Kabanata 23

1.2M 36.7K 29.4K
                                    

Kabanata 23

Annoying Questions

Nakatunganga ako doon habang pinoproseso ang lahat. Rozen told me that Coreen's inlove with him. But if she is bakit papayag siyang matulog kasama si Noah sa isang kwarto. Bumagsak ang bangs ko nang yumuko ako at sumandal sa dingding ng corridor.

Pumikit ako at umiling na lang sa aking reaksyon. Kailangan kong kumalma. Maraming pumapasok sa aking utak at tingin ko ay wala na talaga akong magagawa.

Nang biglang bumukas ang pintuan ilang sandali ang nakalipas ay napatalon ako. Nanlaki ang mata ko nang nakita kong lumabas si Noah. I was expecting Coreen to show up too but she didn't. Umigting ang bagang niya at sinarado ang pintuan. Kumalabog ang puso ko. Dapat ay kanina pa ako umalis pagkatapos ko silang sundan! But it's too late to go now...

Umawang ang bibig ko para sana unahan siyang magsalita pero naunahan niya ako.

"What are you doing here?" aniya.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko roon. Kahit anong alibi ang sabihin ko ay magmumukha lang akong tanga kaya minabuti kong tumahimik na lang.

"You're stalking me again?" umirap siya at nilagay ang kamay sa bulsa.

"I need to go," mabilis kong sinabi at nag iwas ng tingin para makawala sa kanyang mga tanong.

Mabilis akong nagtungo sa hagdanan at patakbong bumaba roon nang hindi siya nililingon. Dirediretso ang baba ko at pumanhik na rin sa CR, kung saan naman talaga ang tungo ko kanina bago ako nilihis ng sarili kong mga paa.

Nagtagal ako doon sa CR. Halo halo ang emosyong nararamdaman ko kaya kinalma ko muna ang sarili ko bago ako lumabas. Kabado ako nang nakalabas, luminga linga sa sulok ng hotel at natatakot na baka naroon si Noah. Suminghap ako nang wala at dumiretso palabas ng hotel para bumalik sa iniwan kong sina Everlyse, Carlos, at ang banda.

Malayo pa lang ako ay napansin ko nang may nadagdag roon. Nanlaki ang mata ko at hindi ko alam kung dapat ba akong tumuloy o bumalik na sa kwarto ko. Noah's there. He's sitting beside Warren. At kapag uupo ulit ako ay magkakaharap kaming dalawa.

"Megan!" Tawag ni Everlyse at pinanlakihan pa ako ng mata, nababasa yata ang nasa utak kong pag balik na lang sa hotel.

Pinagpatuloy ko ang paglalakad patungo roon at umupo na lang ng di pinapasadahan ng tingin kung sino ang nasa harap ko. Pansin ko ang paninitig ni Noah sa akin kahit na hindi naman ako nakatingin.

"Ang tagal mo namang nag CR," puna ni Everlyse.

"Sumama ang pakiramdam ko, e," sabi ko at hindi ko na naiwasan ang paglipat ng tingin kay Noah na pinaglalaruan ang kanyang daliri habang titig na titig sa akin.

God damn it! My heart is beating so fast because of those eyes! Mabilis ulit akong bumaling sa ibang tao para lang mapakalma ang puso ko.

"So... uhm..." Nakita ko ang paninitig ni Joey sa akin at pabalik kay Noah. I know he's feeling the tensyon.

Worthless (Published Under MPress)Where stories live. Discover now