Chapter 44 "Reason #1"

300K 10K 1.5K
                                    

Saisumi's POV

"Sumi?"

Mahigpit akong napahawak sa kutson ng kama.

C-c-cloud.....Andreda.....?S-sira ba tong suot kong salamin?

"Sumi?Ano bang nangyari?Ayos ka lang ba?"

Naiusog ko ang kama sa sobrang kagustuhan kong umatras nung lumapit sya ng kaunti.

"Wh-who are you?"

Mabilis na kumunot ang noo nya.Hindi ako pwedeng magkamali.

Hindi pwedeng magkamali si Mom pero kung sya si Cloud Andreda.....

N-nasan si Khai.....?

"Ano bang tanong yan,Sumi?Ako to.Si Khai."

Tumungtong ako sa kama at pumunta sa kabilang side.Nahihirapan man,buong lakas kong itinulak ang kama papunta sa kanya gamit ang paa habang ang isang kamay ko ay nakahawak sa sugat ko sa tagiliran.

"Stop lying.....Cloud Andreda."

Kitang-kita ang pagkagulat sa mukha nya ng marinig nya ang binanggit kong pangalan.Nag-isip ako ng paraan para makalabas sa clinic pero ng ibalik ko ang tingin ko sa kanya,hindi ko na magawang gumalaw.

Nakangisi sya.....

"Nice one,Saisumi."

Nanindig ang mga balahibo ko sa pagtawag nya sa pangalan ko.Ngayon alam ko ng hindi talaga sya si Khai.Ibang tao sya.....

'Kilala mo sya.Sa bawat galaw at salita nya.Ang taong yun at ikaw ay magkaugnay sa alaala pero kahit kaylan,hindi mo pa sya nakikita.Sya ay hindi sya.'

Ang clue ni Matt...

"Welcome to hell,my princess."

Naglaho sa utak ko ang iniisip ko kanina nung muli syang magsalita.Naramdaman ko na lang na may biglang tumakip sa bibig ko mula sa likod.

Y-yung doktora.

"It's nice to see you again,Purple."

May itinutok sya sa leeg ko na isang syringe.

Sh*t!Pampatulog!

Nanlaban ako.Sinubukan kong kumawala sa pagkakahawak nya pero kahit anong gawin ko,hindi ko matanggal ang kamay nyang nakatakip sa bibig ko.Lalo lang lumala ang pananakit ng sugat ko.

Purple-Eyed Princess (Published Under Cloak Pop Fiction)Where stories live. Discover now