Early Pregnancy

10 0 0
                                    

Some of us will think "ay malandi yan kaya nabuntis ng maaga" why they don't even think na nagmahal lang kasi kaya ginusto nilang ibigay yung sarili nila sa isang lalaking inakala nilang papanagutan sila, dahil sa mga salitang binitawan , matatamis na pangako pero kapag may responsibilidad ng haharapin ay bigla nalang maglalaho.

Oo, walang taong perpekto, walang sinuman ang nakakasigurado sa kung ano ang susunod na mangyayari satin.Bakit may mga lalaking takot sa ginawa nilang kalibugan? Bakit hindi nila kayang tanggapin nalang at harapin yung ginawa nilang kababuyan, di nalang sana ginawa kung di rin lang naman kayang panagutan.

Masakit maiwan, masakit mapangakuan, lalo na kung di naman kayang panindigan. Naaalala niyo paba? Kung pano kayo nanligaw sa kanila? Naalala niyo paba kung pano niyo pinaramdam na espesyal sila pero ngayong may bunga na pinagmukha niyo lang silang tanga. Nakakaawang dalaga nabuntis ng maaga.

"Hindi pa ako handa" "Ano mangyayari satin pag pinagpatuloy natin to? Bata pa tayo" "Pano na yung family ko ano sasabihin nila sakin" "Kelangan ko makapagtapos ng pag-aaral"

Mga katagang lalabas nalang bigla sa kanilang bunganga pero, "iha natanong mo ba yan sa sarili mo bago ka tumikim? "Bago niya ipasok yung sandata na para bang kung maglaban na kayo ay talagang nakikipagdigmaan?

"Hindi ko sinasadya" "hindi ko anak yan" "sa ibang lalaki yan" "sa labas ko pinutok yun" "hindi kita kayang buhayin" "hindi pa ko handa maging ama"

Sunod-sunod na lalabas sa bibig ng lalaking tumusok sa ilalim ng babaeng nangarap lang mahalin kaya sinuko ang bataan na dapat ay siyang iniingatan at ibibigay lang sa dapat na ipapangasawa. Pero wala na, winasak na , at ngayon iniwan na ng luhaan at naging batang ina nalang.

"Ipahulog nalang natin to mapapagalitan ako ng mga magulang ko"

Huwag. Huwag mong gagawin ang bagay na iyan para lang matakasan ang suliraning iyong kakaharapin. Maraming naghahangad magkaroon ng anak, tapos ikaw papatay lang ng batang nasa loob ng iyong sinapupunan para lang matawag ka pang dalaga? Matakasan ang kasalanan na iyong ginawa na nagbunga?

Wala kang karapatang mandamay ng batang nabubuhay sa loob ng iyong tiyan na walang alam at walang kasalanan. Wag mong pagdusahin ang iyong anak para lang sa iyong kapakanan. Hindi iyon solusyon. Nakaya mong magpakasarap kayanin mo din kung pano maghirap.

"Papanagutan kita wag ka mag-alala" "kaya natin to kapit lang" "kahit bata pa tayo gagawin ko lahat para mapalaki natin ng maayos anak natin" "haharapin natin to ng sabay ihaharap kita sa pamilya ko"

Kunting lalaki nalang ang masasabing matino, pahirapan pa kung hanapin dito sa mundo. "Pare nabuntis ko girlfriend ko pero papanagutan ko siya mahal ko talaga siya" Mga salitang nakakakiliti sa babaeng kanilang pinangakuan. Bubuo ng pamilyang masaya, kasabay sa hirap at ginhawa, walang hindi kayang gawin basta magtutulungan. Mahalaga ang bata kaya dapat silang alagaan, dahil kahit kailan hindi naging rason ang abortion para lang sa sariling kasiyahan.

---

( So hello guise! Kung may nagbabasa man nito, maraming salamat sayo! ;) I appreciate your time na iginugol sa pagbabasa. Just wait for my next update or pwedi din magcomment pampagana lang din magsulat hihihi ,Follow me guise for more updates, thank you in advance. Also free to leave a commentssssss! Babasahin ko lahat ng comments niyo pramisss! Mwaaaahhhh XD)

My EmotionWhere stories live. Discover now