Nalulunod

13 0 0
                                    


Ang bagong pag-asa

ay parang kamay na nagliligtas sa akin

sa malawak na karagatan ng kalungkutan

na parang araw-araw tila kailangan kong languyin

Ngunit paulit-ulit din naman akong pinakakawalan

At wala akong ibang magawa kundi

mag-isang iahon ang aking sarili.

May sarili naman akong lakas,

Lahat sila sinasabi sa akin iyon.

Hindi ko kailangan ng magliligtas sa akin.

Ngunit sa bawat pag-ahon sa akin ng pag-asa

na kasunod lamang ng muling paglubog

Nahihirapan na akong lumangoy ulit pataas—

Pagod na ako.

Pagod na pagod.

Paminsan, gusto ko na lamang ipikit ang aking mata,

at tuluyan na lang malunod.

Pero nandito pa rin ako, lumalaban

Hanggang may lakas pa,

Hanggang sa huling hininga.

Things I Could Never Say To YouWhere stories live. Discover now