4

146K 4K 247
                                    

Riana POV

"Saan ba tayo pupunta? Saka, pinagpaalam mo ba ako kay Mom?" Tanong ko kay Sky. 

After my class kase, basta nalang niya ako hinila at isinakay sa kotse niya. Tapos pinaandar. Grabe walang sabi sabi. 

"Yes. Napagpaalam na kita." Seryoso niyang sagot. 

Kung tititigan ko si Skyler, para siyang problemado na para bang ang may dinadala siya sa dibdib niya na napakabigat. Gusto kong mag-usisa kaso nahihiya naman ako. 

"Eh, saan nga tayo pupunta?" Tanong ko. 

"Kakain ng ice cream."

*o*

Nagliwanag ang paligid ko. Magic word, ice cream..

"Waaa! Totoo, Skyler? Yeheeeyyy! I want lots of ice cream. Mom won't see me eating because we're not on our house naman." Masiglang sabi ko. 

"Mami-miss ko ang kadaldalan mo." Seryosong sabi niya. 

Huh? Ano bang sinasabi ni Skyler?

"Ano bang sinasabi mo Skyler? Saka ano bang okasyon para ilibre mo ako ngayon ng ice cream? Well, given na yung pagbigay mo lage ng ice cream pero iba kase ngayon, sa labas tayo."

"Gusto ko kaseng masaya tayo bago tayo maghiwalay."

Maghiwalay? "E-eh, Skyle bakit naman tayo maghihiwalay eh hindi naman tayo.." Inosente kong sagot. 

He glared at me. "Tch."

Eh bakit ba? Totoo naman eh. Di naman kami so bakit kami maghihiwalay. 

Nakarating kami sa isa sa sikat ng ice cream parlor malapit sa SWU. Ang Pink Toppings. Ice cream parlor siya na may maraming flavors at toppings sa ice cream. Halos lahat ng hanapin mo nandito na. Meron pa ngang chili ice cream eh. 

Magkasunod kaming pumasok ni Skyler sa loob then naghanap kami ng bakanteng mesa. Meron naman. Sa pandalawanan. 

"What do you want?" Tanong niya. 

"Lahat ng flavorsss!" Masiglang sagot ko. 

"Tch."

Nag-walk-out na si Skyler pumuntang counter para um-order. Ang sungit niya talaga. Pero lalo naman siyang nagiging gwapo kapag masungit siya eh. 

Tiningnan ko ang paligid. Ang dami ring kumakaing students dito. Oras kase ng labasan from school. Gusto ko nga lagi akong tumatambay dito kaso naman may sundo ako lagi at mapapagalitan ako ni Mom. 

Ilang minuto pa ay narito na si Skyler hawak ang tray kung saan nakapatong ang dalawang bowl ng ice cream. Nilapag nya sa mesa namin. Yung isa plain lang tapos saktong dami lang tapos yung isa na, ehem! Syempre para saken ay iba ibang kulay. Iba iba kase ang flavor tapos ang dami pang toppings na kung anu-ano, may sprinkles, my chocolate bars, may stick-O, may mallows at may mga m&ms pa. 

Dream LoveWhere stories live. Discover now