Chapter 14

3K 112 8
                                    

Hindi na nag-abala pang takpan ni prinsesa Kimberly ang kalahati ng kanyang mukha ng sumakay siya sa pulang kotse at pumasok sa loob ng race track.

Kailangan niyang mahimasmasan. Nagliliyab ang bawat himaymay ng ugat niya dahil sa in heat na sinabayan pa na bilog na bilog ang buwan ngayon gabi!

Let me out!

Nang makailang beses ikot siya bumaba siya ng sasakyan. Sinalubong siya ng malamig na hangin-panggabi.

Nilanghap niya iyun habang nakapikit.

Let me out!

Hindi siya mangangamba kung may makakakita sa kanya dahil siniguro niyang siya lang ang naroroon. Sinabihan naman niya ang gwardiya na nagbabantay roon na huwag siyang aabalahin.

Let me out!

Isang iglap naging anyong lobo na siya sa gitna ng malawak na race field na iyun.

Tumingala ang kulay pulang lobo na tilang hinahalikan ang bilog na bilog na buwan.

Kumikinang sa liwanag ng buwan ang kulay pulang balahibo nito na tila bang isang nagliliyab na apoy sa ilalim ng buwan.

"Shit!!!"

Marahas na napalingon ang lobo sa pinanggalingan ng ingay na yun. Mabilis na kumilos ang lobo at humarang sa tangkang pag-alis ng kung sinuman na nakakita rito.

Elver...

Nanlalaki ang mga mata nito na nakatitig sa lobo. Hindi makapaniwala sa nakikita nito.

Nanatiling matiim na nakatitig ang anyong lobo ni Kimberly sa binata na walang kakilos-kilos. Tila natulos na ito sa kinatatayuan nito at tila tuluyan ng tinakasan na ng lakas na makagalaw man lang.

Bago pa man makita ng prinsesa ang takot sa mga mata ng lalaking itinakda sa kanya ay agad na tumalikod ang lobo.

Hindi siya handa na makita na katakutan siya nito kahit na darating sila sa puntong iyun.

Mabilis na humakbang ang lobo at matulin na tinakbo ang kalawakan ng lugar na iyun palayo sa binata.

Nasapo ni Kimberly ang dibdib ng makarating siya sa kanyang tirahan hindi alintana ang kahubdan niya ay nanghihina na napaupo siya sa paanan ng kama.

Mahal na prinsesa..

"T-tinakot ko siya,tama?" mapait niyang saad.

Pero hindi pa naman natin nakita kung natakot ba siya satin o hindi eh!

Mariin siyang napailing. "Natakot ko siya," anas niya kasabay ng pagsikip ng dibdib niya.

Pero hindi naman natin nakita kung natakot ba siya o hindi eh! Shock,Oo! Pero--oh no! Umiiyak ka,mahal na prinsesa!

Agad na pinahid niya ang mga luha na bumasa sa pisngi niya.

Bakit ba siyang natatakot kung matakot sa kanya ang lalaking itinakda sa kanya?

Ayon sa propesiya. Choice niya kung saan sila hahantong ng lalaking itinakda sa kanya at mukhang mas magandang choice na...

Imposible yan!

"That's my choice.."mapait niyang saad.

That's a cowardice,princess!

Don't do this to us! Hindi masaya kung mananatili kang mag-isa habam-buhay!

He's your mate! Siya ang lalaking bubuo at kukumpleto satin!

Mariin na umiling siya. Paninindigan niya ang desisyon.

Ikaw ang takot....not him.

TPORWD Series 4: Kimberly T. Justo byCallmeAngge(inCompleted)Место, где живут истории. Откройте их для себя