48

5.4K 338 209
                                    

Isang buwan na si Yoori na nakatira sa kanila, isang buwan na rin simula nang marealize ni Yoongi na may alam si Jin tungkol sa kanya pero ang mas iniisip nya ngayon ay ang text ng papa niya na pupunta siya ngayon sa condo ni Jimin.

Kung anu ano ang pumapasok sa isip niya habang nilalagyan ni Yoori ng kulay ang kuko niya, which is tatlong oras pa siyang pinilit nito bago siya mapapayag habang si Jimin naman ay abala sa pagtitirintas ng buhok ni Yoori, ginagaya niya ang pinapanuod niya sa youtube.

Napakagat siya sa labi niya habang pinagmamasdan niya yung dalawa, ayaw niyang umalis si Yoori.

Kaya naman hanggang ngayon ay hindi niya alam kung papaano nya sasabihin sa dalawa na pauwi na ngayon yung Papa niya at baka kuhanin na si Yoori sa kanila.

"Ate mommy, gusto mo ba ng color pink or color blue?" Tinaas ni Yoori ang dalawang nail polish na may magkaibang kulay.

"Blue na lang." Sagot ni Yoongi, sa totoo lang iba't ibang kulay ang nakalagay sa bawat kuko niya pero ayos lang sa kanya kahit maraming lagpas iyon.

"Argh! Di ko maitirintas." Inis na sabi ni Jimin bago siya sumuko, napatingin sa kanya si Yoori at natawa ito dahil sa reaksyon ni Jimin. 

"Tuturuan na lang kita mamaya kuya daddy, titirintasin natin si ate mommy." Nakangiting sabi ni Yoori bago niya pinagpatuloy ang pagkukulay ng huling kuko ni Yoongi.'

Aapila sana si Yoongi sa sinabi ni Yoori pero nang maalala niyang baka eto na yung huling araw na makita niya si Yoori ay tumahimik na lang siya.

Naupo si Jimin sa tabi niya, "Bakit parang ang tahimik mo?" Tanong ni Jimin.

"Bakit kaylangan bang mag-ingay ako?" 

Napasinghap si Jimin sa sagot ni Yoongi, "Oo nga pala, sabi mo Yoori may gift ka sa amin ni ate mommy mo?"

"Opo, meron po, wait lang tapusin ko lang 'to-- tadaahhh." Pinakita ni Yoori ang kuko niya kay Yoongi, agad ngumiti si Yoongi nang matapos na iyon.

"Galing naman ng baby Yoori namin." Ginulo ni Jimin ang buhok nito pero nang maalala niyang siya ang nagsuklay kay Yoori kanina ay natigilan siya bago siya natawa at inayos ulit ang buhok nito.

"Kunin ko na po gift ko sa inyo." Nagmamadali itong pumasok sa kwarto niya at lumabas na may hawak na papel.

"Tadaaaahhh!" Pinakita niya ang papel kay Yoongi at Jimin, hindi mapagkakailang magaling magdrawing si Yoori kahit bata pa lang ito, kahit simple lang ang drawing ay halata mong medyo kamukha nilang tatlo ang nakalagay doon.

"Family drawing, hehe." Nakangising sabi ni Yoori. 

"Tapos family bracelets." Pinakita ni Yoori ang loom band bracelet na nakasuot sa kanya at pati ang dalawang hawak niya na para kay Yoongi at Jimin na ginawa niya. 

"Aww, thank you." Agad niyakap ni Jimin si Yoori at pinaghahalikan ito sa pisngi. "Ang galing talaga ng baby namin, talented manang mana sa ate mommy nya." 

Napangiti si Yoori dahil sa sinabi ni Jimin, isinuot ni Yoori ang bracelet sa kamay ni Jimin at nung isusuot na ni Yoori ang bracelet kay Yoongi ay napahinto silang dalawa ni Jimin nang makita nilang naiiyak si Yoongi.

"Umiiyak ka ba?" Gulat na tanong ni Jimin.

"H-Hindi no! Ang dami lang alikabok, tingnan mo oh." Tinuro ni Yoongi ang hangin kahit wala namang alikabok, kaya naman nag-ihit ng tawa si Jimin dahil nakita niyang nagiging emosyonal na naman si Yoongi, hindi kasi siya sanay na nakikitang ganto si Yoongi, siguro nakakaapekto na rin ang pagiging babae niya kaya madali siyang maiyak.

"Akin na ate mommy yung hands mo, susuot ko na tayo yung bracelet." Sabi ni Yoori kaya naman inabot ni Yoongi yung kamay niya at sinuot naman ni Yoori iyon.

Things You Need To Do When You're A GirlWhere stories live. Discover now