaki pera alalahanin kung kilala ko ba siya pero wala talaga. “Hindi eh. Bakit? Type mo?” nang-aasar kong tanong.

                “Sana. Pero parang ikaw yata gusto eh,” nakangisi niyang sagot. “Kanina pa nakatitig sayo. Di mo ba napansin?”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Giving You UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon