Wattpad Original
There are 2 more free parts

/4/ Queer

55.5K 3.4K 1.3K
                                    


'Be yourself', they saybut they will mock youjudge you, criticize your wayssociety, full of hypocriteswell, we don't care

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

'Be yourself', they say
but they will mock you
judge you, criticize your ways
society, full of hypocrites
well, we don't
care


/4/ Queer

  [MOLLY'S POV]  

3:15 PM

I nearly cringed when I saw him standing near the Balete tree, for all places bakit ba dito pa niya piniling makipagkita? At hindi ko inaasahang nandito na siya 'agad, kadalasan kasi kapag sinabing three pm ay magiging three thirty, kaya akala ko maaga pa 'ko nito. Well, Filipino time.

"You're fifteen minutes late," puna ni weirdo sa'kin habang nakatingin pa relos niya. "Kanina pa ako rito."

"Sorry," sabi ko na lang para wala na siyang masabi. He began to move and I just followed his pace. "Where are we going?"

"Just follow me, 'kay?" hindi na ako nagsalita pa at sumunod na lang sa kanya.

Namalayan ko na lang na pumasok kami sa premises ng College of Liberal Arts. Medyo pinagtitinginan ang agaw pansin na si Cole the weirdo dahil sa kanyang kulay lumot at gulu-gulong buhok. Naiisip siguro nila kung ano'ng ginagawa ng isang Education student at Engineering student dito.

Nasa ground floor pa lang kami nang huminto kami sa harapan ng J.P. Rizal Theatre, ang teatro sa buong university.

"What are we doing here?" medyo nag-aalalang tanong ko dahil ngayon lang ako nakapunta sa lugar na 'to. Hinila ko pa 'yung laylayan ng manggas ng uniform niya para pigilan siya dahil basta-basta na lang siyang papasok sa loob.

"Molly, cool ka lang," tinapik niya pa ako sa balikat at tinulak niya ang pinto.

Pumasok kami at bumungad ang madilim na teatro, ang tanging ilaw lamang sa entablado ang may mga liwanag May mga iilang tao na nanunuod subalit namumukod tangi ang isang lalaki sa gitna kung saan nakatutok sa kanya ang spotlight. Mukhang nagpa-practice sila.

Umupo si weirdo at wala naman akong ibang nagawa kundi umupo na rin, pumwesto ako sa likuran niya.

Binaling ko ulit 'yung tingin ko sa lalaki sa stage, he's reciting something, it's like a poetry. Nandito ba kami para manuod o ano? But I didn't speak for a while.

"To be, or not to be: that is the question:
Whether 'tis nobler in the mind to suffer
The slings and arrows of outrageous fortune,
Or to take arms against a sea of troubles,
And by opposing end them? To die: to sleep;
No more; and, by a sleep to say we end
The heart-ache and the thousand natural shocks
That flesh is heir to, 'tis a consummation
Devoutly to be wish'd. To die, to sleep;
To sleep: perchance to dream: ay, there's the rub."

Wake Up, DreamersWhere stories live. Discover now