Disappointed ka?

1.9K 60 18
                                    

Story #8

You: Nakita mo 'yun?

Stranger: Gavin? Abby here. :(

You: Abby, nakita mo nga 'yun?

Stranger: Yung alin ba?

You: Yung ngiti ko nung makitang magreply ka.

Stranger: Juice colored.

You: =)))

You: Kiligin ka dali.

Stranger: *kilig* okay na?

You: Gumulong-gulong ka sa sahig.

Stranger: *gumulong gulong sa sahig sa kilig* okay na?

You: Halikan mo ang screen sa sobrang saya, please?

Stranger: *hinalikan yung screen* demanding.

You: Ngayon sabihin mong, mahal mo ako. sobra.

Stranger: Mahal ko sarili ko sobra.

You: Hindi bang pwedeng ako na lang pumalit kay Gavin?

Stranger: PWede.

You: Sabihin mo. "Ayoko kay Gavin, sayo na ako."

Stranger: "Sayo lang ako. Saksi ang mundo"

You: Better.

You: Si Gavin ba ay kapatid mo?

Stranger: No.

You: Sino siya sa'yo?

Stranger: Kausap ko kanina. :(

You: Hindi mo na siya makikita. Makuntento ka na sa'kin.

Stranger: Okay sayo na.

You: Good.

You: Wala kang pasok ngayon?

Stranger: Sembreak na namin. I'm from UE.

You: I see. Ibig sabihin may tyansang makita mo pa si Gavin dahil marami kang oras mag-omegle.

You: At di ko 'yun gusto.

Stranger: Aalis naman ako mamaya. Ang cute mo. Haha.

You: Hindi. Nagsasabi lang ng totoo. Ano bang meron kay Gavin?

You: Medyo naasar ako nung una. Kakakilala pa lang natin. Iba na agad ang hanap mo.

Stranger: Yung feel ko kaya ko na tulungan siya magbago. Basta parang ambait nya baka pa nga sunduin nya ko sa UE bukas o sa wed eh kaso na'DC </3

Stranger: Sorry na. :(

You: Sunduin ka. . .isang bagay na di ko magagawa. Damn.

You: Hanapin mo na si Gavin.

Stranger: Asan kba?

You: Iwan mo na ako.

You: Hindi ako taga Manila.

Stranger: Sorry na. :(

Stranger: Taga san kba?

You: Quezon City.

Stranger: Lapit lang naman ah?

You: Malayo. Hindi kita kayang sunduin sa UE para lang don. Sige na, hanapin mo na si Gavin. Sayang.

Stranger: Hala. :(( Iiwan mo din ako?

You: Hindi. Pero sabi nila, kung san mas magiging masaya ang taong gusto mo, palayain diba?

Stranger: Wag na. :(

You: Hindi rin kita masusundo, hindi ko magagawang magpakita sa'yo. Kasi...babae rin ako.

You: Disappointed ka?

Stranger: Haha. Pakyu

OMEGLE STORIESWhere stories live. Discover now