15 : Long time no see

748K 30.9K 8.9K
                                    

5.

Long time no see

Agatha

"There's no way in hell i'm going out looking like this." Napangiwi na lamang ako habang nakaharap sa salamin. I'm comfortable wearing my striped pull-overs and short skirt but make-up? You have got to be kidding me.

"Baka gusto mong ipalunok ko sayo tong curling iron?" Banta ni Reema na kanina pa ako inaayusan. I dont get it, its just a party, why the hell do I need to wear make-up? 

"Hindi ka ba talaga sasama?" Tanong ko ulit kay Reema habang pasimpleng tinatanggal ang lipstick na nilagay niya sa labi ko.

"Agatha i'm on probation. Hindi ako pwedeng malapit sa lugar na may mga alak. Delikado para sakin at sa iba." Tipid niyang sagot kaya lalo akong nainis. "Nga pala, dont be shy kahit na ngayong gabi lang. Mingle with other people especially since madaming cute boys dun." Muling paalala ni Reema.

Cute boys? I dont care about them. Si Cooper lang naman ang gusto kong makita eh.

"You said you want to have a normal life? Bakit nakasimangot ka?" Tanong ni Reema.

"What if the teenagers at the party wont like me? I'm a freak." Napabuntong hininga na lamang ako.

"Then dont be a freak just for tonight. Have a good time. They dont know who you are which gives you every opportunity to feel like everything's okay." Bahagyang tinapik ni Reema ang balikat ko hudyat na tapos na ang pag-aayos niya sa akin.

Muli kong tintigan ang sarili kong repleksyon sa salamin. Napabuntong-hininga ako. Hindi ako sanay na kulot ang mahaba kong buhok lalo na sa make-up pero oh well, just like Reema said, nobody even knows who I am. I should have fun.

"Knock-knock!" Sigaw ni Trent sabay pasok sa kuwarto ko. Nag knock-knock pa eh papasok parin naman. Ngumiti siya nang malapad nang magtama ang tingin namin.

"Hay buhay... Kung wala lang bulldog na nakabantay sayo, Hi Reema, liligawan na kita Agatha." Pabirong sambit ni Trent kaya agad siyang sinamaan ng tingin ni Reema.

"Agatha hintayin mo munang tumanda para ako nalang manligaw sayo." Kapwa kami napatingin ni Reema sa pinto nang makarinig kami ng isang pamilyar na boses. Hindi ko maiwasang mapasigaw sa tuwa nang makita ko si Javi at dali-dali ko siyang nilapitan at niyakap.

"Javi manyakis." Pang-aasar ni Reema.

"Reema mukhang galis." Ganti naman ni Javi kaya agad nanlisik ang mga mata ni Reema. At gaya ng inaasahan naghabulan na naman ang dalawa gaya ng dati. Atleast may hindi nagbago.

"Leggo!" Sigaw ni Trent at bigla akong inakbayan.

"Ughh, do I really have to go?" Muli akong napangiwi. Ito kasing si Trent, sinabi kay Reema ang tungkol sa isang party kaya ang lokong si Reema ipinagtulakan agad ako. 'May the odds be ever in my favor' tonight.

*****

“Oh my God.” Napabuntong-hininga na lamang ako at napahawak sa dibdib ko. Hanggang ngayo’y hindi parin nawawala ang nararamdaman kong kaba pero kahit papaano’y para akong nabunutan ng tinik kasi hanggang ngayo’y buhay pa ako.

Stay awake, Agatha (PUBLISHED UNDER PSICOM)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz