Liham para kay C

46 1 0
                                    

Dear C,

        Napahiga ako sa kama. Tapos bigla lang kitang naalala. Hindi ko nga rin alam eh. Siguro ganun ka lang talaga ka-importante. Wala rin naman kasi akong lakas ng loob para kausapin ka. Kasi unang-una wala namang sense yun. Pangalawa, ako naman ang naunang umiwas. Na-miss lang kita kaagad. 

        Yung feeling na hindi naman dapat pwede pero nandun parin yung feeling na hindi naman dapat, hindi naman kailangan, hindi naman talaga ganoon ka-importante, pero yung feeling na binabalik-balikan ko parin. Kasi hindi ko alam kung ano pero masarap lang talaga sa pakiramdam.

        Unang-una, gusto ko magpasalamat. Kasi yung mga bagay na dati na akala ko malabo na.. Akala ko dati hindi ko talaga maiintindihan yung mga bagay bagay sa mundo. Masyado akong nagbabad sa dilim. Inenjoy ko naman yun eh. Pero kulang. Kulang talaga. Tapos biglang sumulpot ka. Dati talaga akala ko wala na akong pag-asa. Na ganito nalang ako. Pero yung mga bagay na yun, bigla kong nakalimutan kasi dumating ka na. Dahan-dahan, naintindihan ko yung mga bagay. Dahan-dahan, nalaman kong pwede rin pala. Na ako rin pala, pwede maging masaya. Alam mo naman ang pinagdadaan ko diba?

        Naalala mo pa? Knock-knock joke ko sayo? "Ano ang first name ni Nemo?" hindi mo masagot diba? Napaka non-sense talaga ng tanong na yun pero pinatulan mo parin. Hanggang sa sinagot kita ng "Finding". Hindi ko nga alam kung natawa ka o hindi pero masaya ako. Sa bagay na hindi ko alam. Kinausap mo ako, pinaglaanan mo ako ng oras... At masaya. Masayang-masaya talaga ako. Nagustuhan kita. Nagustuhan talaga kita. At kahit anong limot ang gawin ko hindi ko talaga magawa. Kasalanan ko nga ba ang mga nangyare?

        Sa totoo lang, hindi ko rin alam ang sense kung bakit ginagawa ko pa to. Hindi ko rin alam kung dapat bang gawin ko pa to. Pero masakit lang. Hindi ko rin naman kayang sabihin na kasalanan mo ang lahat. Wow naman kasi. Ang assuming ko naman siguro pagnaisip ko yun. Pero bakit? Tinanong ko rin sa sarili ko, bakit hindi nalang ako? Bakit siya pa? Umasa ako. At ang sabi ko kung ano man ang mangyayare, magpapakasaya nalang ako para sayo. Kasi yung the usual na "masaya ako pag masaya ka" pero hindi. Masakit pala. Pero ayokong mawala ka kasi siguro kaibigan kita. At ganun karin sakin.

        Nagbibilang ako ng araw... Alam mo ba yun? Magdadalawang buwan narin simula nung hindi na tayo nagkausap. Alam mo kasi, naawa na ako sa sarili ko. Importante ka pero wag ka, importante rin ako pero bakit masakit? Masakit yung lahat yung kapag pinipilit kong maging masaya pero ang hirap. Nagbago na yun kasi wala ka. May pake ka ba? Masaya ka ba? Sadista ka ba? Ang sarap magmura, magtanong pero wala naman kasi akong magagawa. Minsan pa nga, hiniling ko nalang na sana hindi na kita nakilala. Inunfriend na rin kita sa Facebook kasi ayokong i-stalk ka ng i-stalk. Masyado nang masakit. Kahit wala ka naman talagang pinopost. HAHAHA 

        Hindi ako expressive. Tsundere nga ako diba? I say the opposite things of what I exactly feel. Pero ewan ko... Mahal lang siguro kita kaya natitiis ko ring masaktan at magpakaganun.

        Hehe pero alam mo, kung hindi naman dahil sayo, hindi siguro ako masaya nun. Siguro namatay na ako nun. Siguro wala na talaga. Pinatay na ako ng mga problema. It was always you who was by my side. I thank you for that. Siguro hindi mo ma-feel o ano. Pero gusto ko lang talaga magpasalamat. Hindi ko lang kasi matiis yung gantong hindi kita kakausapin. 

        Alam ko namang hindi na mababalik yung dating 'tayo'. Nakakabaliw na siguro kapagka ganun. Kamusta ka na? Naghihintay ako ng updates mo ah? Nabasa ko na pala yung bago mong work. Sana ipagpatuloy mo pa yun. Galing sa puso, gambatte!

        Ako naman, okay naman. Medyo stress dahil sa school. Sa MKD na ako ngayon. Japanese school. Lam mo na to. Yung malamig na aircon. Huehuehue.  Masaya na e-enjoy naman ako sa Japanese class. May haters lang nga pero okay naman. HATERS GONNA HATE nga iba? Slow updates parin yung DNF XD hahahaha wala namang bago dun diba? Hmmm..

        Tsaka.... May nakilala akong tao na binago rin ako... Pinasaya ako. At masaya naman ako dahil sa kanya. Masayang-masaya na ako. Dahil sa taong yun, namotivate akong gawin ang mga bagay bagay. Masaya akong nakilala ko siya. Alam mo kasi yung kahit wala siyang ginagawa pero yung presence niya, tama lang para ma-ease yung sakit? Masaya talaga ako.

        Ikaw? Meron ka nabang nakilala? Hehe wag mo nang sagutin. Iyo na yun. YEP! Kumakain sa oras. Hehe tumaba na nga ako eh. Nagstop na rin ako sa pagcocosplay at modeling. Nagkatrauma ako. huhu pero okay nanaman ako! Pero sa October ata parang mapapasabak nanaman ako. Haaaay T 3T

        Miss na kita. Kung pwede lang kasi kitang kausapin ulit. Matutuwa ako. Ewan ko lang kung kelan mo mababasa to. Pero... salamat. Alam ko na ang rason kung ba't nagkakilala tayo. Salamat kasi ginawa mong masaya ang mga natitirang araw ko sa mundo. Salamat talaga. Siguro hindi lang ikaw yung taong mamahalin ako o makakasama ko habang buhay (korni). Hindi ko rin naman alam kung sino pero... Naiintindihan ko na. Napalaya ko na ang utak ko sa mga tanong ko. Salamat oy! From the kokoro.

        Babatiin mo ba ako ng Merry Christmas? Eh Happy Holloween at New Year? Alam mo namang gusto ko yun diba? Oo weird parin ako! Kaya inuunahan na kita! Advance ha? Maraming salamat sa lahat! Masaya talaga ako. Sobrang saya ko.

P.S. IKAW PARIN SI ERO-CHAN AT POGI PARIN AKO. PERO HINDI AKO LOLI AT BAKLA PARIN ANG CHICSER! *sticks tongue out*

OH! Salamat rin pala. Dahil sayo, nadala ako sa anime world. Pero weeabo parin ako xD HAHAHA

- Red-chan

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Aug 30, 2014 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

Liham para kay COnde histórias criam vida. Descubra agora