2

14.2K 365 5
                                    

habang pauwe kinikwenta niya ang pera niya, may ipon siya pang emergency, nadala na siya nung nagkasakit si Allan na halos nabaon siya sa utang. ang pera niya ngayon isang libo ang madadagdag sa ipon niya, nag babalak din kasi siyang mag tayo ng maliit na tindahan.
sa harap ng bahay nila.

lalo at malapit na mag desyembre kahit papano malaki din ang maidadagdag sa kanilang panggastos
sa araw araw.

nang sapitin niya ang bahay nila kumatok siya.

"tok tok tok"

"Alice ako to." sabi ko maya maya pa ay binuksan na ni Alice ang pinto.

"Kumain ka muna ate." sabi nito,hinayaan ko na maghain siya.

"kumusta naman ang pag aaral mo? " tanong ko.

"ayos naman ate, kaya lang may field trip kami sa Cebu sa sunod na linggo te, may naitatabi naman ako dito te, kaya lang pambayad lang wala akong allowance." sabi nito na nakamasid sa pagkain ko.

" sige dadagdagan ko." sabi ko sabay subo ng kanin at galonggong.

"salamat te, te di kaba nahihirapan sa pag aalaga sa amin?" tanong nito, ayoko ng ganitong usapan kasi naiiyak ako.

"nahirapan din pero kailangan kung asikasohin kayo,lalo maliliit pa ang mga kapatid natin"sabi ko.

"panu kung tumandang dalaga ka, di ka makakatikim ng lalaki niyan? haha"  pinandilatan ko si Alice off limit sa akin ang mga ganitong joke kasi virgin mary pa ang lola nyo.at alam ng mga kapatid ko iyon.

"nyt ate" agad itong lumayo kasi umiiwas na makurot ko.niligpit ko ang kinainan ko at hinugasan.sinilip ko muna ang mga kapatid ko.kinumutan saka naligo at natulog.

Kinabukasan maaga palang gising na siya para mag deliver ng mga kakanin sa may taft ,may order sa kanyang apat na bilao ng kakanin. madalas sa fb siya naglalako ng mga kakanin leche plan, ube halaya at kung ano ano pa. malaki ang kita niya simula nung sa fb siya nag post ng paninda niya.

marami ang dala niya pero sinasabay siya ng kaibigan niyang bakla na may parlor malapit sa taft , mabait si peachy kaya wala bayad,kaya kahit papano di siya mahihirapan.

"bakla, here na me, wer na u"biro ko ng makita ito sa harap ng second hand na sasakyan nito.

"tsee, bat ang badoy ng damit mo, diyos ko mama, sayang ang ganda mo kung ganyan ang ayos mo." nakangiwi pa ito sinipat ko ang palda kung soot hanggang sakong at yung blouse ko na kupasin.

"wag ka nga diyan, magtitinda lng ako ng kakanin." sabi ko at akmang papasok na sa sasakyan.

"hep hep ayoko ng pangit na kasama, " sabay lapag sa dala kung kakanin, at hinila ako papasok sa bahay nito.may iniabot ang isang dress na kulay asul, inayos ang mukha ko pinahiran ng powder at kunting lipgloss at inayos ang buhok kung tuwid na pinusod ko kanina.

"tama na yan, bakla baka makalbo ako,"reklamo ko.

"hoy bruha, stylist ang kasama mo tapos ikaw chaka chaka, ano ang sasabihin ng kleyente ko aber." nakapa meywang pa ito.

"oh siya bahala ka na nga jan,"hinayaan ko na mabilis naman na natapos kami, nag text ako kay Miss Robles na malapit na ako.ipapakain niya kasi sa mga office mate niya ang mga kakanin.nang makababa, ako ng sasakyan pabiro kung kinindatan si peachy.

"bye peachy baby, thank you for the lift." sabay flying kiss at lumihis ang tingin ko sa dumaang sports car.kita ko ang pagka tulala ng mga sakay nun,.

"tsee "sabay usad ng sasakyan ni bakla.

nang maideliver ay umuwe na ako para pumunta sa sunod kung trabaho.ang mag luto ng ilalako kung lutong ulam.

nang makauwe naman after na maglako ng ulam ay meryenda naman na banana cue ang aking inihanda.at sa hapon naman nag luluto ako ng barbecue.

ganito ang boung araw ko.

the substitute bride(COMPLETED)(r18)Where stories live. Discover now