Chapter 6

260K 7.7K 913
                                    

Alam kong harmless si Red, in fact kung i-ri-rate ko 'yung danger level n'ya ay feeling ko kasing dangerous s'ya ng isang bear... isang teddy bear. Ewan ko ba kung bakit wala akong maramdamang malisya talaga sa kanya.

Naisip kong baka sanay na lang ako sa mga lalaki kasi lumaki akong may mga Kuya. Red has this aura of protectiveness around him. Parang ideal na kapatid o kaibigang lalaki. O, baka rin feeling ko lang.

"Green..."

"Bakit?"

"Sure ka bang okay lang sa'yo na dito ako titira?" he asked. Natahimik kasi ako after he said yes to my invitation dahil bigla akong napaisip. Paano kung dadalaw sina Mommy? Paano kung nalaman nina Kuya? At higit sa lahat, paano ako magkaka-love life rito sa Diliman kung may kasama akong lalaki sa bahay?

Maiintindihan kaya ng aking future boyfriend na purely platonic at hindi romantic ang relasyon namin ni Red? Dios mio, so many questions but the answers are so few...

"Hoy, bakit nag-i-emote ka d'yan? Pwede mo pa namang bawiin, eh, 'di pa naman ako nagbigay ng reservation fee." He sounded like he was teasing but I knew that he was worried. Malapit na ang pasukan at wala pa s'yang bahay na matitirhan.

"'Yung totoo? Hindi ako sure," I honestly replied. "Takot ako sa stigma na ikinakabit sa lalaki't babaeng nakatira sa iisang bubong. Baka isipin nilang nag-li-live-in tayo, may nangyayaring kababalaghan sa loob ng bahay o kung ano pa man. At feeling ko rin kahit hindi ka naman gwapo ay iisipin ng mga future manliligaw ko na more than friends tayo."

"Dumugo ang ilong ko sa hindi ako gwapo," he rejoined chuckling.

"Siguro gwapo ka para sa iba pero hindi para sa akin. Ayoko sa mga lalaking mapuputi, eh, parang nakakaimbyerna. Dapat kasi kayumanggi para lalaking-lalaki."

"Ayoko rin sa mga babaeng mahilig magmura, parang nakakabuwisit. Dapat mahinhin at 'di magaslaw gumalaw para Dalagang Pilipina."

"As if may pakialam ako kung anong gusto mo."

"Wala rin akong pakialam kung anong gusto mo."

"Sinabi ko bang meron?!"

"Ayoko rin sa babaeng mahilig manigaw."

"At ayoko sa lalaking choosy! Chura mo!"

"Ayoko sa babaeng pikon."

"Ayoko sa lalaking akala mo naman ay good catch!"

"Ayoko sa babaeng hindi nakaka-take ng joke."

"Ayoko sa lalaking mahilig mag-joke hindi naman funny!" 

He laughed out loud and my annoyance tripled.  "Maygahd, naiinis ako sa'yo! Hindi talaga tayo friends!"

"But I would love to be your guy best friend, Green," he said.

I promptly got a little confused. Teka lang, hindi ba nagbabalahuraan tayo, bakit nag-iba yata timpla mo?

"Gusto ko ng kaibigang hindi mahihiyang sabihin kung ano ang ayaw n'ya sa akin. Gusto ko ng kaibigang tanggap ako kahit hindi ako maghilamos, maligo, o magsuklay."

"Wait, bakla ka?!"

Sayang naman genes mo, Griffin Dor. Ang guwapo mo kaya kahit ayokong aminin sa'yo!

"Saan galing 'yan? Gusto mong halikan kita?"

"Bakit ba kapag tinatanong ang mga lalaki kung bakla sila, eh, 'yan kaagad ang sinasabi? Maraming baklang marunong humalik, ano!"

"Hindi bakla tawag d'un kundi bi."

My eyes widened. "Shucks, bi ka? As in?!"

"Green naman, gusto mo bang ikama kita?"

Lovefools (SELF-PUBLISHED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant