#OT12

2.3K 136 62
                                    

Hindi ko na alam kung saan pa ako kakapit. 

Akala ko kasi after nung kay Kris, wala nang problema eh. Meron pa pala, hindi ko manlang nai-ready yung sarili ko.

Hindi manlang ako nakapaghanda sa pag-alis ng bias ko.

Shet shet shet na malagket naiiyak ako. 

Hindi ko ineexpect na mangyayari 'to. Last week kumakalat na yung rumor na aalis na nga daw si Luhan, pero hindi ko ineexpect na magkakatotoo pala <//3.

2012 lang ako naging kpop fan. First fandom ko ay "VIP", pangalawa Baby. Hater pa ako ng exo nun, ang tingin ko sakanila rival ng BAP, since rookie lang sila pareho nung 2012. Halos isumpa ko pa yung exo noon "Putang ina mga mukhang bakla puta puta puta." Ginaganyan ko pa sila lagi.

Pero kahit na Vip, at Baby lang ako noon. Nagse-search ako lagi ng tungkol sa exo. At laging naca-caught ng atensyon ko si Kris at Luhan. Ewan ko ba, sakanilang dalawa talaga ako tinamaan noon. Kumbaga kahit anti-exo ako, crush ko silang dalawa.

Kalagitnaan ng 2012 tumigil ako sa pagiging kpop fan. Bumalik lang ako ng mga kalagitnaan ng 2013, nung pinarinig saakin ng kaklase ko yung Growl. Humakot ng sobrang daming awards ang Growl, naging worldwide sensation pa charot haha. Basta ang ganda ganda ng Growl kaya nagising uli ang dugong Kpop stan ko.

At ayun na nga, naging biased group ko ang exo. Naging EXOSTAN ako nung Growl era. Sobrang tuwa ko kaya, hindi ko pinagsisihan ang pagiging exostan. Ang laki ng naitulong saakin ng Exo, I met a lot of people, nadiscover kong kahit papaano may talent ako sa pagsusulat ng stories, tumaas an grades ko, at kung ano ano pa. Basta, Exo ang escape ko sa mapait na buhay ko hahaha.

Dumating ang 2014, akala ko magiging maayos ang year na yon para sa exo, pero hindi pala. May 15, umalis si Kris. Siyempre umiyak ako, kasi shet, mahal na mahal ko ang EXO eh. Parang hindi ko kakayanin na mabawasan sila.

Umiiyak lang ako nun, sinusumpa at minumura si Young Min. Pero kahit anong iyak ko naman, hindi ko parin maibabalik si Kris. Kahit mura-murahin ko ng malutong si Young Min, hindi ko maibabalik si Kris.

Eh di sige, sinubukan kong tanggapin. Sa awa ng Diyos naka-move on ako sa nangyari kay Kris. Pero nung naka-move on ako, doon naman ako naging hiatus sa pagiging exostan. Nabawasan yung feels ko, tinamad ako magspazz, naging outdated ako sakanila.

Naging updated lang ako nung august, nung lumabas na yung official fandom name which is EXO-L. 

Dumating lang ako sa point na nabalitaan ko nalang na hindi maganda yung health ni Luhan. Nag-alala ako sobra nun. Then ayun na nga, nagspread yung about sa health niya, kasabay nun yung pag-spread ng rumors na aalis na nga daw siya.

Hindi ako naniwala siyempre, kasi tangina ba nila ang galing nila magpakalat ng rumors. 

Then ayun, dumating ang 10th day ng 10th month at 10 am. "Luhan filed a lawsuit" 

Wala na, haha hindi ko na alam kung saan ako kakapit. Gusto ko sanang wag maniwala eh. 

Kaso yung status ni Lay sa weibo. Wala na, 0.0001% yung chance na hindi totoo yung pag-alis ni Luhan.

Masakit sobra, siyempre bias ko yon. Kahit naman nangingibabaw na yung pagiging ARMY ko ngayon. Hindi ko parin magagwang kalimutan yung grupo na nanghila uli saakin pabalik sa mundo ng Kpop. 

Ang masasabi ko lang ay tangina ng ceo ng SM. Pakyu bente Kim Young Min. Hindi ko na hihilingin na mamatay ka, kahit karmahin ka lang ok na. Hindi naman ako ganun kasama para hilingin na mamatay ka. Magdusa ka muna tanda HAHAHA

At para sa EXO. Kapit lang guys. I know you guys have been through a lot of challenges, pero mas tumitibay tayo dahil sa mga problema na to. Wag niyo nang isipin yung mga immature na EXO-L na nagle-leave ng fandom. Sa mga ganitong situation mo talaga makikita kung sino ang mga tunay na EXO-L. 

At para sa pinakamamahal kong bias. Alam mo bang sobra akong nasaktan sa pag-alis mo. Wala na akong pinaka-aabangan tuwing comeback, wala nang ibang maghi-hit ng high notes bukod kay Chen at Dyo, wala nang dyosa ang EXO, wala na ang manly kuno na mahilig sa hello kitty, wala na ang dearest deer, wala ka na :( .

Naiintindihan ko naman eh, alam kong pare pareho kayong nahihirapan dahil sa CEO niyo. Wag kang mag-alala, suportado ko yang desisyon mo. Kung ayaw mo naman na talaga eh di go, sino ba naman ako para pigilan ka diba haha. Basta kung babalik ka, wag kang mag-alala, welcome ka parin. At if ever man na tanungin nila ako kung sino ang bias ko, pangalan mo parin ang isasagot ko. 

Mamimiss kita sobra, shet naiiyak nanaman ako. Pero mamimiss kita grabe, ang laki ng epekto mo sa buhay ko eh. Ang laki ng epekto ng EXO saakin kaya nasasaktan ako sa mga nangyayari. 

Sobrang nakaka-devastate, hindi ko alam kung kailan ako makakamove on sa pangyayaring to. Ganito pala yung feeling, paano nakaya ng mga Kris biased? 

Basta ha, suportado parin kita. Ikaw parin ang bias ko.

Nakakalungkot lang dahil hindi ko manlang kayo naabutang mag-perform ng live as "OT12". Parang sobrang hirap tanggapin ng "OT10" 

Mahirap man tanggapin yung mga nangyayari, pero wala eh, ganun talaga. Umaasa ako na panaginip lang to, kahit na 0.0001% lang ang chance.

Mas lalo akong nahirapan mag-update. Ewan ko, siguro magpapahinga muna ako. Sobrang naapektuhan ako sa pag-alis ni Luhan. Hindi ko kayang mag-update, hindi ko kayang magpatawa kung ganito ang sitwasyon ko. Sana maintindihan niyo. 

Yun lang. .

Always with you, Luhan.

Stay strong EXO. Stay strong EXO-L.

JiminismWhere stories live. Discover now