Chapter 25 : Changes

656 18 5
                                    

CHAPTER 25

ANNE'S POV

Pero napostpone ang tournament nung day na yun.

Bakit? Hindi kasi ideal ang sitwasyon ng kabilang team. Basta nagkaroon ng mga difficulties.

Kaya naman weeks passed at nag practice kaming mabuti ng team.

Sina Shai at Maxy, ewan ko, bigla nalang nila ako iniwasan after the postponed game.

Kaya naman nung practice, ilang na ilang ako kasi feeling ko ang baba kong ewan.

And I'm damn not used to that feeling.

Pagkauwi ko, naabutan ko nalang sina Krish at Ria sa bahay.

"Anong ginagawa niyo dito?" sabi ko

"Anne. Matagal na namin ni Ria gustong iparinig 'to sayo pero lagi ka naman walang time." sabi ni Krish

"Pagod ako, please, wag na ngayon. badtrip na e." sabi ko

"Anne makinig ka--"

"AYOKO NGA SABI! MASAMA NGA ANG PAKIRAMDAM---"

*PAK!*

"SHIT! Why did you do that?!" sigaw ko kay Krish habang hawak ang pisngi kong sinampal niya

Ugh! Pakshet!

Hindi nakapagsalita silang pareho.

"Ano ba kita, ha Krish?! Kahit nanay ko hindi ako nasampal! Tapos ikaw ang lakas ng loob mong sampalin ako!? Grabe ka ha! Kaibigan ka lang. Krish! Wala kang karapatang gawin yon!!!"

Naiyak nalang basta si Krish at lumabas ng bahay.

Natira si Ria sa loob, halatang takot sa akin.

"Ano?!" sabi ko pa

Teary-eyed kaming pareho.

"A-anne... Kasi eto. Pakinggan mo nalang... S-sorry." sabi ni Ria

Inabot niya sa akin yung cellphone ni Krish.

Umalis si Ria.

Inilapag ko lang yung cellphone sa may table ko.

Crush Turned Lover (ON-HOLD)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang