Judgemental Person

9 0 0
                                    

May mga taong mahilig manghusga, di mo maisip kung bakit nila ginagawa ito. Pero hindi tayo perpekto minsan nagagawa din natin to. Hindi natin kelangan magmalinis, bagkus tanggapin natin na minsan na din tayong nakapaghusga sa iba. Ganon talaga ang buhay di maiiwasan ang magkaroon ng kasalanan kahit di mo pa sadya.

Pag-usapan natin yung mga taong alam na nga nilang nali yung panghuhusga e pinagpapatuloy parin, yung tipong parang labas lang sa ilong yung sinasabi na para bang wala siyang naririnig basta makabuka lang yung bibig, may masabi lang nakakapagpasaya sa sarili niya kahit alam niyang nakakasit na siya.

May mga tao talaga na masaya kapag ka may nasasaktan. May mga tao din na masaya kapag may nakikita silang nahihirapan. Bakit kaya ganon? Ni minsan ba hindi nila naisip na naghirap din yung nanay at tatay para buhayin sila , para pag-aralin , bihisan pakainin. Lahat ginawa para mabuhay.

Kaso hindi nila dama iyon dahil alam nilang may tinatamasa silang magandang buhay kaya hindi nila dama ang hirap. Hindi ba pweding isipin nalang natin yung kapakanan ng isa't-isa? Magmahalan nalang tayo. Magka-isa para lahat masaya. Pwedi bang ganon nalang? Kaso malabo, malabong mangyari iyon.

Puno ng masasamang tao ang mundong ito di ko sinasabing hindi ako kabilang dito dahil alam ko sa sarili ko na minsan na din akong nagkamali. Pero hindi masama magbago diba? Kaya natin yun. Kaya natin magbago. Iwasan ang mga dapat iwasan. Panghuhusga? Ano ba mapapala natin diyan? Wala naman diba?

Kaya mas mabuti pang itikum nalang natin mga bunganga kung wala naman magandang isasalita. Bakit di natin pag-usapan nalang yung mga magagandang bagay na nangyayari sa buhay natin? Mas nakakaexcite mag kwento kapag pareho kayong nagpapalitan ng kwento.

Pag-uusapan niyo ibang tao? Go lang as long na hindi mo siya hinuhusgahan. Mas masarap mabuhay na walang bumabagabag na konsensya. Mas masarap mabuhay na wala kang pasanin na kasalanan sa iba. Mas masarap mabuhay pag kasundo ang mga tao, lagi mong tatandaan masarap mabuhay. Kaya wag natin sayangin ang buhay natin , wag sayangin ang bawat minutong lalagpas kakapanghusga lang sa ibang taong wala naman ginagawa satin.

Isipin natin sa sarili natin pano kung tayo din hinugusgahan ng ibang tao? Ano mararamdaman mo? Ilagay mo yung sarili mo sa sitwasyon na gusto mong mangyari sa ibang tao, para alam mo kung hanggang saan ang tabas ng bunganga mo at alam mo kung san ka pepreno kapag lagpas kana.

Hindi lahat napagbibigyan, hindi lahat nasusunod ang gusto. Once na nakapagsalita ka ng masakit , hindi mo na mababawi yun. Pero hanggat kaya natin. Iwasan natin ang makapanghusga ng kapwa tao, tayo dapat nagtutulungan hindi yung naghahatakan pababa para lang matawag kang mas mataas sa taong nilagay mo sa baba.

( So ayownnnnn! May bagong update yung lola niyooooo! Basta ayon stop judging each other guise that won't help us, Let's spread love and Good vibes! Mwaaahhhh Free to leave a comment, follow me also if you love my real life story, i appreciate it so much! Thankyouuuuuuu! :)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 12, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My EmotionWhere stories live. Discover now