Chapter 4

8.5K 354 28
                                    

Swan

Nakatayo lang siya malapit sa may pool ngayon dahil kanina pa si Chantelle na nagpapabalik balik sa tubig. Hindi na nito makuhang magsawa. She was checking her wristwatch for possible threat pero wala. Clear din lahat ng spy cam video.

She saw the gate opened at pumasok ang isang kotse doon. Bumaba ang isang babaeng may hawig kay Chantelle pero mas bata lang ito. She put her sunglass on and activate it to scan if there are possible weapons she's carrying pero wala.

Dumiretso ang babae sa kinaroroonan niya ng makita siya nito.

"Ate!" Pasigaw na wika nito ng makita si Chantelle sa pool. Chantelle smiled iyong nakakatunaw na ngiti nito. Her heart leap but it died when she remembered na hindi niya ito pag-aari. Bakit ba niya iyon laging nakakalimutan?

"Shanelle!" Sigaw din nito bago lumangoy sa direksyon nila saka umahon. Medyo lumayo siya sa dalawa.

"Gusto kitang yakapin but you'll get me wet!" Humalik ito sa pisngi ni Chantelle.

"Kadarating mo lang?"

"Yes ate. You know friday ngayon so uuwi talaga ako kasi boring sa dorm namin."

"I know. So naglunch kana?"

"Oo ate." Bumaling ito sa kanya. "Sino siya?" Takang tanong nito. Buti nalang nakasunglass siya. She can looked at them better. Iniiwasan niyang mapatingin sa katawan ni Chantelle since naka two piece lang ito.

"Um.. She's my bodyguard." Mas mabuti na iyon kesa anuman. Talaga namang bodyguard lang siya nito. Nothing else.

"Cool! Ang tangkad niya!"

Mabilis itong nakalapit sa kanya at inilahad ang kamay nito.

"Hi! I'm Shanelle Olivia Tanangco."

She doesn't wanna be rude kaya tinanggal niya ang sunglass niya't nakita niyang nakatingala ito sa kanya habang nakatulala. She held her hand and shook it gently.

"I'm Swan Lacos."

Akmang babawiin niya ang kamay ng magtatalon ito. She's so childish!

"Oh my gosh! Oh my gosh! The famous Swan Lacos!" Naglambitin ito sa leeg niya at pinaghahalikan ang pisngi niya.

"Shanelle!" Sigaw ni Chantelle dito at noon lang ito natauhan. Bumitaw ito sa kanya pero hindi naman lumayo.

"Ate Swan! Ang ganda ganda mo po! I have my classmate na super fan ka niya kasi ang galing mo daw sa pagliligtas ng ate niya!"

"I'm just doing my job Miss Tanangco."

"Hey! Ate Swan call me Shanelle! Miss Tanangco sounded so formal." Napalabi ito. Parang bata.

Tumango siya rito. "Ok."

Her phone rung at sinagot niya iyon ng makitang si Xen ang tumatawag.

"Xen."

Matagal bago ito umimik sa kabila.

"Swan, si Amber. Namatay sa misyon niya."

Her mouth hunged open. "No! That is not true! It cant be!"

"I am not lying. Pumunta ka ngayon din dito sa office, vroom."

"Shit ka Xen! This isnt funny! Tell me you are joking!"

"I am not. Pumunta ka ngayon din at may konti din akong balita sa iyo tungkol sa lalaking pumasok diyan."

She ended the call.

She looked at the two, Chantelle and Shanelle who's just staring at her.

"Is everything ok Ate Swan?" Si Shanelle.

Huminga siya ng malalim bago tumanaw sa malayo.

"It's not." Saka ulit siya tumingin pero kay Chantelle na. "Stay here and dont go out the house. May pupuntahan lang ako saglit."

"Sasama ako." Wika nito.

Umiling siya. "Hindi pwede Chantelle. Mas mapapahamak ka sa labas so stay here."

"I am still your boss kaya sasama ako sa ayaw at sa gusto mo!"

"Ikaw nga ang boss ko but when it comes to your safety ako ang masusunod!"

Kita niyang namasa ang mga mata nito. She didnt mean na pagtaasan ito ng boses. She's just.. worried.

She sighed.

Hindi rin naman niya kayang saktan ito. Sabagay mas mapapanatag din naman ang loob niya kapag nakikita niya ito sa tabi niya. Baka nga mamaya ay pasukin sila ng kung sino at wala siya sa tabi nito baka kung ano pa ang mangyari dito. Hindi niya mapapatawad ang sarili niya kung ganun.

"Sige na. Maligo kana't magbihis and I will wait for you. We'll use your car."

Iyon lang at tumalikod na siya rito para tignan ang kotse na gagamitin nila. She wont use her big bike. They will use Chantelle's car kaya kailangan niyang siguradohing maayos iyon.

She walked up to the car at ilang sandali pa ay binigay ng maid ang susi sa kanya. She started it to warmed the engine at tinignan ang brakes nito. She even inspect under it baka tinamnan na ito ng bomba but its clear. She even scanned it using her detector pero wala.

Chantelle walked up to her kasama nito si Shanelle. She sighed. Magkapatid nga ang dalawang ito at walang balak magpaiwan. Pinagbuksan niya ng pintuan ang dalawa pero si Shanelle lang ang umupo sa likuran. Si Chantelle ay sa harapan sa tabi niya.

"You cant sit in there. It's too dangerous."

Natigilan ito sa pagpasok. "Gusto ko dito." Malumanay ang boses nito.

Why does she have to sound like an angel? Hanggang ngayon malakas parin ang epekto nito sa kanya at mas lumala pa iyon. She have to control herself dahil hindi tama ito. The woman she ever love is engaged and very much inlove too with the man of her dreams at wala siyang laban doon.

Hindi siya nagsalita at pumasok na sa loob. Wala siyang imik na nagmaneho ng makapasok na ito. All the time na nagbiyahe sila ay hindi siya umimik ganun din si Chantelle. Nagsasalita lang ito kapag kinakausap ni Shanelle pero tipid lang ang mga sagot nito.

Not more than fourty minutes when they reached their secret lair called vroom. Mabuti't walang nakasunod sa kanila. She put her earpiece.

"Agent F, code 000710." Bumukas ang lupa at tumambad ang sekretong daanan doon na parang tunnel pero sa loob non ay malawak na opisina nila. This is their main secret office at kompleto sa loob. Iyong building ng agency nila kung saan pumunta ang mga magulang ni Chantelle ay parang cover up lang nila.

She drive the car inside at automatikong nagsara ang dinaanan nila kanina.

"Whoa!" Namamangha si Shanelle habang walang imik na nagmamasid si Chantelle sa paligid.

Nakabukas lahat ng ilaw sa loob. Maraming nakahilerang sasakyan at may mga lab silang pagawaan ng technologies exclusively for the agents only. Nagpark siya at saka pinatay ang kotse. Nauna na siyang lumabas at nagtungo siya sa may hall ng underground building nila. Alam niyang nandon si Xen. This was built by Snow and she named it JAX'S agency. Pero paano na ngayong mabubuo ang JAX'S kung wala na si Amber?

Nakasunod lang si Chantelle at Shanelle sa kanya. Huminga muna siya ng malalim bago pinihit ang seradura at bumukas iyon. She got inside with Shanelle and Chantelle.

"Xen?" Aniya ng makita itong nakatalikod sa kanya.

Pagharap nito ay pinaputokan siya nito ng confetti.

"Happy Birthday Swan!"

What the hell?!

Destined To Be Yours 1 (Completed)Where stories live. Discover now