Chapter 1: Devilish

11K 852 133
                                    

"Tabi-tabi po...pasensya na ihing-ihi na talaga ako..."

Halos sirain ko na ang butones  at zipper ng pantalon ko sa kamamadaling makaihi. Kanina pa kasi talaga muntik-muntikan nang pumutok ang pantog ko pero ayoko namang umihi habang hindi pa namin narating 'yung camp site na ipinagmamalaki ng pinsan kong sinungaling.

"Baka gusto mong bilisan d'yan?" My cousin sounded annoyed. "Kasi ang daming lamok, ayokong ma-Dengue."

I swore under my breath. "Ay wow, may karapatan kang magreklamo when this is all your idea? Ako ba ang hibang na hibang sa isang lalaking mahilig umakyat ng bundok? Ako ba, ha? Ayaw mo palang magka-Dengue ay sana pumirmi na lang tayo sa bahay!"

"Hala, galit ka ba?"

"Hindi. Hindi ako galit. Bwisit na bwisit lang ako sa'yo! My God, Mia, after this adventure, maghanap ka na ng ibang makakasama d'yan sa mga kahibangan mo dahil hindi na kinakaya ng katawang-lupa ko itong mga trip mo sa buhay."

"Bakit naman?"

Naku, 'eto na naman s'ya. Napaka-insensitive talaga ng batang 'to! Sure s'ya na hindi n'ya alam?

Mas bata sa akin si Mia nang tatlong buwan pero kung umasta ay akala mo mahigit sampung taon ang itinanda ko sa kanya.

"Cuz, wait...you're really mad at me...?" she asked. She sounded hurt. "Ano na naman bang ginawa ko? Bakit parang lately parati ka na lang inis sa akin? Is it because I lost your iPod? Babayaran ko naman, eh, I'm just waiting for my allowance..."

"Sa tingin mo ay gan'un ako kababaw? Sasama loob ko sa'yo dahil lang d'un sa iPod na 'yun? Paabot ng tissue."

My cousin handed me a wad of sanitary tissues. God, I have to bring this to camp with me dahil alangan naman iwanan ko lang itong issue dito sa gitna ng kabundukan?

"Cuz, galit ka ba?"

"Hindi nga," I answered pushing to my feet.

"Eh, ano pala? Bakit ganyan kang magsalita sa akin?"

"Paano ba naman, your boy-craziness has reached new heights! Alam mo kung hindi lang talaga ako nag-alalang baka mapaano ka sa trek na 'to ay hindi na ako sumama. Why  the hell do you have to lie? Why did you tell him that you've trekked mountains and you're an outdoorsy person when the only mountain we've ever climbed was Bohol's Chocolate Hills?"

Mia giggled.

"Tatawa-tawa ka pa d'yan. Outdoorsy, my ass. Sa arte mong 'yan, you dared to describe yourself as adventurous and outdoorsy?"

"Cuz, siyempre I was trying to impress him. Siyempre outdoorsy s'ya kaya ang sinabi ko ay ako rin. Kasi nga, 'di ba, we need to have something in common? Hindi ko naman alam na bigla n'ya akong yayayaing umakyat ng bundok together with his friends."

"Anong bigla? He asked you if you'd like to climb this freaking mountain three weeks ago. Ibig sabihin, you had three weeks to say no."

"Ate naman, eh..." paglalambing ng pinsan ko. "Ate sorry na....sorry na, please...?"

"Ate ka pa d'yan...."

"Ikaw na nga lang kakampi ko, eh..."

My cousin knew how to make me give in. Mahal na mahal ko naman kasi 'yung pinsan ko at alam n'ya 'yun. Mia's Dad is my Dad's twin. Mia lost her mother when she was just six years old kaya naman parang sa amin na s'ya lumaki dahil mula n'ung namatay ang asawa n'ya, ay parang pinabayaan na rin ng Tito ko ang anak n'ya.

"Naiiyak tuloy ako...gosh, my face is going to get all red and blotchy..." she sniffed.

Hay naku...

WICKEDWhere stories live. Discover now